=============================================================================
"¿Por que?"
(Bakit?)
=============================================================================
"Mamaya na tayo mag-usap, tatawagin na lang kita kapag kailangan na kita rito"
(Kausap ni Matthew ang kanyang driver na sa kasalukuyan ay nasa Driver's Lounge ng mall.)
*click* (sound yan nag pag off ng cp xD)
"Anong kailangan mo sakin?" -_- tanong ni Matthew kay Alexis.
"Wala naman... gusto lang kitang icongratulate dahil naging successful ang araw mo ngayon. :">" sabi ni Alexis ng nakangiti at mapungay ang mga mata.
"Di mo ko kailangan icongratulate... it is a given that I am excellent." -_- sabi ni Matthew na walang pakialam. "Kung may kailangan kang icongratulate... yun ay ang sarili mo dahil nakaupo ka kanina sa VVIP seats..." napakalamig na sagot ni Matthew habang nakatitig sa kanya.
Hindi na natinag si Alexis sa sinabi ni Matthew dahil ineexpect na niya ang ganito nitong pagsagot.
Sa halip ay lumapit si Alexis at inilagay ang mga kamay sa balikat ni Matthew na ikinagulat naman nito. Inilapit ni Alexis ang kanyang katawan sa katawan ni Matthew. Napaurong si Matthew at ang likod niya ay napasandal sa kanyang kotse. Patuloy sa paglapit si Alexis kaya tila 'nacorner' si Matthew.
"Hindi ka ba... nagagandahan sa akin? " pagtatanong ni Alexis ng may halong pang-aakit at inililibot ang mga kamay sa balikat ni Matthew patungo sa tainga nito. Tila sinusubukan niyang kilitiin si Matthew ng marahan.
Makikita nating medyo na-shock si Matthew, di niya kasi ineexpect na kakausapin siya nito upang akitin. Nakatitig si Alexis sa mga mata ni Matthew, nakatitig rin si Matthew sa kanya. Alam ni Alexis sa kanyang loob na medyo naaakit si Matthew sa kanya, alam niyang ito ang kahinaan ng mga lalaki. Makikitang si Alexis ang siyang nang-aakit kay Matthew ito kasi ang gumagawa ng mga "advancement".
Nabitawan ni Matthew ang kanyang cellphone... (o_o) <-- muka ni Matthew. *tok...tok...tok...tok-tok-to-tok* (Slow Mo. yan na pagbagsak ng cellphone, parang ung mga napapanood naten sa TV xD)...hindi si Matthew makapagsalita... naaakit siya sa magandang si Alexis.
Unti-unti at dahan-dahang lumalapit ang mukha ni Alexis sa mukha ni Matthew... balak nitong halikan si Matthew ilang inches na lang ay didikit na ang labi ni Alexis.
*SHING* Biglang gumana ang utak ni Matthew.
*Shook! Bagshhh!* ( tunog yan ng taong bumagsak sa sahig! ) Itinulak ni Matthew si Alexis sa sahig!
"Aray ko! >_< How dare you hit a woman! ? (>_<) 'Di mo ba alam na pwede kitang kasuhan!?" Sigaw ni Alexis habang siya ay nakabagsak sa lupa.
Tahimik lang si Matthew, ngunit diretso ang tayo nito, matangkad ang porma ni Matthew ngunit hindi ito yumuko upang titigan sa ilalim ng kanyang mga mata ang babaeng nakalupasay sa sahig.
"Hindi mo ba alam, Alexis... Na alam ko ang nakaraan ninyo ni Nathan?" napakalamig na sabi ni Matthew. "Hindi mo ba alam, na alam ko kung bakit mo to ginagawa?" nakatingin sa kanya si Matthew.
Nagulat si Alexis. Hindi niya alam kung bakit alam ni Matthew ang kanyang nakaraan kay Nathan. Natulala siya.
Samantalang pinulot naman ni Matthew ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang driver.
BINABASA MO ANG
Akala Mo Kung Sino... Siya Pala :)
Romance©Copyright All rights reserved April 1, 2014 "Akala Mo Kung Sino...Siya Pala :)" ...follows the love story of Anna, a humble and poor first year Accountancy student, and her blockmate Matthew a very arrogant, intelligent, powerful and wealthy Accou...