Ngayon lang ako ulit nakagawa ng one shot. Sorry na. Hehe enjoy!
--
Text ni Crush (Chen)
"Ihh tapos alam mo ba tinanong niya ako kung may lovelife na daw ba ako! Kyaaaah! I kennat!" masayang saad ni Kath, loka loka kong kaibigan.
"Sus ang feeler mo talaga!" pang aasar na sagot ko sakanya.
"Tss. Inggit ka lang kasi di mo alam number ng crush mo!" sabi niya at binelatan ako. Abaaaa!
"Oyy d-di ah. K-konti lang. He-he." sabi ko sakanya at nagpeace sign. Haayy. Kainis naman kasi eh. Bat di ko alam yung number ng Crush ko na si Chen. Bwiset lang. :3
"Bat di ka kasi magtanong sa mga kaklase natin okaya sa ibang section kung ano number nya."
"Ehh pano yun? Edi malalaman na nila na may gusto ako kay Chen. Alam mo naman na ikaw lang ang nakakaalam nun dibaaa?" malungkot na sagot ko sakanya.
"Yun lang pala pinoproblema mo! Edi ako magtatanong tanong. Arte mo ah!"
"Wehhh? Ipagtatanong mo?! Yehet! Thank you Kath!!!" sabi ko sabay yakap sakanya.
"Oo na! Oh tama na ang yakap andyan na si Ma'am!"
**
"Jade tara uwi na tayo."
"Wait lang Kath, inaayos ko lang yung gamit ko." sabi ko habang nakayuko at inaayos ang gamit ko.
"Haay naku ang tagal!" inip na sabi niyaaa!
"Halaa! Andyan na yung EXO!" sigaw ng isa naming kaklase.
EXO?! OMG! Andyan na si Chen mylabs! Whaaah! Kasama kasi siya sa pinaka sikat na grupo dito sa eskwelahan namin.
Nakita kong tumakbo sa may bintana si Kath para makita yung EXO na padaan sa hallway. Tsk. Amdyan din kasi yung Crush niya. Si Sehun, ang swerte nga ni Kath eh mukhang may gusto din sakanya si Sehun and to think na sikat yung may gusto sakanya. Sabagay maganda naman siya katulad ko. Bwahahaha.
Tumabi ako kay Kath at nakisilip na din. Nakita ko si Chen na nakikipagbiruan kay Baekhyun. Haay. Ang gwapo talaga ni Chen. Kelan ko kaya makukuha number niya?
**
"Whaaah! Jadee! Nakaisip na ako ng plano kung pano ko kukunin number ni Chen!" biglang sabi ni Kath habang naglalakad kami pauwi.
"Ano? Pano?" sabi ko sakanya habang niyuyugyug siya. Lol
"Kay Sehun. Diba ang galing koooo!" sabi niya sabay palakpak.
"Oo nga no! Dalii tanong mo na tutal katext mo na rin siya!"
"Oo na eto na. Atat much? Para ka tuloy pusang di makaanak anak. Hahahahahahahaha" sabi niya habang tumatawa na parang baliw.
"Edi kasi!" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Makalipas ang ilang minuto ay kinulbit ako ni Kath. "Oh sorry na. Eto na number ni Chen mo."
Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko nung makita ko yung reply ni Sehun kay Kath.
From: Sehun ♥
Eto number niya oh 0905*******. :)
Napangiti naman ako ng wagas at agad kong nilabas ang phone ko at kinopya ang number ni Chen.
"Whaaah! Thankyou talaga Kath!"
"Kdot." yun lang ang sabi niya pero ngiting ngiti din siya.
**
Nang makadating ako ng bahay ay agad agad akong umakyat ng kwarto at naligo at nagbihis.Tumingin ako sa orasan at nakita kong 7:40 plang ng gabi.
Itext ko kaya si Chen, di pa naman siguro tulog yun. Aga pa eh. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype
To: Chen ♥
Hi! :)
At pinindot ko ang send button.
Naghintay ako ng ilang minuto at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Dali dali ko itong tinignan at nakita ko kung sino ang nagtext
.
.
.
.
.
Si Chen!!! Omggg!!
Pinindot ko ang open button at laking gulat ko sa reply niya.
From: Chen ♥
,3ow ph0o., s1n0 phow itow?!, ajejeje.
JONGINA! Jejemon si Chen?! I kennat!
---
Okay sorry na xD
Happy 5k reads! Thankyouuu harthart
