Prologue

11 0 0
                                    

"Mang-aagaw."

"May tinatago din palang landi."

"Akala ko nga rin matino eh."

"Akala mo anghel, yun pala nagtatagong demonyo."

"Yan ba yung bestfriend ni Aila?"

"Yes. At ang kapal ng mukhang pumasok pa dito sa school."

"How could she do that to her?"

"I know right?"

Bawat estudyanteng nakakasalubong ko sa campus ay tinitingnan ako nang may pang-aakusa. Sino nga naman ang hindi?

Anak ng director ng school ang ginawan ko ng isang pagkakamali.

Pagpasok ko ng room ay mas matinding salita pa ang namutawi sa bibig ng mga kaklase ko. Halos lahat ay nagmura ng makita ako.

Agad kong pinasok sa tenga ang earphone pagkaupo ko sa dulo ng classroom habang kunwari ay hindi apektado.

Natahimik lang sila nang mag-umpisa na ang klase. At sa sandaling iyon ay naramdaman ko ang panandaliang katahimikan. Katahimikan sa mga salitang ipinararatang nila sa akin.

Natapos na ang klase, natapos na din ang ibinigay na saglit na katahimikan para sa akin.

"Aila, please. Maniwala ka naman sa akin. Hindi ko talaga alam ang nangyari, wala akong maalala. Hindi ko yun ginusto." Napayuko ako nang marinig ang nagmamakaawa niyang boses.

"Umalis ka sa harap ko, Ronald." Ang sintigas ng yelo niyang sagot. Wala ng mababakas na lambing na lagi kong naririnig sa kanya.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap."

"Wala akong gustong marinig mula sa panloloko niyo."

Mas masakit na makitang pareho silang nasasaktan dahil sa akin. Dahil sa isang pagkakamali. Pagkakamaling hindi ko na maitatama.

"Did you take all your requirements from school?"

Tango lang ang isinagot ko kay mommy.

"Good. You'll stay with your grandma until I said so." Nakayuko ako dahil sa hiya. "Goodness, Shiza Abigail. I never thought you'd do this to your bestfriend. Wala ka ng tinirang kahihiyan sa katawan mo at sa pamilyang ito."

Paulit-ulit kong naririnig pero tila hindi pa rin nasanay ang pandinig ko dahil tila kutsilyo pa rin itong humihiwa sa dibdib ko. Sobrang sakit.

Nakaupo ako sa dulo ng bus. Nakatingin sa bintana. Umuulan na.

Kasabay ng patak ng ulan ay ang ang pagpatak din ng luha ko.

Kasabay ng ingay ng busina ng mga sasakyan ay ang hikbing kumuwala sa bibig ko.

Kasabay ng pagtakbo ng bus na sinasakyan ko ay ang pagtakas ko sa sakit.

Sakit na dulot ng isang pagkakamali.

Sakit na dulot ng paghihirap ng isang kaibigan dahil sa ginawa kong kasalanan.

Sakit na dulot ng panghuhusga ng mga taong walang alam sa pinagdadaanan ko.

Sakit na dulot ng  pamilyang nagtakwil sa akin dahil sa kahihiyang naidulot ko.

Pagkatapos ng mahigit limang oras na byahe ay tumigil na din ang bus. Unti-unting bumaba ang mga pasahero. Napahinga ako ng maluwag.

Bagong lugar.

Bagong kakilala.

Bagong simula.

Gusto kong takasan lahat. Lahat ng masasamang nangyari. Lahat ng taong sinaktan ko at nanakit sa akin.

At ang lugar na ito ang tutulong sa akin.

"Abi!"

"Lola!"

Patakbong niyakap ko siya na sinuklian din niya ng mas mahigpit na yakap.

"Na'miss kita, apo."

"Na'miss din kita, la. Sana hindi na kayo nag-abalang sunduin pa ako. Alam ko namang magcommute."

"Ano ka bang bata ka. Siyempre excited akong makita ka. Pasok na at baka mainip na yang si Nilo."

Inalalayan ko siya paakyat bago isinara ang pinto ng van.

"Teka, wala kang dalang bagahe?"

Tiningnan niya ang bag na dala ko. Bag na ang tanging laman ay envelope ng requirements ko sa school.

Napayuko ako. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya ang nangyari.

"Di bale. Sasamahan kitang bumili ng gamit mo mamaya."

Ramdam kong alam na niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nilingon ko siya.

Isang ngiti lang ang ibinigay niya. Ngiti na maraming gustong sabihin. Ngiti na para bang gustong iparamdam na magiging okay lang ang lahat. Ngiti na naging dahilan para muling mag-unahan ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"Thank you, la."

Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Alam kong ramdam din niya ang sakit na pinagdadaanan ko.

"Andito lang ako."

Tango lang ang isinagot ko. Yun lang ang tanging gusto kong marinig sa ngayon. Na may tao pang handa akong samahan sa daang hindi ko alam ang hantungan.

Confessions Of A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon