Amnesia (Lay)

1.1K 14 0
                                        

 Amnesia (Lay)

Phoebe’s POV

Whaaah! Langya Lay! Pinaghintay mo nanaman ako ng 4 na oras sa pesteng restaurant nayon! 7 pm dapat kami magkkita doon. Anong petsa na! First anniversary pa naman namin ngayon! Nakakainis ka! Lagi mo nalang nakakalimutan mga date natin! Kundi lang talaga kita mahal iniwan na kita noon pa! Yihh! Kainis ka talaga! Di ko siya itetext. Hahayaan ko siyang magtext sakin grabe talaga! Asar! Pinatay ko nalang ang cellphone ko. Bahala siya!

Palabas na ako ngayon ng restaurant na kung saan sana kami kakain ngayon. Lechugas naman kasi Lay! Kainis na! Pasakay nako ng taxi ng bumuhos ang malakas na ulan. Taena naman oh! Tumingin ako sa orasan 11:15 pm na. Langya talaga.

Sobrang lakas pa din ng ulan sa labas buti na lang may dala akong payong. Nakadating na kami sa kanto ng subdivision namin kaya bumaba na ako, bawal kasi ang taxi sa loob ng subdivision namin. Peste. Nagstay muna ako sa guard house para hintayin tumila yung ulan 11:50 noong napagpasyahan kong umuwi na. Saktong tatawid na ako para pumunta sa kabilang kalye ng biglang may ilaw na papalapit sakin at nadinig ko ang malakas na busina ng kotse.

*Boooogsh*

Naramdaman ko nalang na tumama ang ulo ko kung saan at tumilapon ako tas biglang nagblack-out.

Lay’s POV

“Okay sir. Thankyou po.” Sabi ko sa kameeting ko.

Anong oras na natapos yung meeting namin. 10:30 na magkikita dapat kami ni Phoebe ngayon eh dahil anniversary namin. Galit nanaman yun sakin! Baka akala niya nakalimutan ko. Hindi ko nakalimutan na dapat magkikita kami ngayon. Yung ibang mga date namin yung nakakalimutan ko pero yung ngayon hindi sadyang late lang natapos ang meeting namin at hindi ako makasibat. Kanina nga sa meeting nagpaalam ako para pumunta sa c.r at para umalis na din pero kalabas ko ng conference room saktong dadating naman ang boss namin. Kainis!

Nagddrive na ako ngayon papunta sa restaurant kung saan kami magkkita ni Phoebe at umaasa ako na nandoon pa siya pero kainis! Traffic padin kahit late na! Bat kasi umuulan pa?! Tinry ko na din na tawagan ang cellphone niya pero cannot be reached sya. Lagot na talaga ako sknya ngayon.

Nakadating ako sa restaurant ng 11:30 na pumasok ako sa loob ng restaurant at pinagtanong si Phoebe pero sabi nila kanina pa daw umalis. Umuulan padin hanggang ngayon. Napagpasyahan ko na dumiretso nalang sa bahay nila. Habang ngddrive ako kinabahan ako bigla at doon ay nagisip nako ng kung ano-ano. Sana walang masamang nangyari saknya.

Mabilis akong nakadating sa subdivision. Agad akng pumasok sa subdivision nila ng may makita akong babaeng nakahiga sa gitna ng daan, duguan at walang malay. Agad akong bumaba ng kotse para tulungan yung babae. Nagulat ako ng makita ko ang itsura ng babae at doon ay tumulo na ang mga luha ko. Si Phoebe walang malay, may sugat sa ulo, madaming pasa sa katawana at duguan. Agad ko siyang dinala sa ospital. Tinawagan ko na din ang mga magulang niya at nagulat din sila sa mga nangyari.

“Sorry po tita tito. Di po kasi ako agad nakaalis sa meeting namin kanina. Sorry po talaga ako po may kasalanan ng lahat ng ito.” Sabi ko sa mga magulang niya ng umiyak

“Wala kang kasalanan iho. Dapat nalang natin hintayin ang magiging resulta.” Sagot ng tatay ni Phoebe sakin.

Ang swerte ko kay Phoebe, mahal na mahal niya ako at yun mahal na mahal ko din siya. Mabait ang parents niya at tanggap nila ako para sa anak nila. Gusto nga nila eh magpakasal nakami. Para daw kasi nilang nakikita yng kabataan nila saamin. Nagpaalam muna ako sakanila at dumiretso ako ng chapel.

Pagkadating na pagkadating ko sa chapel ay agad akong lumuhod at nagdasal.

“Panginoon ko, minsan lang po akong humling Sainyo. Sana po gisingin Niyo na si Phoebe. Di ko kayang mawala siya sakin. Mahal na mahal ko po siya. Ako po ang dapat sisihin sa mga nangyari kung sanang agad akong dumating sa restaurant ay hindi sana nangyari sakanya to. Wag Niyo muna po siyang kunin sakin. Di ko po makakaya.” Umiiyak ako habang nagdadasal.

All About EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon