"Joshua! You're back!"
"Dito ka na talaga for real?"
"Joshua, dito ka na. Vacant dito."
"You sit here."
"Thanks guys."
Nanlaki ang mga mata ko. Parang nananaginip lang ako na naglalakad siya papalapit sa amin.
"Hey gorgeous!" Nakangiting bati niya. Nilingon ko si Gab na nakangiti lang din sa akin. "Hindi mo man lang ako na miss? Nakakapagtampo."
Nagsimula ang bulungan sa klase.
Tumayo ako at niyakap siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinaningkitan ko siya ng mata pero natawa lang siya.
"Bro pwedeng paurong? Gusto ko lang makatabi ang pinakamagandang babae dito sa klase."
Nagsigawan naman ang mga lalaking nakaupo malapit sa amin. Karamihan sa kanila ay basketball players kaya malamang ay kaibigan niya.
Sinipa ko siya sa binti kaya napasigaw siya. "Aray ko naman, baby! Kakabalik ko palang nananakit ka na."
Nagsilipat ang mga nasa linya namin ni Gab. Pagkalipat ni Gab sa upuan ni Kevin ay nilipat ni Joshua ang bag ko sa upuan ni Gab at siya naman ang naupo sa upuan ko na nasa dulo.
Natahimik ang buong paligid at ramdam kong nasa amin ang lahat ng atensiyon.
"Oh hi Josh! Welcome back. Hindi ka man lang nagsabi na babalik ka na."
"Biglaan lang ang uwi ko. Transferee?"
Nilipat ni Shan ang tingin kay Eunice at nginitian ito bago binalik kay Joshua ang tingin. "Oh yes! This is Eunice. Girl, this is Joshua, siya yung kinukwento ko sa'yo."
Napaikot ako ng mata nang kinindatan niya pa si Eunice. Hindi naman umimik ang pinsan ko at binaling ang tingin kay Gab. Isinubsob ko ang mukha sa desk at hinayaan lang silang mag-usap.
Natapos na at lahat ang klase pero wala dito ang atensiyon ko. Nakatingin lang ako kay Shan. Alam kong ginagamit niya ang impluwensiya ng pinsan ko para sa kung ano mang gusto niyang gawin. Bagay na kinaiinisan ko sa lahat.
"Okay ka lang, baby?"
Napatingin ako kay Joshua na nakatayo na sa harap ko. Katabi niya din si Gab na seryoso ding nakatingin sa akin.
Tumango lang ako. "Una na kayo. Daan lang ako sa restroom."
Nagtataka man ay hindi na sila umimik pa.
"Madali lang naman ang pinapagawa namin, hindi mo pa magawa ng maayos!"
"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Gumawa din kasi ako ng project ko--"
"Wala akong pakialam kung gumagawa ka ng project mo. Ang sabi ko tapusin mo yung sa amin."
Binuksan ko ang pinto ng CR. Nakaduro ang hintuturo ni Shan sa sentido ng isang babaeng gulo-gulo ang buhok at nakayuko lang. Katabi niya si Eunice at Cathy na nakahalukipkip lang.
"Diba pare-pareho lamg tayong estudyante dito? Bakit kailangang siya ang gagawa ng project niyo?"
Hindi ko mapigilan ang sariling hindi manghimasok. Hindi ko gusto ang ginagawa nila.
"Bakit nangingialam ka?"
Tumayo ako sa harap ng babae at tiningnan si Cathy. "Bakit naman hindi? Eh inaabuso niyo siya."
Tiningnan muna ako ni Shan bago nagsalita. "Hindi porket tumabi sa'yo si Joshua pwede ka ng gumawa ng kahit anong gusto mo. Girl, wag kang nangangarap ng mataas. You're nothing but his pet for now."
"Baka gusto mong sa'yo ko isampal yang sinasabi mo?" Napataas ang kilay ko. "Hindi din porket kaibigan ang turing sa inyo ni Joshua, pwede niyo ng gawin ang gusto niyo."
Natawa silang tatlo dahil sa sinabi ko.
"Sige lang girl, dream on."
"Subukan niyo lang ulitin ang ginagawa niyo. Sisiguraduhin kong magkikita tayo sa director's office mismo."
