Chapter XI - Ikaw Nga Kaya?

1K 20 2
                                    

=============================================================================

"Antes de ahora."

(Bago ang ngayon)

=============================================================================

Nakarating na ng bahay si Matthew. Nagbihis siya at nagpunta sa bahay ni Nathan.

Sa pintuan nina Nathan ay makikitang lumabas ang Talent Manager at Assistant ni Nathan. Yumuko ito bilang pagbati kay Matthew at umalis pero pinigilan ito ni Matthew.

"Kumusta ang career ni Nathan?" pagtatanong ni Matthew sa manager ni Nathan.

" Ahahaha Ayos lang naman, sadyang minsan 'di lang kami magkasundo, matigas ang ulo niyan eh! Ahahaah! Sige, mauna na kami." sagot naman nito at yumukong muli sabay umalis.

"Sige." sabi ni Matthew. 

Ininput na ni Matthew ang password sa bahay ni Nathan at nakapasok ito. 

"Oh? Ano ? nandito ka nanaman ba para guluhin ang buhay ko?" sabi ni Nathan kay Matthew habang nakaupo sa malambot na sofa.

"Wala ng guguluhin sa buhay mo, sadya ng magulo yan." sagot ni Matthew habang naka cross arms.

"Oh bakit ka nga nandito?" tanong ni Nathan at inutusan ang mga utusan para ikuha sila ng juice.

"Kukumustahin lang sana kita tungkol sa autograph signing mo mamaya."

"Ah, Oo, mamaya nga pala yon, Bakit ano bang pakialam mo tungkol don?"

"Baka nakakalimutan mong kami ang may-ari ng mall na venue ng autograph session mo?"

"Oo na! ...At maalala ko nga pala! Baliw ka talaga! Kung 'di pa binayaran ng Management ng malaking pera yung nanalo sa raffle anak ng... Aishhh!" 

Naghalf-smile si Matthew.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" at binato ni Nathan si Matthew ng throwpillow. "Nagtetext sakin ngayon si Anna! Binigay mo kasi sa kanya yung number ko... and we're really good textmates :)" sabay ngiti ito kay Matthew.

"Kaya ko binigay sa kanya ang number mo para maging masaya siya, di ko alam kung pano mo napapasaya ang ibang tao samantalang mukha mo pa lang nakakadiri na. So textmates ka'yo, anong pinag-uusapan niyo?"

"Pag-ibig at kung anu-ano pa"

"Aiiish! Anong tungkol sa pag-ibig ?! >_< Nililigawan mo na ba ngayon si Anna?! >_<"

"Eh ano naman sa'yo? :P Bakit ba kailangan mo pang malaman? :P " pagbibiro ni Nathan.

"Aiishh! Eh kasi gusto ko!"

"Yun na nga problema sa'yo eh, kung anong gusto mo, ginagawa mo... tsaka Hoy! Matthew."

"Wag mo kong 'Hoy'-in dapat ikaw pa nga ang mas nakakaaalam na ako yung tipo ng taong hindi dapat 'Hoy'-in! kasi kapag nakilala ako sasabihin nila 'Wow! Siya ang may-ari ng V.I. Supermalls at mas gwapo kay Nathan :P' pang-aasar ni Matthew.

"Aiishhh 'tong taong talaga na to! Makinig ka Matthew:" Naging seryoso ang pagtatanong ni Nathan. "Gusto mo ba talaga si Anna? May gusto ka ba talaga sa kanya? "

Akala Mo Kung Sino... Siya Pala :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon