Hello! Dedicated kay imsullixx. Sorry kung hindi ito yung rinequest mo. Nahihirapan kasi akong paikliin yung sinabi mong plot. Sorry talaga pero sana magustuhan mo ito. Harhart :)
ENJOY! :D
--
Jewel's POV
"Ihh pano yung math?!"
"Uyy pakopya dali na!"
"Oyy yung ballpen ko asan na?!"
"Hala! Nakalimutan ko yung assignment ko!"
Malalakas na sigaw ng mga kaklase ko. Ang iingay nila. Mga bwiset sila! Bat di sila manahimik? -.-
"Uyy Jewel, gets mo ba yung math?" tinignan ko kung sino yung nagtanong at nakita kong si Luhan iyon.
Napangiti ako sa isip isipan ko dahil tuturuan ko lang naman ang crush ko. Tumango ako sakanya bilang sagot.
"Ah etong number 2 di ko gets. Pano ito?" sabi niya sabay turo sa papel na dala niya.
"Ah ganito lang yan." tinuruan ko lang siya hanggang marinig na namin ang ring ng bell na hudyat na malapit nang magsimula ang klase.
"Osige Jewel. Salamat ah." sabi niya at ngumiti. Naramdaman ko nanaman na tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa ngiti niyang iyon.
**
"Jewel! Pahiram naman ng notebook mo!" sigaw ni Luhan habang papalabas ako ng classroom. Dismissal na kasi eh.
"Ah osige. Anong notebook ba?" tanong ko sakanya habang nakangiti.
"Yung math notebook mo nalang. Balik ko bukas ah." sabi niya ulit at ngumiti nanaman. Binigay ko na sakanya ang math notebook na hinihiram niya at nagpaalam na sakanya.
Habang naglalakad ako pauwi ay nagfflashback sa isipan ko ang mukha ni Luhan habang nakangiti saakin kanina. Napakagwapo niya talaga. Yung mga mata niyang kumikinang kinang habang nakangiti. Ang mga labi niyang manipis. Yung ilong niyang sobrang perpekto sa pagkatangos.
Para saakin ay siya ang pinaka perpektong tao.
**
"Jewel eto na yung notebook mo oh. Salamat ah." sabi ni Luhan pagkapasok ko ng classroom namin.
Kinuha ko sakanya ito at ngumiti na lamang. Dumiretso na ako sa upuan ko at nagbasa na lamang ng mga lectures namin.
Nauna kong naisipan na basahin ang mga notes ko sa math pero may nakita akong doodle sa isang pahina nito. Jewel ang nakadoodle dito at pupunitin ko sana ito nang may mahulog na bulaklak na origami. Nainis ako dahil sa mga walang kwentang nakasaksak sa notebook ko. Nilipat ko na lamang ang pahina ng math notebook ko pero napangiti ako sa nakita ko.
Isang sulat.
MAHAL KITA JEWEL. Una palang kitang nakita, minahal na kita. Alam kong hindi ka interesado sa mga ganito bagay dahil lagi kang naka-focus sa pag-aaral mo. Iyan ang bagay na nagustuhan ko sayo Jewel. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Simple ka. Wala kang arte sa katawan. Unique ka. Nakuha mo ang puso dahil doon.
Alam kong ang bading nitong ginagawa ko pero wala ganito pala ang pakiramdam ng may minamahal. Lahat ng bagay na di mo ginagawa dati ay nagagawa mo na. Iba talaga pag may inspirasyon ka. Lalo na pag may mahal ka, nababago ka niya.
Mahal kita Jewel. Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan ko na mahal talaga kita. Kulang pa lahat ng sinasabi kong ito. Sana mabigyan mo ako ng chance dahil alam kong hindi ka tipo ng babae na agad nagtitiwala sa isang lalaki. Kahit isang pagkakataon lang. Mahal kita.
-Luhan
Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. May nagmamahal pala saakin ng ganito. Akala ko wala dahil isa akong loner dito sa school.
Napatingin ako sa direksyon ni Luhan at may dala dala siyang bulaklak at naglalakad sa papunta saakin. Nang makalapit na siya ay pinunasan niya ang uhang nasa pisngi ko. Napansin ko na nakatingin na ang mga iba naming kaklase saaming dalawa.
"Wag ka ngang umiyak. Lalo tuloy akong nahuhulog sayo." pabirong sabi niya. Yumuko nalang ako dahil naramdaman kong namumula ako.
"Jewel, sana mabigyan mo ako nga pagkakataon. Pwede ba?" sabi niya at lumuhod sa harapan ko.
Napatingin ako sa mga kaklase namin at nakita kong ngiti ngiti sila.
"Whooh! Di kana torpe Luhan!" sigaw ng mga kabarkada niya.
"Ay naku Jewel. Kung ako saiyo oo na ang sagot ko." sabi naman ng isa kong kaklaseng babae habang nakahawak pa sa pisngi niya na para bang kinikilig.
Napatingin naman ako kay Luhan at nakita kong naghihintay siya ng sagot ko.
"Pwede ba?" tanong niya ulit.
Tumingin ako ng diretso sa mga maa niya at tumango. Naramdaman ko na hinalikan niya ang noo ko at bumulong ng
"Salamat Jewel, di kita sasaktan. Mahal na mahal kita." at niyakap ko siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
END
--
Whaaah! Keri lang ba siya? Sorry na. :/
