=============================================================================
Estoy perdiendo mi mente!
(Nababaliw na ko!)
=============================================================================
Simula noong araw ng marelease ang results ng Departmental Exams ay lagi ng kabuntot ni Anna si Matthew. Kung saan naroon si Anna ay naroon rin si Matthew, mula pagpasok sa umaga hanggang uwian ay pilit niya itong sinusundo at inihahatid kahit tumatanggi ito ay wala itong magawa. Tuwing may mga group projects ay nagagawan ng paraan ni Matthew upang maging siya ang kagrupo ni Anna (Si Matthew rin ang leader palagi). Sa mga subjects ay laging tinuturuan ni Matthew si Anna kahit labag sa kalooban ni Anna ay hindi siya makatanggi kay Matthew, nagpupumilit kasi itong turuan siya (Palaging mataas ang nakukuha ni Anna dahil lahat ng kailangan aralin ni Anna ay tinuturo ni Matthew para itong automatic teacher na kapag hindi mo alam ay agad na ituturo sa'yo kung paano ang gagawin) Halos sa lahat ng bagay ay tinutulungan ni Matthew si Anna, kalaunan ay nasanay si Annang nariyan lang si Matthew palagi sa kanyang tabi kaya't hindi na niya pinapansin ang mga tulong nito, nasanay na siya, hindi siya rito humihingi ng tulong, kusa lamang itong lumilitaw upang isalba siya sa kahit anong magulo at mahirap na sitwasyon sa school. Hindi man maamin ni Anna, naging magaan ang buhay niya sa University dahil kay Matthew. :)
Lumipas ang isang buwan at dumating ang August, tag-ulan pa rin. Uwian na nila noon makikitang nagpapaalam na si Carla kay Anna.
Sa loob ng school ay nakabuo ng circle of friends si Anna kung saan si Matthew lamang ang lalaki (actually hindi dapat ito kasama nagpupumilit lang itong sumali sa grupo hindi kasi nila matanggihan si Matthew sadya kasing malakas ang datingan nito)
"Sa Monday na lang ulit Anna :"> Bye! Bye guys!" at binuksan na ni Carla ang kanyang payong upang sugurin ang malakas na ulan.
At naghiwahiwalay na ang grupo at naiwan si Anna at si Matthew.
"Bye Carla! :"> " kaway ni Anna.
Naglakad na sila papuntang parking lot.
Inilabas ni Matthew ang kanyang mamahaling itim na payong at ibinigay kay Anna.
"Ano? Bakit mo binibigay sakin to? O_o" sabi ni Anna.
"Payungan mo ko papuntang kotse :) " sabi ni Matthew ng nakahalf-smile.
">_< Tsss! AKALA MO KUNG SINO!" sabi sa isip ni Anna.
"Ano pangsinisima-simangot mo diyan? Buksan mo na. :)" utos ni Matthew ng nakahalf-smile.
*ting*( idea sound effect) Biglang naisip ni Anna na pagtripan si Matthew.
Binuksan ni Anna ang payong at tumakbo sa ulan, iniwan nito si Matthew sa silong.
":P"
"Hoy! Bumalik ka dito!" >_< sigaw ni Matthew.
Malakas ang buhos ng ulan.
":p Mag-isa ka riyan! Uuwi na ko! sasabihin ko sa driver mo utos mo na ihatid na ko sa bahay! Maiiwan ka diyan Ahahaha! :P Hindi ka makakauwe! Ahahahahaha! :D Bleh! :P"
"Aiiishh! >_< Bumalik ka dito Hoy! 'Di ako pwedeng mabasa, magkakasakit ako! >_<"
":p Bahala ka dyan! Belat! :p" at sumayaw-sayaw habang naglalakad si Anna sa ulan habang dala-dala ang payong habang si Matthew ay nakapamewang dahil hindi ito makasugod sa ulan.
BINABASA MO ANG
Akala Mo Kung Sino... Siya Pala :)
Romance©Copyright All rights reserved April 1, 2014 "Akala Mo Kung Sino...Siya Pala :)" ...follows the love story of Anna, a humble and poor first year Accountancy student, and her blockmate Matthew a very arrogant, intelligent, powerful and wealthy Accou...