Chapter V - Concert

1.2K 21 3
                                    

============================================================================

"¿Que? ¿Que es esto? No lo entiendo!!!"

(Ano? Ano 'to? 'Di ko naiintindihan!!!)

=============================================================================

 "Anna~~~! Anna~~~!" tawag ng barkadahan ni Joseph.

Lumabas naman ng bahay ang Mama ni Anna dala dala ang plastik ng basura.

"Tita Judith, si Anna po?" tanong ni Joseph.

"Ah nagbibihis lang, antayin niyo na lang. 'Wag kayong magpapagabi ah! Nako Joseph ikaw ang babanatan ko! :) " paaalala ng Mama ni Anna ng pabiro. 

"Opo, tita! sa macho kong to! Walang mangyayaring masama! :)" pagbibiro ni Joseph at inilislis ang long sleeved shirt upang ipakita ang kanyang muscle. Kitang kita ang ebidensya ng pagiging sanay sa trabahong pisikal ni Joseph. Physically fit ito at halatang batak ang katawan.

Lumabas si Anna ng nakabihis. Katulad ng ineexpect ng barkada, gaya pa rin ng dati. Simpleng-simple, napaka plain, yung tipong hindi stand out. Sa kabila nito, itong katangian ni Anna, ang pagiging simple, ang siyang nagustuhan at minahal ni Joseph.

"Oh? Ba't natulala ka? Tara na!" Habang kinakawayan ni Anna ang muka ni Joseph. 

"Huy! Joseph tara na! ba't nakatunganga ka pa dyan!" sabi ng isa sa mga kabarkada.

Nagising naman ito. "A-Anna! A-a-ahahaha! Tara na.. Tara na!"

"Kung anu-ano pa iniisip mo diyan eh! :D" nakangiting sabi ni Anna sabay batok likod ni Joseph.

Magkababata sila , halos sabay silang lumaki kaya naman friendling-friendly sa isa't isa, yun nga lang, si Joseph ay may 'hidden feelings'

"Aray ko! Baliw ka talaga!" at pinalo rin ni Joseph ang likod ni Anna. Pero mahina lang.

Habang naglalakad sila sa kalsada papuntang terminal...

"Diba libre mo pamasahe? :> " tanong ni Anna na may halong pagpapa-alala.

"Ha? Ako? Di kaya! " pagsisinungaling ni Joseph. 

"Wehhh... nu kaya yon?" sabi ng iba pang kabarkada at napatigil sila sa paglalakad.

"Ahahahahaha! Ahahahahah!" nagtawanan ang mga magbabarkada.

Dumating na sila sa terminal.

Nakasakay na sila ng bus, magkatabi si Anna at si Joseph. Si Anna ay nandun sa side sa may bintana. 

"Bayad ho!" sabi ni Joseph at binayaran ang ticket nilang magbabarkada.

Umander na ang bus, madadaanan nito ang V.I. Supermall.

Mag a-alas dos na ng hapon. mahigit 30 minutes pa ang biyahe nila hanggang 'V.I. Mall'

Lumipas ang 15 minutes...

"Ang lamig ng aircon... :3 " reklamo ni Anna. Habang nakatingin sa bintana at minamasid ang mga dumadaang sasakyan, nakangiti at tila ba niyayakap ang sarili, isinuot ni Anna ang kanyang kamay sa loob ng jacket niya.

Akala Mo Kung Sino... Siya Pala :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon