Wag kang titingiin (Chanyeol)

225 5 5
                                        

Wag kang titingiin (Chanyeol)

Dedicated kay unnie ko! Annyeong unnie, saranghae <3

ENJOY!

NOTE DI PA MAAYOS ANG PLOT NITO.

--

3rd Person's POV

Nakaupo ka sa upuan mo ngayon at nagbabasa ng libro pero dahil nainip kana sa binabasa mo ay binaba mo na ito at tumingin tingin ka sa paligid mo. Nakita mo yung mga kaibigan mo na nag-uusap usap sa may tabi mo pero di mo sila pinapansin, tinatamad ka kasi. Tuwing tinatamad ka ay nagmamasid masid ka lang, minsan ay nakatulala ka lang. Ang weird ng mannarism mong iyon.

Tinignan tignan mo pa yung paligid mo nang biglang napadako ang tingin mo sa grupo ng mga kaklase mong lalaki. Nakita mong nakatingin sayo si Chanyeol kaya naman tinitigan mo din siya kasi wala lang kasi trip mo lang. Ang weird mo talagang babae ka.

Nakita mo siyang nagsmirk at bigla siyang sumiga "Sey, wag ka masyadong titingin sakin, baka mainlove ka."

Nanlaki ang mata mo nung sinabi ni Chanyeol ang mga salitang iyon.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no?" sabi mo sakanya

"Tsk. Ganyan talaga pag gwapo." sabi pa niya at tumawa ng malakas.

Di mo na lamang siya pinansin at ibinaling na lamang ang atensyon mo sa mga kaibigan mo na kasalukuyan paring nagdadaldalan.

**

Lumipas ang mga araw at laging sinasabi sayo yun ni Chanyeol, parang asaran niyo na nga araw-araw iyon eh. Walang araw na di niya sinasabi ang mga salitang iyon at dahil na rin sa pag-aasaran niyo araw-araw ay naging malapit kayo sa isa't isa.

Nandito kayo ngayon sa isang bench dito sa may rooftop ng building ng school niyo. Naka-upo lang kayo pareho. Walang nagsasalita sainyo.

Napatingin ka kay Chanyeol na ngayon ay nakapikit. Napansin mo na ang tangos pala ng ilong niya, ang nipis pala ng labi niya, ang kinis pala ng mukha niya. In short ang gwapo niya pala.

"Sabi ng wag kang tumitig eh. Baka mainlove ka niyan sakin." sabi niya bigla kaya naman nagulat ka at inalis mo ang tingin sakanya.

"Oo nga eh. Baka nga mainlove ako sayo." sabi mo sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

--

Okay alam kong di maayos ang plot niya. Sorry na diba? Eedit ko pa siya eh. HAHAHAHA

Thanks :)

All About EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon