Confession 1

14 0 0
                                    

"Bes!"

Malayo pa man sa pintuan ng room ay tumakbo na ako nang makita ko siya. Sinalubong niya ako ng yakap. Hindi mawala ang ngiting nakapinta sa mukha niya hanggang sa makapasok kami sa loob.

"Look." Pinakita niya sa akin ang kwintas na nakasabit sa leeg niya. Hawak-hawak niya pa ang pendant nito habang pilit inilalapit sa akin.

"Ang ganda! Si Ronald nagbigay?"

Tumango lang siya. Hindi pa rin mawala ang kasiyahan sa mukha. "Anniversary gift niya sa akin."

"Anong nangyari sa date niyo kahapon?" Usisa ko pa.

Masaya siyang nagkwento. May konting tili pa sa boses niya na akala mo ay naulit ang nangyari sa kanila. Napangiti na rin ako habang pilit itinatago ang kaunting lungkot sa puso. Ayokong mag-alala siya, ayokong mapalitan ng lungkot ang kislap ng mga mata niya.

"Eh ikaw? Kumusta ang laro ng pinsan mo?" Balik tanong din niya.

Nawala panandalian ang mga agam-agam sa isip ko. "Ayun nanalo ulit sila, pero hindi na siya yung MVP." Nagkwento din ako sa nangyari sa araw ko.

"Kilala mo? Nakausap mo ba?" May kuryosidad na tanong niya at may halong panunukso.

Umiling ako. "Alam mo namang ayoko na nagpapakita sa mga kasamahan niya."

Umikot ang mga mata niya na akala mo ay sobrang dismayado sa ginawa ko. "Ang arte mo. Nandoon ka na lang din, sana inikot mo na ang buong school nila. Eh di sana nakahanap ka na ng pwedeng maging jowa."

"Naku bes, wag mo ng subukan pang ituloy yang mga linya mong yan," awat ko bago pa man magtuloy-tuloy ang litaniya niya. Pagdating sa pagiging anti-social ko ay sobrang disappointed talaga siya. Kung gaano kasi siya kahilig sa mga gatherings o party ay ganon ko din ito inaayawan.

"Eto naman. Hindi ka naman pinagbabawalan magboyfriend sa inyo. Close ka naman sa kuya at pinsan mo pero bakit parang allergic ka sa lalaki?"Nakataas ang kilay na tanong niya sakin.

"Hindi naman sa ganon. Priority ko lang muna ang pag-aaral sa ngayon. Dadating din yan."

Naputol nalang ang pagdadaldalan nang dumating na ang adviser namin.

Nasa cafeteria kami nang lumapit sa amin ang boyfriend niya kaya inabala ko nalang muna ang sarili ko sa pagkain.

"Baby, attend kayo ng birthday party ko ha? Sa friday na yun. Dadating si daddy gusto kitang ipakilala."

"Talaga baby? Sure! Pupunta kami ni bestie!" Mabilis namang sang-ayon ni Aila.

Napaangat ako ng tingin mula sa kinakain ko ng marinig 'yon.

"Naku, sorry Ronald. Pass ako jan." Diretso kong sabi sa kanya. Tinitigan niya lang ako saglit bago binalik ang tingin sa girlfriend.

"Sige na naman bes. Alam mo namang ayaw akong payagan ni mommy kapag hindi ka kasama diba?"

Umiling ako. "Alam mo ding ayaw ko sa party bes."

"It's time na bigyan mo na ang sarili mo ng chance na huminga. Isipin mo nalang magrerelax tayo pagkatapos ng pasakit dito sa school," pangungumbinsi pa niya.

Tiningnan ko lang siya. Ang mga mata niyang nagmamakaawa.

"Oo na. Pero saglit lang ako dun." Hindi ko pa din siya matiis.

Nginitian niya ako bago inilipat ang tingin sa kasintahan. Bakas ang saya sa mga mukha nila habang nakatitig sa isa't-isa. Masaya nga ba siya?

Matagal akong nakatingin sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ni Aila na agad niya namang sinagot. Lumipat sa akin ang tingin ni Ronald.

Confessions Of A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon