Kaycee's POV
Paano kung ang relasyon niyo ay unti unti nang nagiging malabo? Wala nang oras,wala nang mahabang usapan, wala nang kasweetan.. Parang halaman unti unting nalalanta.. Pero alam niyo mahal niyo pa ang isa't isa.. Pero bakit nga ba nagka ganito? Napapagod na ba o nagkakasawaan na?
Maliit na bagay pinag-aawayan namin.. Tono ng boses ko magagalit siya ni hindi ko nga alam na yun na pala ang impact sa kanya..sobrang sensitive niya..tapos pag ako ang magalit..galit din siya..
"Ano na naman ba problema mo Kaycee?" Sabi ni Julia na naiirita.. Lagi siyang ganyan.. Kahit wala naman akong ginagawang kasalanan..
"Eh bat nagagalit ka so totoo?" Lagi kaming away bati minsan nakakapagod na rin pero Mahal ko siya..
"Ewan ko sayo! Napaka arte mo!" Galit niyang sabi akmang mag wawalk out na naman.. Hinawakan ko ang kamay niya
"Mag usap tayo!" Sigaw ko sa kanya
"Ano bang dapat nating pag usapan?" Nagsisigawan na kaming dalawa..
"Tayo! Anong nangyayari sa atin Julia.. Lagi nalang tayong ganito.. Ano ba kasi problema mo.. Ba't lagi kang ganyan.. Lagi kang galit..lagi kang naiirita sakin.. Mahal mo ba talaga ako..?" Parang sasabog na ako.. Sobrang sakit ng nadarama ko.. Hindi ko gustong maging ganito dahil sobra ko siyang mahal..
"Kung may problema ka..kung may iba kana..sabihin mo.. Hindi yung ganito Julia" unti unting pumatak na ang mga luha saking mata..
"Wala! Wala akong iba!! Tsaka di paba sapat sayo ang lahat para masabi mong di kita Mahal? Kaycee naman!" Galit niyang sabi..
"Eh ano ito? Anong nangyayari bakit tayo ganito" kasi hindi ko na talaga maintindihan..
"Itanong mo sa sarili mo!" Ano bang nagawa kong kasalanan? Lahat nlang ba ako ang mali?
"Nagbago kana Julia.." Mahina kong sabi habang umiiyak parin..
"Oo nagbago ko! Alam mo kung bakit? Dahil sayo!!!!" Masakit man marinig galing sa kanya pero wala akong magagawa.. Oo may mga mali naman ako..selosa ako..pinagdududahan ko siya..masama ugali ko..Pero bakit di naman niya makita ang sarili niyang mali..hindi lang naman ako eh..pero bakit lahat sinisisi niya sa'kin? O sobrang sensitive nya lang dahil sa lahat ng bagay na hindi ko masunod eh nagtatampo siya dahilan kung saan ngsisimula ang away..
"Ba't di mo rin tingnan yang mga pagkakamali mo?" ganito ba talaga kung matagal na kayong nagsasama? O talagang makasarili lang siya at sarili lang niya ang iniisip niya.."Ako?? O ikaw" pagtuturo niya sakin..
"Ang hirap kasi sayo.. Puro mali ko yung nakikita mo.. Lagi nalang ganito.. Lagi kitang iniintindi pero ikaw? Kailan mo naintindihan ang nararamdaman ko.. Napaka makasarili mo.. Hindi ka marunong magmahal Julia dahil sarili mo lang ang mahal mo!" Sinampal niya ako sa mga sinabi ko..
"Totoo naman diba?" Dugtong ko..
Hindi ko inaasahang mapagbubuhatan niya ako ng kamay..
"Sarili mo lang iniisip mo.. Yang nararamdaman mo lang ang importante sayo!" Muli kong sabi..Hanggang sa umalis siya.. Hindi ko na siya pinigilan..napapagod na ako.. Napapagod na akong lagi ako ang umiintindi..lagi ako ang mali.. Lagi nlang ako ang mag aadjust sa kagustuhan niya lagi nalang ako ang nag iisip sa kung ano ang mararamdaman niya habang siya..ang iniisip niya ay ang sarili lamang niya..
