===============================================================================
"El cielo a tu lado"
(Langit sa piling mo)
===============================================================================
Makikitang nakapagbihis na si Matthew. Paglabas niya ng pinto ay inutusan niya ang dalawang gwardya na iinform ang hospital na nag "out" na siya. Tumingin siya kay Anna.
Medyo nangitim ang kaliwang bahagi ng leeg ni Matthew dahil sa pasang tinamo nito, napansin ito ni Anna. "May pasa ka Matthew."
"It's... I'm going to be alright, Ok? Let's first stop the expulsion of your friend." sabi ni Matthew na tila ba walang pakialam.
Nakakaimpress para kay Anna ang trait na ganito ni Matthew. Napaka forgiving nito. Kahit pala ganoon siya makitungo ay mabuti pala talagang tao si Matthew.
"H-Hey! You're already alright!?" si Carla ito na ngayon lamang nakasunod.
"Yep! We need not to our waste time here, quick, let's go." utos ni Matthew habang hatak ang braso ni Anna.
Sumakay sila ng kotse ni Matthew. Sa totoo lang ay masakit pa rin ang ulo ni Matthew at ang kanyang leeg. Iniinda niya lang talaga ito.
sa school ay dumiretso kaagad silang tatlo sa Dean's Office.
Papasok na sana silang tatlo ng biglang lumabas si Joseph, kasama ang parents nito. Nakayuko si Joseph, tumunghay ito at nakita si Matthew, kasama si Anna at Carla. Medyo nagulat siya sa mabilis na recovery ni Matthew dahil narito na kaagad ito sa school samantalang ay naambulansya pa ito kanina.
Walang nagsasalita.
Tinitigan ni Joseph si Anna, yumukong muli at tila lalakad papalayo...
Hinawakan ni Matthew gamit ang kanyang kaliwang kamay ang kuwelyo ni Joseph at kinaladkad pabalik sa loob ng Dean's office kasunod sina Anna at Carla ang mga magulang ni Joseph.
Inihagis ni Matthew si Joseph pabalik sa upuan sa Office ng Dean. Nanghihina si Joseph dahil sa desisyon ng school na i-expel siya.
Nagulat ang Dean. "Mr. Vergara, nandito ka na agad? Hindi ba masama ang lagay mo?"
"Kung masama ang lagay ko bakit ako nandito sa harapan niyo?" sagot ni Matthew habang nakahalf-smile na ikinagulat ng Dean.
"Ikaw" sabi ni Matthew kay Joseph. "Bakit sa tingin mo binigyan tayo ng Diyos ng bibig?"
Hindi makasagot si Joseph. Nakikinig lang si Anna and Carla at ang parents ni Joseph kasama na ang ilang admin na naroon.
"In order for us to communicate and understand each other effectively." seryosong paliwanag ni Matthew. "What you have done to me mister, is unforgivable, especially to those people of my kind. However, I am not like other people, Yes, I am that unique and capable because I'm forgiving you. We society's leaders practice 'Clemency' because we have an even broader understanding, that is how I have been raised by my parents." sabi ni Matthew ng nakahalf-smile.
Nagliwanag ang mata ni Joseph at ng kanyang mga magulang.
Ngumiti si Matthew kay Joseph at sa Dean. "I am here to stop the Expulsion of this student. He loves the girl I love after all." sabi ni Matthew sa Dean. Nagulat rin si Anna. Si Joseph naman ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
Akala Mo Kung Sino... Siya Pala :)
Romansa©Copyright All rights reserved April 1, 2014 "Akala Mo Kung Sino...Siya Pala :)" ...follows the love story of Anna, a humble and poor first year Accountancy student, and her blockmate Matthew a very arrogant, intelligent, powerful and wealthy Accou...