Masakit ang ulo ko nang magising ako. Mabigat ang katawan ko. Nahihilo pa rin ako. Unti-unti kong minulat ang mata habang pilit inaalala ang nangyari.
Isang matalim na tingin ang bumungad sa akin. Tingin na kahit kelan ay hindi ko inakalang manggagaling sa kanya.
"Bes?" Tila walang boses na lumabas sa bibig ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Unti-unti ang mga galit sa mata niya ay napalitan ng sakit. Tatayo na sana ako para lapitan siya nang may gumalaw sa tabi ko.
Hindi ako makagalaw. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Tila naging blangko ang isip ko.
"How could you?" Yun lang ang tanging lumabas sa bibig niya kasabay ng pag-agos ng mga luha niya.
Sorry. Magpapaliwanag ako.
Gusto kong magsalita pero wala akong lakas para maibuka man lang ang bibig.
Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko.
Gusto ko siyang sundan para magpaliwanag pero tila nawalan ng lakas pati ang mga paa ko.
Alam kong nasaktan ko siya.
Anong nangyari?
Gusto kong magtanong pero tila nagkabuhol-buhol na rin pati ang utak ko.
Sinundo ako ni kuya sa mansiyon ng mga Mendez. Kahit isang salita ay wala din akong narinig sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko o ang dapat kong maramdaman.
Paulit-ulit akong pinagalitan ni mommy. Araw-araw akong nakakarinig ng masasakit na salita. Hindi ako kinakausap ni daddy at ni kuya.
Doon lang ako tila nagising sa isang bangungot. Doon lang pumasok sa utak ko ang lahat. Doon lang nag-umpisang maglandas ang mga luha sa pisngi ko. Doon ko lang naintindihan ang sinasabi ni mommy.
Masakit marinig, pero mas masakit malaman na may nasaktan ako. At higit sa lahat mas masakit na sa bestfriend ko pa.
Tatlong taon ng pagkakaibigan ang nawala dahil lang sa pangyayaring kahit ako ay hindi ko din alam.
"Abi, ayos ka lang?"
Nginitian ko siya. "Ayos lang po, la."
"Walang problemang hindi nasosolusyunan. Lagi mo yang tatandaan."
Tumango lang ako.
"Mag-iingat ka. Magtext ka nalang sa kuya Nilo mo para masundo ka mamaya."
"Sige po, la. Alis na po ako."
Niyakap at hinalikan ko siya sa pisngi bago sumakay sa van na maghahatid sa akin sa bagong eskwelahan.
Madaming mga mata ang nakasunod sa akin pagkapasok ko palang ng classroom.
Naupo ako sa bandang gitna nang makita kong may bakante pa sa pinakadulong upuan.
Biglang natigil ang kaninang ingay bago ako dumating. Nakamasid lang sila at walang kahit na isang nagsalita.
"Goodmorning, classmates!"
"Hi Shan!"
"Classmates pa rin tayo."
"Goodmorning, Shan!"
Isang magandang babae ang pumasok. Maayos na nakakulot ang dulo ng buhok nito. Hindi pa rin nawala ang ngiti nito hanggang sa makaupo ito sa pinakaharap.
"Wala na pala si Joshua? Kelan siya umalis, Shan?"
"Noong bakasyon pa. Nagstart na nga yata ang class niya."
Kaibigan pala siya ng pinsan ko.
Biglang natahimik ulit ang klase nang may pumasok sa kwarto.
Hindi nalalayo kay Shan ang ayos niya. Nakadress din ito gaya nong nauna.
"Newbie?"
Tumango lang ito.
"You can sit here." Nakangiting alok nito na pinaunlakan naman ng bagong dating. "I'm Shan."
"Eunice."
Hindi pa man nakakatagal ang bagong dating ay may pumasok ulit.
"Yow, bro!"
"Hi, Lance!" Agad na bati ng Shan.
Tiningnan lang siya nito pati na rin ang katabi niya. Napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
Inikot niya ang tingin sa classroom habang patuloy pa rin ang sigawan ng mga kaklase namin para mapansin niya.
"May nakaupo dito?"
Tiningnan ko ang katabing upuan bago ibinalik ang tingin sa kanya at umiling.
Tiningnan ko lang siya nang maupo dito.
"Gab."
Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Naupo ito sa kabilang gilid niya at tila may ibinulong kaya agad kong iniwas ang tingin.
"Goodmorning, class!"
Binati din siya ng mga kaklase ko na tila tuwang-tuwa nang makita siya.
"To those who don't know me, I am Ms. Rachel Natividad. And I am your class adviser and at the same time your English teacher for this school year."
Nagsigawan ang lahat. May pumalakpak at sumipol pa.
"We have two transferees for this class." Nalipat naman ang atensiyon ng lahat sa babaeng nasa harapan. "Will you please introduce yourselves in the class?"
"Hi! I am Eunice Kathryn Sandoval, from St. Mathew's Academy. I love to sing and dance. I also love new environments like this. And I hope to get along with all of you."
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Nakangiting kumaway pa ito sa lahat bago naupo. Nang ilipat sa akin ng guro ang atensiyon ay tumayo na rin ako.
"I'm Shiza Abigail Alonzo, from Hemmington Academy."
Yun lang at naupo na ako. Natahimik ang lahat. Walang umimik hanggang sa mag-umpisa na ang klase.
Bago pa lang pero marami na ang gustong makipagkaibigan sa kanya. Napatingin ako kay Eunice na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin habang papunta sa canteen.
Naupo ako sa sulok ng canteen at binuksan ang baon ko.
Napansin kong kakaiba ang mesa ang inupuan nila Eunice at Shan. Nasa may bungad ito halos at malaki kesa sa pang-apatang mesang kinauupuan ko.
Special treatment.
Napailing ako nang may magserve sa mismong mesa nila samantalang nakapila ang lahat sa harap ng mga paninda.
Hindi ko maiwasang ikumpara sa dati kong eskwelahan. Ang mga estudyanteng may kanya-kanyang grupo.
Grupo ng mga walang pakialam. Grupo ng mga nakamasid lang sa ginagawa ng iba. Grupo ng mga nerds na libro ang kaharap kahit na breaktime na. Grupo ng mga estudyanteng pinagpala dahil sa pribilehiyong sila lang ang nagtatamasa.
Hindi ko maiwasang malungkot. Namimiss ko din ang HA. Namimiss ko na ang bestfriend ko.
Napayuko ako nagmaramdamang nag-uumpisa na namang pumatak ang luha ko.
Sana makayanan ko ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Broken Heart
Teen FictionRejection. Pain. Acceptance. Paano nga ba malalagpasan ang sakit na pinagdadaanan? Paano nga ba ang lumimot sa masalimuot na nakaraan? Piksii ❤ All Rights Reserved 2017