Andy's POV
Nakahiga ako ng biglang tumunog ang aking cellphone.
Kinapa ko ito sa may table sa tabi ng sofa. Yes. Sa sofa ako nakahiga. Gago nga kasi si Lawrence.
From: Sheena
Where are u?
Sus si Sheena lang pala!
To: Sheena
Somewhere far to you.
Napangiti naman ako sa reply ko kay Sheena. Paniguradong galit nanaman to.
From: Sheena
Wanna die?
Sabi na eh! Bayolente talaga! Tsk.
To: Sheena
Baguio. Why?
From: Sheena
Basta! Why are u there?
To: Sheena
Pake mo?
From: Sheena
Answer my question or I'll cut ur throat?
Nanlaki naman ang mga mata ko. Hala! Cut your throat agad?! Hindi pwede! Pano na ang banda ko?!
To: Sheena
Nasa resort kami.
From: Sheena
KAMI? So. Ur with?
Sasabihin ko kaya na kasama ko si Lawrence? Wag nalang kaya? Pero baka matulungan ako ng bruhang yun. Sabihin ko na nga lang!
To: Sheena
I'm with Lawrence.
Pikit mata kong pinindot yung send. Hulaan ko, tatawag si Sheena in 5 seconds.
5...
4...
3...
2...
1...
*Kring Kring*
See? Chismosa talaga. Tsk.
Sinagot ko yung tawag at tinapat sa tenga ko.
At sinalubong ako ng tili na nguntik nang makapagpagunaw ng mundo.
Agad kong nilayo yung cellphone ko sa tenga ko. Napa-ayos rin ako ng upo sa sofa.
"Pwede bang wag kang tumili?!" Sigaw ko habang nakalayo parin yung cellphone sa tenga.
("Pero kasi... Kyaaahhhhh!!!")
"Gusto mong isali kita sa The Voice?!" Sigaw ko pabalik.
("Sige! Sige! Gusto ko yan! Gusto ko nga sanang mag-audition nung nakaraan kaso ang layo ng mga audition center dito sa--")
"PWEDE BANG TUMIGIL KA MUNA?!" Biporal talaga! Kanina nang babantang puputulin yung leeg ko tapos ngayon pairir-irit. Nakakaloka na tong bruhang to ha?! Ano akala nyo di ako marunong ng gay lengo? Marunong kaya ako! Ay teka bat napunta dun yung usapan? Diba dapat galit ako?
Hayys! Nahahawa na ako kay Sheena ng kabaliwan.
"Pwede ba nakakasakit sa ulo yang sigaw mo." Sabi ko habang hinihilot ang sentido ko.
("Sorry. Ge eto na serious na ako.")
"Bakit ka ba tumawag?" I said trying to be calm.
("Eh kasi nga........ Nakakapagod mag-type ng text kaya tawag nalang ako. Tysaka....")
BINABASA MO ANG
The Boyish Revenge
Teen FictionSi Andy Lee ay isang boyish. Simple ang buhay, ang tanging pinoproblema lamang nya ay kung pano sya papasa sa exams, maka-gig sa ibang events, pano nya pakikisamahan ang mga terror teachers nya. Kontento sya sa buhay nya. Wala na syang mahihiling p...