Nakatingin lang ako sa repleksiyon ko. Isang simpleng baby pink dress na tube at above the knee ang suot ko. Simple lang din ang ayos ko.
Kinuha ko ang cream na wedge shoes at isinuot ito bago ibinalik ang tingin sa salamin.
"Naks naman dalaga na ang baby ko!"Tatawa-tawang lumapit siya habang kinakabit ang necktie niya.
"Che! Lumayas ka na nga dun, kuya!" Napaikot ang mata ko habang nakatingin din sa repleksiyon niya sa salamin dahil sa di na siya magkaintindihan sa pag-ayos nito. Hinarap ko siya para tulungan.
"Thank you, baby. Pwede ka nang mag-asawa," tuloy pa din na pang-aasar niya. "Ay wala ka pa palang jowa."
Tinulak ko siya palabas dahil di na naman niya ako titigilan hangga't di ako napipikon sa kanya.
"Wait naman, picture muna tayo. Papakita ko kay Joshua." Pigil niya sakin sabay kuha ng telepono niya.
"Ayoko nga!" Tinakpan ko ang mukha habang pilit niya akong kinukunan ng litrato.
"Steven, you're not leaving yet?" bungad ni mommy pagpasok ng kwarto ko. "Inaasar mo na naman yang kapatid mo. Tigilan mo na yan."
"Maya-maya na ko alis, mom." Di man lang niya sinulyapan si mommy at panay lang ang pagclick ng camera kahit na tinitingnan ko na siya ng masama.
"Abigail, Aila's downstairs already. Bilisan niyo na jan at nang makaalis na kayo." Pagkasabi non ay sinara na niya ang pinto.
"Susunod na ako, mom." Mabilis kong kinuha ang pouch at tumakbo pasunod kay mommy habang tatawa-tawa naman ang kuya kong may saltik na di man lang natinag sa kwarto ko.
Nakaupo lang kami sa dulong table habang pinagmamasdan ang mga bisitang naroroon. Halatang galing sa mayayamang pamilya ang mga naroroon kasama na din ang iilang schoolmates namin.
Maliban sa varsity ng soccer team at hunk ng school ay mayaman sila Ronald, at isa na din ito sa rason kung bakit madami ding babae ang humahabol sa kanya.
"Bes, wag ka ngang kabahan jan. Sige ka, ang asim na ng mukha mo." Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig. Napangiti ako nang ikiskis niya to sa kamay ko na para bang nanghihingi ng init mula sa palad ko. Maganda siya sa suot niyang yellow niyang dress na pinaiksing bersiyon ng gown ni Belle, dahil hanggang taas lamang ito ng tuhod niya.
"Ano ka ba, normal lang daw to. Wag kang mag-alala mararamdaman mo din to kapag nagkaboyfriend ka na din." Paikot-ikot ang mata niya na tila may hinahanap.
"Whatever. Nasaan na ba ang magaling mong boyfriend?"
Napabalik ang tingin niya sakin. "Easy ka lang naman kay Ronald. Baka may inaasikaso pang bisita."
"Hindi ba dapat ikaw ang inuuna niya dito?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Bes naman." Ayan na naman nagmamakaawa niyang boses sa tuwing sinasabi ko sa kanya ang dapat na ginagawa ng boyfriend niya.
"Fine. Sorry na," malumanay kong sabi. Ayoko nang dagdagan pa ang tensiyon na nararamdaman niya.
"Baby." Hindi ko na nilingon pa ang nagsalita. Agad namang tumayo ang kaibigan ko para salubungin ito. "I would like you to meet my dad. Dad, my girlfriend, Aila."
"Nice to finally meet you, iha. My wife talks so much about you," magiliw na bati sa kanya ng daddy ni Ronald.
Doon lang ako napalingon.
"Thank you po. Nice to finally meet you too, tito." Nilingon ako ni Aila at sinenyasang lumapit. Napakunot ang noo ko saglit nang makita ang kausap niya.
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Broken Heart
Teen FictionRejection. Pain. Acceptance. Paano nga ba malalagpasan ang sakit na pinagdadaanan? Paano nga ba ang lumimot sa masalimuot na nakaraan? Piksii ❤ All Rights Reserved 2017