"Ang lakas ng loob mo ah? Baka hindi mo alam na close kami ng director dito?" Nakangising sagot ni Shan.
"Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano ang relasyon mo sa director. Kung wala ka pang record dito, humanda ka na sa first offense mo."
Nginitian ko lang din sila.
"As if." Nakataas ang kilay na lumabas silang tatlo sa rest room habang nakangisi pa rin.
"Okay ka lang? Anong name mo?"
Tumango lang siya. "Thank you Shiza. I'm Nika. Classmates tayo."
"Oh! Sorry. Hindi ko alam."
Tinulungan ko siyang ayusin ang sarili niya. Doon ko nalaman na matagal na din pala siyang ginaganyan nila Shan kaya mas lalo akong nainis.
"Shanta Perez, Cathy Salazar, Eunice Kathryn Sandoval, Jennicka Arellano and Shiza Abigail Alonzo. To the director's office now."
Napatingin sa amin ang mga kaklase. Agad akong tumayo sa upuan.
"What is the matter with you guys? Bakit kayo pinapatawag sa director's office?"
Natahimik ang lahat habang isa-isa kaming tiningnan ng adviser.
"Ms. Alonzo, you're the new student here. I never heard the rest of your classmates being called to the directors's office. Ngayon lang. Do you have any problem with them?"
Napangisi si Shan sa akin. Teacher's pet.
Sasagot sana si Joshua pero pinigilan ko. Alam kong ako lang ang hindi gaanong nakikihalubilo sa mga kaklase ko kaya ako ang tinatanong niya. Ako lang ang kakikitaan niya ng problema sakali man, pero hindi tamang manghusga agad siya.
"Ms. Natividad, maybe we have to go and check the matter with the director first before we attend to your queries?" Sagot ko na ikinagulat naman ng mga kaklase ko. "So, if you'll excuse us---"
"Okay, you may leave now. But mind your manners, Ms. Alonzo."
"If I answer you in a manner you didn't like, my apologies. You should've watched your manners, too. Teacher ka pa naman."
Kinuha ko ang bag at nilingon si Nika. "Nika, let's go."
Nakayukong sumunod lang siya sa akin. Nagpipigil naman ng tawa si Joshua habang nakangiting napapailing naman si Gab ng tingnan ko bago kami lumabas.
"Hi, tita!" Nakipagbeso pa si Shan nang datnan namin ang director sa opisina niya. Nginisihan niya ako bago naupo sa couch.
Diretsong naupo lang ako sa visitor's couch na nasa harap ng table ng director. Magkatabi kami ni Nika, habang nasa tapat namin ang tatlo.
"I received a report from Ms. Alonzo that you three are bullying Ms. Arellano here."
"You know that we can't do that tita."
"Director Yu, Ms. Perez."
Napapahiyang tumango lang siya. Nilipat ko naman ang tingin sa director na ngayon ay nakatingin lang sa akin.
"As what my report tells you, I personally witness them verbally abusing Nika here. And if you call their acts of asking her to do their projects in behalf of them, bullying then I'll take the position of being a witness to their offenses to the school rule which prohibits students to abuse another and to the No bullying rule."
"Is that true, Ms. Arellano?"
Tumango si Nika at isinumbong lahat ng ginagawa nila Shan, pati na rin sa ibang estudyante.
"And to add some more case, I personally experience bullying from them. You can review it from the CCTV. I'll gladly add that to my report."
Napatingin sa akin ang director na halatang nagulat. "What exactly did they do to you?"
Ngumisi ako bago tiningnan ang tatlo isa-isa. Halatang kinakabahan na. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Siguro naman ay magtatanda na sila.
Wala akong balak na makick-out sila sa school. Ang maranasan nilang matakot at kabahan dahil sa ginagawa nilang panlalamang sa mga estudyante ay sapat na.
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Broken Heart
JugendliteraturRejection. Pain. Acceptance. Paano nga ba malalagpasan ang sakit na pinagdadaanan? Paano nga ba ang lumimot sa masalimuot na nakaraan? Piksii ❤ All Rights Reserved 2017