I'm His Tutor (Suho)

695 9 0
                                        

A/N: Paki basa po yung author’s note sa unang una. May announcement po kasi ako dun. Salamat po.

Dedicated kay Jenn! Hi Jenn! Mahal ka namin ni Suho :)

-----

I’m His Tutor (Suho)

Jenn’s Pov

Kasalukuyan akong tumatakbo sa corridor namin. Malalate na ko ano ba! 7:05 na eh 7:00 ang pasok ko! Sana wala pa si Ms. Kinakatakutan! Yup ayan ang apelyido ng teacher ko. Nakadating na ako sa tapat ng classroom namin. Tahimik na sa loob. Lagot baka andyan na si Ms! Kumatok muna ako bago pumasok pero nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko ang mga kaklase ko na nagpipigil ng tawa. So ganon pinagkakaisahan nila ako? Prank lang lahat? Pinlano nila na tumahimik sila para akalain ko na nasa loob na si Miss,humanda sila sakin! Dumiretso na ako sa upuan ko bago pa dumating si Ms.

“Ms. President hahaha kung makikita mo lang ang itsura mo!” sigaw ni Chen

“Ah ganon. Asan ang anecdotal record?”

“Ikaw naman Ms. President din a mabiro. Sorry po.” Sagot niya ulit sakin. Baliw talaga ‘tong mga ‘to kahit kailan. Pero mahal ko mga yan no. At oo ako ay ang class president ng classroom namin.

Tumahimik na ang lahat noong pumasok na si Ms. nagstart na siya ng lesson kaya nakikinig naman ako. Aba ako ata ang top 1 sa klase namin. Natapos na ang klase niya pero bago pa siya lumabas may tinawag siya.

“Ms. Jenn Sicat and Mr. Suho Kim stay for awhile I need to talk to the two of you.” Sabi ni Miss samin. Napatingin nalang ako kay Suho, siya si Mr. Kim ah.

“Okay, Ms. Sicat. Ikaw ang top 1 ng klase hindi ba?” tanong sakin ni Miss. “Opo ako nga po Ms.” sagot ko sakanya. “At ikaw naman Mr. Suho Kim ay ang medyo nangungulelat sa klase tama ba?” tanong ni Miss kay Suho. Di sumagot si Suho kundi inirapan niya lang si Miss. Napaka walang modo ng lalaking to. Sila kasi may-ari ng eskwelahan na ito kaya ganyan ugali niya sa mga teachers.

“Okay, kaya ko kayo pinatawagan ay dahil Ms. Sicat ay itututor mo si Mr. Kim.” Okay itututor lang pala eh. Pero

“ANO PO?” sabay na tanong namin ni Suho kay Miss.

“Hahaha Ms. Sicat kailangan ni Mr. Kim ang tulong mo at ikaw naman Mr. Kim you should cooperate with Ms. Sicat. At utos din ito ng iyong daddy.” Ang daddy ni Suho ang namamahala sa school naming sabi ko nga diba sila ang may-ari. Ayos lang naman na maging tutor ako eh. Pero hello Suho Kim, isa sa mga pasaway, walang modo, walang galang, walang ewan ay itututor ko. Oh please! Tsaka ano-- ano k-kasi jusko gusto ko siya ano ba?! Pero sa looks lang sa ugali niya wag na. HAHAHAHA

“Ms. Sicat, kapag napataas mo ang grades ni Mr. Kim ay bibigyan kita ng mga plus points sa iba’t ibang subjects. Osya maliwanag ba ang sinabi ko?” tanong ni Miss saamin.

Tumango nalang ako sakanya pati na rin si Suho. Lumabas na si Miss sa classroom at nakita ko namang nag-aayos ng gamit si Suho.

“Ah, Suho. Kelan mo gusting mag-start ng tutoring?” tanong ko sknya

“Wala ayoko.”

“Pero para sayo din naman yun eh. Tsaka utos din daw ng daddy mo yun eh.”

“Bat ba ang kulit mo? Sus if I know gusto mo lang kasing makuha mga plus points mo! Tsk tabi nga!” sigaw niya sakin. Grabe to ah! Kapal ng mukha. Di ko naman sya tuturuan dahil sa mga plus points eh. Kundi dahil sa gusto ko siyang makilala kasi. May nafefeel akong something sakanya para kasing mukhang andami niyang problema kaya siya ganyan kaya gusto ko siyang maging kaibigan. If you know what I mean. HAHAHAHA okay tawa lang sge.

All About EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon