Chapter 8

11 0 0
                                    

Lawrence's POV

Winagayway nya ang kamay nya dahilan para mabalik ako sa wisyo.

"Manyak" she mouthed

Teka lang ha magkalinawan tayo. Hindi ako attracted sa kanya. Ako? Magiging attracted? Eh mas lalaki pa nga sakin yan eh! Ganda sana kaso TIBO.

"Asa!" Sigaw ko

"Eh bakit ka natulala?" Mapangasar nyang sabi. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakikita ko ang nangaasar nyang muka.

"Nagulat lang ako. First time lang akong makakita ng tibong nakashorts..." pagharap ko sa kanya...

*blag!*

Tukbo sya papalapit sakin at nilagay ang tuhod sa kama. Nararamdaman ko nalng ang sarili kong hirap huminga.

Ikaw ba naman sakalin ng isang tibo?!

Napahiga na ako sa kama dahil sa sakal nya.

"SINONG TIBO HA?! SINONG TIBO?!" Sabi nya habang sinasakal ako.

"cckkk...hoy..ccckkk...tama...na!" At para syang ewan na bigla akong binitawan at tumayo.

Parang ngayon nya lang narealize ang ginawa nya.

Tumayo ako at sinamaan sya ng tingin.

"ANG LAKAS NG LOOB MONG SAKALIN AKO?!" Aakto akong lalapit sa kanya ng may kumatok sa pinto.

"ANO?!" Sabi ko pagbukas ko ng pinto

"Ah-eh. Sir baka gusto nyo lang po itry ng girlfriend nyong pumunta sa beach perfect po kasi low tide palang." Sabi nya habang nakatingin kay tibo.

"Teka sinong girl--"

"Ah. Sige po pupunta na po kami ng boyfriend ko mamaya..." sabi ni tibo habang tinatakpan ang bibig ko. Hinihimas nya rin ang braso ko.."May gagawin lang po kami saglit..." sabi nya sabay hila sakin pabalik at isinarado ang pinto.

"ANONG PINAGSASABI MO?!" Tanong ko sakanya

Ngunit nagkibit balikat lang sya.

Kinuha ko yung t-shirt at shirt ko. Nagpalit ako sa bathroom. Ngunit pagbalik ko ay wala na si Tibo. Bala sya sa buhay nya.

Lumabas na ako at pumunta sa beach.

---

Andy's POV

Pumunta ako sa beach. At nakita ko si Lawrence. Di ako nag-swim suit. Ayoko nga! Kadiri kaya! Suot ko parin ung suot ko kanina.

Lumapit ako kay Lawrence na nakaupo sa buhangin. Nakatingin sya sa kawalan. At mukhang hindi nya pa nararamdaman ung presensya ko.

Dumakot ako ng buhangin mula saking kamay at binuhos sa buhok nya.

Napaawang naman ang bibig nya at napatingin sakin.

"TIBOOOO!!!" Sigaw nya at tumayo

Tumayo rin ako at tumakbo habang sya naman ay hinahabol ako.

Tawa ako ng tawa dahil hindi nya ko mahabol.

Napatigil ako dahil sa pagtawa. Sumasakit na yung tyan ko.

"Hahaha--ahhh" napatili ako ng nabuhat nya na pala ako ng wedding style.

Pinaghahampas ko sya sa dibdib.

"Ibaba mo ko!" Pero hindi nya ung ginawa

"I said let me down!" Tinignan ko sya at nakita ko syang mag-chuckle.

So ganon pinagkakatuwaan nya lang ako?

Hindi ko na hinampas ang dibdib nya, instead sinuntok ko na.

The Boyish RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon