EXO Imagines

227 7 0
                                        

EXO Imagines

 Hi Unnie! Dedicated to sayo kasi ang bait bait mo! *hugs* HAHAHA :")

--

Nagluluto ka nang banana pancakes nang biglang may yumakap sa likod mo. Alam mo na kung sino iyon, ang asawa mong si Kris. Naka-isip ka tuloy ng bright idea kung saan ay maiinis mo siya.

“Hon, natutusok ako sa baba mo.” Sabi mo habang pinipigilan ang tawa mo.

“Kfine.” Sabi niya at inalis ang yakap niya sayo.

Sakto naman luto na ang pancakes na niluluto mo at pinatay mo na ang kalan at inilagay mo na sa plato ang pancake pagkatapos non ay hinabol mo si Kris na ngayon ay naka-kunot ang noo.  Niyakap mo siya sa likod at inaalayan papunt sa upuan upang makain na niya ang niluto mo.

Nang maka-upo na siya ay umupo ka sa harapan niya. Binigyan mo ng chocolate syrup ang pancake niya at pinanood mo siya habang kumakain. Napansin niya ata ito at lalong kumunot ang noo niya na halatang naiinis na. Napahagikgik ka nalang noong nakita mo ito.

“What?” iritang tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay.

Umiling ka na lamang at ngumiti ng palihim. Naisip mo tuloy bigla noong hinahabol-habol mo pa siya upang magpapicture pero ngayon ay kasama mo na siya araw-araw. Napatingin ka ulit sakanya at di mo na napigilan ang sarili mo sa pagtawa.

“HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“Whaaat?!” galit na tanong niya.

“Para ka talagang bata Hon.” Pagkatapos mong sabihin iyon ay tumayo ka at inabot ang labi niyang may chocolate sa gilid at hinalikan mo siya.

--

Sorry na! Tinry ko lang eh. Ang mais ko XD

All About EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon