Nakatingin lang ako sa kanila habang magkahawak kamay na nagtatawanan. Okay na pala sila. Kelan pa kaya?
"Abi, okay ka lang?" Sinundan ni Gab ang tinitingnan ko.
Naikwento ko na sa kanya ang nangyari. Wala siyang sinabi at niyakap lang ako. Hinayaan lang niya na umiyak at maglabas ako ng sama ng loob.
"Hindi ko alam, Gab."
Napatigil sila nang makita ako. Ilang hakbang nalang ang layo namin sa kanila.
"Bes." Tila may bikig sa lalamunan ng sinabi niya iyon. Halatang nagulat nang makita niya ako.
Napatingin ako kay Ronald na nakikipagtitigan na ngayon kay Gab. Nilingon ko ng bahagya ang katabi. Tila may apoy na lumalabas sa mata niya habang nakatingin sa kaharap namin.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya nilipat niya ang tingin sa akin. Nginitian ko siya at doon parang tila umamo ulit ang mukha niya.
Hindi siya palangiti noong hindi pa kami gaanong malapit sa isa't-isa, pero ngayon ko lang siya nakitang tumingin ng ganoon.
"Kumusta?"
Hindi ko alam kung paanong lumbas yun sa bibig ko.
"Bes. Sinubukan kong tawagan ka--" Napalunok siya at hindi matuloy ang sinasabi.
Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong sabihin sa kanya na kung sana ay pinakinggan niya muna ako. Pero alam ko din sa sarili ko na mahirap gawin yun noon sa sitwasyon niya.
"Ayos lang. Sana maging masaya kayo." Walang pait sa salitang binitawan ko pero wala din akong maramdamang emosyon. Nalilito ako. "Una na kami."
"Bes-"
Naglakad na ako palayo. Heto na naman ang mga luhang nagbabadya. Nanlalabo na naman ang paningin ko.
"Abi."
Niyakap niya ako. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit. Hindi ko na rin alam kung bakit.
"Gab, masama ba ako?" Nakaupo na kami sa labas ng simbahan. "Masama ba kung ayaw kong makitang masaya sila? Masama ba kung hilingin ko na sana nasasaktan din sila? Kasi Gab, hindi ko na alam kung tama pa ba ang naiisip ko."
"Hindi ka santa para hilingin mo na sana hindi sila nasasaktan samantalang hirap na hirap ka na. Abi, tao ka at nasasaktan ka ngayon. Time heals all wounds. Nagmamarka man lahat ng sugat pero alam mong ang bawat markang yun ang magpapatatag sa'yo."
"Thank you, Gab ha?"
Ipinatong ko ang ulo sa balikat niya.
"Alam mo bang ex ko si Eunice?"
"Hmmm."
"Kelan mo pa alam?"
"Narinig ko kayong nag-uusap sa room."
Bahagyang natawa siya. "Sobrang nasaktan ako noong nalaman ko na sila na ng dati kong bestfriend. Sila nalang kasi ang laging magkasama simula noong lumipat ako sa HU."
Umalis ako sa pagkakahilig sa kanya at tinitigan siya. Nakangiti lang siya. Walang pait o sakit na makikita sa mga mata niya.
"Si Joshua lang ang lagi kong kasama noon. Niyaya niya lang lagi akong magbasketball para makalimutan ko lahat. Siya din ang laging nagpapaalala sa akin na wag akong gumawa ng kahit na anong ikapapahamak ko. Si lola Felice ang madalas mag-advice sa akin noon kasi kinwento din sa kanya ni Joshua ang nangyari."
"Hindi ako makapaniwalang si Joshua talaga ang nag-aadvice sa'yo? Kelan pa naging expert yun sa pang-aalo ng broken hearted?"
Natawa lang siya sa sinabi ko. "Wala ka talagang tiwala sa pinsan mo."
"Akala ko kasi pambubully lang ang expertise non eh. Sige tuloy mo na nga."
"Sinubukan kong makipagbalikan kay Eunice noon pero pinapahiya lang niya ako sa school. Hindi ko inintindi ang kahihiyan kahit ang sakit sa tuwing nakikita kong masaya na siya sa dati kong bestfriend. Ginagawa ko pa rin lahat para lang kausapin niya ako."
"Awww." Hinawakan ko ang kamay niya dahil pakiramdam ko ay ako ang nasasaktan para sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong nangyari pero isang araw nalang napagod na ako. Tinigil ko na ang pagbalik sa dati kong school. Tapos narealize ko na, kaya siguro ako dinala sa HU para makilala ko ang pinsan mo. Sobrang hanga ako sa kanya. Napakadown to earth niya, lahat nga yata ng angkan niyo."
Natawa lang ako. Pinaglalaruan na niya ang kamay ko.
"Mas madami akong nakilalang tao hanggang sa nakasama ko na din ang kuya mo. Sa kanila ko natutunang iappreciate ang family."
"Natouch naman ako. May mabuti din palang nagagawa ang dalawang yun. Pero paano ma nameet si kuya?"
"Kapag pumupunta siya sa laro namin na magkasama kayo. Nauuna ka sa sasakyan niyo, tapos siya nakikipagkwentuhan pa sa amin."
Nanlaki ang mga mata ko pero nakangiti lang siya. Nakakalokong ngiti.
"Ah so kilala mo na din talaga ako una palang? Ikaw manang-mana ka din sa mga kulugong yun eh. Pang-asar."
Tawa lang siya ng tawa habang sinasalag ang panghahampas ko.
"Abi?"
"Ate Yas!" Agad ko siyang niyakap nang makalapit siya sa amin.
"Sabi ko na nga ba, ikaw yan eh." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti bago inilipat ang tingin kay Gab. "Ikaw ba si Gab?"
Tumango lang siya at tumayo na din sa tabi namin.
"Hi! I'm Yas, Steven's girlfriend."
"Nice to meet you po."
"Nabanggit sa akin ng kuya mo na magkasama kayo. How's tito na pala?"
"Tsismoso talaga. Lalabas na daw siya bukas. Sama ka? Family day daw."
"Sure! Dadaan ako dun mamaya. May class kasi ako kahapon. Kumusta ka na?"
"Sakto lang." Ngumiti ako bago niyakap ulit siya.
"Ano ka coke?"
"Ano ba yan ate. Nahahawaan ka na ni kuya ng kakornihan niya."
Natawa lang siya at niyakap din ako. Saglit siyang nakipagkwentuhan sa amin bago nagpaalam dahil kasama niya ang family na magsisimba.
"Shiza! Kumusta ka na? Babalik ka na ba sa school? Namimiss ka na namin."
Binigyan ko lang sila ng alanganing ngiti.
"Hindi na ako babalik sa HA."
"Ha? Sayang naman. Nalulungkot lang kami sa nangyari sa'yo."
"Okay lang ako. Sige una na ako sa inyo."
Nilingon ko si Gab. Inakbayan niya lang ako habang naglalakad.
Bakit kaya ang tao madaling maniwala kapag sinabing may masama kang ginagawa, totoo man o hindi? Madaling manghusga. Madaling kalimutan ka. Pero kapag naging okay na, lalapit sa'yo na para bang walang nangyari. Na para bang hindi ka nila inapak-apakan noong wala kang makapitan.
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Broken Heart
Teen FictionRejection. Pain. Acceptance. Paano nga ba malalagpasan ang sakit na pinagdadaanan? Paano nga ba ang lumimot sa masalimuot na nakaraan? Piksii ❤ All Rights Reserved 2017