Hindi ko namalayang mag-iisang buwan na rin pala ako sa Hale University.
Pilit ko pa ring sinasanay ang sarili. Sinasanay mag-isa. Sinasanay sa hirap. Sinasanay sa sakit.
"Malapit na ang Org Fair. San mo gustong magjoin, Eunice?" Narinig kong tanong ni Shan sa katabi niya.
"Cheerleading." Pagkasabi nito ay napatingin siya sa katabi ko.
Tahimik pa rin ito. Ibinalik ko ang tingin sa notebook na nasa desk ko. Paulit-ulit na binabasa ang notes kahit na kabisado ko na.
Mahilig akong mag-aral kahit na dati pa. Pero ginagawa ko lang yun kapag nasa bahay na.
"Lance, ikaw na ba ang team captain? Wala na si Joshua eh."
"Oo naman. Siya naman na ang MVP last season eh."
Napalingon ako sa katabi ko. Siya pala yun. Bakit nga ba hindi ko napansin? Agad akong nagbawi ng tingin nang tiningnan niya ako.
Nahihiya ako sa tuwing nahuhuli niyang nakatingin ako.
"Sayang wala na si Joshua. Pero sigurado akong panalo pa rin tayo this season."
"Ang hangin. Ni hindi ka nga makapuntos kahit free throw man lang."
"Kabado lang ako noong finals. Pero this year, madami na namang chicks ang iiyak."
Nakikinig lang ako habang nagkakantiyawan sila. Vacant time namin at nag-aantay lang kami ng susunod na klase.
"Type ka ata Gab nong transferee ah."
"Yown! Lumalakas ang appeal natin kapag wala si Yu eh."
"Malakas naman ang appeal ni Gab kahit nandito si Joshua. Ikaw lang talaga tsong ang mahina sa mga chikababes."
"Uy, may transferee din pala dito. Baka isipin mo miss, ikaw ang sinasabi namin ha? Si Eunice yun."
Bahagya niya pang hininaan ang boses nang banggitin ang pangalan ng kaklase namin.
"Ano nga ulit pangalan mo?"
"Shiza."
"Hi Shiza! Ang tahimik mo naman. Hindi ka ba kinakausap nitong si Gab? Pasensiya na ha? Mahiyain talaga yang bata namin. Kaya chicks na ang nanliligaw jan eh."
"Tigilan niyo nga yan."
"Yown! Nagsalita din."
Lumapit sa likod ko ang isa sa kasama nila at hinawakan ako sa balikat. Nakapaikot sila at may kanya-kanya ding ginagawa ang mga kaklase namin kaya walang nakakapansin sa amin.
"Shiza, tahimik lang yang si Gab pero hindi naman yan nangangain ng tao."
"Perez, tigilan mo na nga yung tao. Nakita niyo na ngang hindi komportable eh." Saway ni Lance sa kanila.
Napatingin naman sila sa akin kaya napayuko nalang ako.
"Ow! Sorry."
"Ehem! Nangangamoy tol."
"Oo nga. Malansa ba?"
"Medyo."
"Umalis nga kayo dito." Halatang naiirita na ang boses niya.
"Tara na bro, mahirap na baka tamaan tayo. Sayang ang kagwapuhan ko."
"Walang gwapo sayo, baka gago?"
Unti-unting nawala ang mga ito sa pwesto namin.
"Ayos ka lang?" Tiningnan ko muna siya bago tumango. "Pasensiya na."
"Okay lang." Nginitian ko siya. "Hindi lang talaga ako sanay pa na kinakausap nila."
Pagkalingon ko ay nakita kong nakatingin sa amin si Eunice. Napansin kong sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay nginitian ko siya ng alanganin at diretsong naupo.
"May sasalihan ka bang Org?" Tanong niya pagkamaya-maya.
"Pwede bang hindi magjoin?"
"Pwede naman. Pero mas maganda kung sasali ka. Last year na rin natin sa high school."
"Hindi nalang siguro ako sasali."
Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang teacher. Ito na ang pinakamahabang usapan namin simula noong pasukan.
"Abi." Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang magsalita habang nagkaklase.
Nakatingin lang siya sa notebook na sinusulatan ko. Binasa pala niya ang sinusulat ko.
"Bakit?"
"Wala. Maganda yung penmanship mo."
"Thanks."
Parehong mahina lang ang boses namin para hindi mapansin ng guro at mga kaklase namin.
Kinuha niya ang notebook na sinusulatan ko at nagsimulang magsulat doon. Maya-maya ay binalik niya ito sa desk ko.
Napangiti ako at nagsulat bago ito ipakita sa kanya.
Galing mo palang maglettering.
Thanks.
Maganda din naman penmanship mo ah. Parang babae. :)
Grabe ka. Penmanship lang naman. :p
Tiningnan ko ulit ang buo kong pangalan na nilettering niya sa likod ng notebook ko. Tiniklop ko na ito at itinago.
"Una na ako, Gab."
"Bye, Abi."
Nasa labas na ako ng campus nang mapansin na nawawala ang cellphone ko. Magtetext na sana ako kay kuya Nilo para magpasundo.
Siguro ay nahulog sa upuan nang hinalungkat ko kanina ang bag para hanapin ang maliit kong notebook.
Wala na halos estudyante sa building ng high school department pagpasok ko.
"Hanggang kailan mo ako iiwasan, Lance?"
Natigil ang pagpihit ko ng pintuan nang marinig ang boses mula sa loob ng room.
"Ano bang kailangan mo, Eunice?"
"Lumipat ako dito para sa'yo."
Napakunot ang noo ko sa narinig.
"Oh Shiza! Hindi ka pa nakauwi?"
Napalingon ako sa lalaking katabi ni Lance sa upuan.
"May naiwan lang ako."
Bago pa man ako makapagsalita ay binuksan na niya ang pinto.
"Gab--" Hindi nito naituloy ang sasabihin. Nakaharang siya sa may pinto kaya hindi ko alam ang nangyayari sa loob. Nilingon niya ako at nginitian. "Anong naiwan mo Shiza? Ako na ang kukuha, jan ka nalang."
"Yung cellphone ko, baka nalaglag sa upuan."
Nakasandal lang ako sa gilid ng pinto. Okay na din na dumating siya dahil hindi ko din alam ang gagawin para makuha ang cellphone ko.
"Eto na." Nakangiti niyang inabot ang cellphone sa akin.
"Thanks---"
"Kevin." Agap naman niya nang mapansing di ko alam ang pangalan niya.
"Thank you, Kevin. Una na ako."
"Ingat."
Tumango lang ako bago umalis. Habang papalayo ay bumabagal ang hakbang ko.
Magkakakilala ba sila?
Nilingon ko ang building na pinanggalingan ko. Hindi ko alam kung bakit tila nanghihinayang ako na hindi narinig ang susunod na sasabihin nila.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang itago ni Kevin na nandoon sila sa loob.
Napailing ako bago tumalikod at nag-umpisang maglakad. Ayoko na na may madagdag pa sa iniisip ko. Bahala na sila sa issue nila.
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Broken Heart
Novela JuvenilRejection. Pain. Acceptance. Paano nga ba malalagpasan ang sakit na pinagdadaanan? Paano nga ba ang lumimot sa masalimuot na nakaraan? Piksii ❤ All Rights Reserved 2017