Andy's POV
Kakalabas ko lang galing sa TLE room. Basic lang naman! Ako pa! Basta TLE at Value, dun lang ako makakapagyabang.
Naglalakad ako papuntang cafeteria nang makakita ako ng kumpulan.
Mga chismosa lang naman yung mga yun.
Dederetsyo na sana ako ng may marinig ako.
"Huy naghahanap daw si Papa Rence ng kasama sa vacation. Gagawin yatang maid for one week" -Chismosa 1
"Saan daw?" -Chismosa 2
"Sa Baguio yata?" -Chismosa 1
"Tara volunteer tayo!" -Chismosa 2
Tumakbo naman si Chismosa 3 papalapit at sympre ako yun. Ako si Chismosa 3
"Ako! Lawrence"
"Me!"
"Achech nalang!"
"Akoooo!"
Puro ganyan maririnig mo.
At kung sa tingin nyo ay give up na ako sa revenge ay pwes...
HINDI PA
Sabi nya sundin ang gusto ko. Ang gusto ko ay mapasaya ang kapatid ko at ang gusto ng kapatid ko ay eto.
Kaya gagawin ko.
"Tabi!" Sigaw ko
"Sabi ko TABIII!!!" Agad naman silang napatingin sakin ng ilang sigundo at ng natauhan na ay bigla silang nagsitabi. Psh! Takot lang yan!
Nasabi ko na bang dati akong bully? Tumigil lang ako dahil sa na guidance ako?
Naglakad ako sa gitna.
Tinignan ko lang sya, nakatingin rin sya sakin or should I say titig?
"I VOLUNTEER"
---
"Wala na bang ibibilis yan?!" Sigaw ko sa baba. Pero asa namang marinig nya yan eh sa laki ng bahay nya.
Naglakad sya papunta sa hagdan pero hindi sya bumaba. Sinenyasan nya lang ako na umakyat. Edi umakyat ako.
Sinundan ko lang sya.
Nakarating kami sa isang itim na pintuan na may nakapalibot na itim na aura.
Eto na ba yung pintuan papunta sa mga monsters?
Nakatayo lang ako sa labas at nagdadalawang isip kung papasok ako. Pinto pa lang parang mangangain na, pano pa kaya yung gamit sa loob.
Nakapasok na si Lawrence pero ako nakatayo parin sa pinto.
"Pumasok ka na nga!" Sigaw nya na parang naiinis
Dahan dahan kong binuksan ang pinto.
AT LAKING GULAT KO NG MAY MAY LUMAWAY SA PAA KO....
WAIT! KAKAININ NA BA AKO NG KWARTO?!
HINDI PWEDE BATA PA KO!
TSYAKA GUSTO KO PAG-MAMAMATAY AKO AYOKO NG KINAIN AKO KAYA NAMATAY.
News Flash!
Isang babae kinain ng kwarto ng isang pipe.
BINABASA MO ANG
The Boyish Revenge
Teen FictionSi Andy Lee ay isang boyish. Simple ang buhay, ang tanging pinoproblema lamang nya ay kung pano sya papasa sa exams, maka-gig sa ibang events, pano nya pakikisamahan ang mga terror teachers nya. Kontento sya sa buhay nya. Wala na syang mahihiling p...