Sobrang sakit ng nararamdaman ko..hindi ko inaasahang hahantong kami sa ganito..habang tinitingnan ko ang mga litrato na nakasabit aa dingding..humahagolgol ako sa pag iyak.. Ganito talaga ang pag-ibig sa bawat sayang mararamdaman mo may katumbas naman na sakit..Pero minsan naisip kong bumitaw nalang..mamuhay mag isa ng wala siya..Nakakapagod na..pero makakaya ko ba?mas mahal ko siya kesa sa nararamdaman ko..hindi ko siya bibitawan hanggang kaya ko pa.. Hanggat kaya pa ng puso ko ang mahalin siya.. Dahil lahat ng relasyon ay hindi lang puro saya at tamis kundi may pait at sakit din itong kasama..Nakatulog pala ako sa kaiiyak.. Pag gising ko nandito na si Julia sa bahay..nag iimpake..
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya
"Uuwi na muna ako" sagot niya ng hindi ako tinitingnan at patuloy na nag impake ng gamit niya
"Julia mag usap tayo.." Ayoko siyang umalis..
"Tama na kaycee.. Napapagod na ko.. Mas mabuting maghiwalay muna tayo" wala nabang mas sasakit pa sa mga narinig ko?"Sigurado kaba jan sa sinasabi mo Julia..?" Pagtatanong ko..
"Oo" maikli niyang sagot.."Sabagay kaya mo namang wala ako diba? Sige.. Mag iingat ka dun" bumalik ako sa paghiga at naiyak na naman..
"Alis na ko" hindi ko na siya sinagot sobrang sakit na kasi hirap na akong huminga dahil sa pag iyak..
Ganoon ba niya daling bitawan ang relasyon namin? Ba't pa niya sinimulan kung siya din naman ang bibitaw..wala ba siyang paki sa mararamdaman ko? Hindi naman ako nagloko..wala naman akong iba para iwanan niya na hindi manlang kami ng uusap..
Siguro nga kailangan muna namin ng oras para mag isip hindi yung mag aaway kami na parehas mainit ang ulo namin.. Kailangan pakalmahin muna ang sitwasyon..bago pag usapan uli ang tungkol sa'min.. Kung ito man ang makakabuti sa'min ay kakayanin kong wala siya sa tabi ko..
Isang linggo narin ang lumipas simula ng umalis si Julia..araw araw gabi gabi ko siyang iniisip kuMusta na kaya ang mahal ko.. Kumain na kaya yun baka naman pinapabayaan ang sarili niya..sinusubukan ko siyang kontakin pero cannot be reach..hindi ko na talaga kayang matiis bukas na bukas ay pupuntahan ko siya sa kanila..hindi ko kayang mawala ang babaeng pinakamamahal ko..
Pagdating ko sa bahay ay nabigla ako dahil bukas ang pintuan.. Baka may nakapasok na magnanakaw.. Dali dali akong pumasok pero ibang magnanakaw ang nakita ko..
Magnanakaw pala ng puso ko..
Ngumiti si Julia pagkakita sa'kin.. I miss her smile..her scent..her beautiful face..her sexy body..
Niyakap ko siya agad..
"I miss you" sobrang higpit din ng yakap niya..
"I'm sorry Kay..napag isip isip kong hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko.." Sabi niya habang nakayakap parin..
"I'm sorry din Julia..para na akong mababaliw dito.. " kumawala ako sa yakap..
"I miss you so much" ngiti nyang tugon.."Kay.. Pasensyahan mo na ako.. Alam ko namang mahal na mahal mo ako..pero may pagkakataong nakakasakal ka..kahit ano nalang ang sinasabi mo tungkol sakin..nasasaktan din naman ako.." Pagsisimula niya..alam ko naman yun at alam kong mali ako doon..
"I know Julia.. Sorry din kung ganoon ako sayo.. May mga oras kasi hindi ko mapigilan ang galit ko kaya kahit ano nalang ang nasasabi ko sayo.. Patawarin mo ako.." Sabi ko..
"Alam mo namang mahal kita Kay.. Ikaw lang walang iba.. Tsaka di ko magagawang lokohin ka" sabi niya..
"Thank you Julia.. Ako din naman.. You're all i need and you're all i want.. And of course you're the one that i love" hinalikan ko siya sa noo..
"Thank you kay for always understanding and for not giving up on me kahit ganito ako"
"Kasi nga mahal kita kahit ano kapa o kahit sino kapa mahal kita okay? Mahal na mahal kita" pinisil ko ang ilong niya..tsaka ko siya niyakap..
This is the reality dahil walang perpektong relasyon..kahit gaano pa kayo kasaya may darating din na problema o unos sa pagsasama niyo.. May mga pagkakaiba man kayo..may mga bagay man na pagtatalonan niyo.. Nasa sa inyong dalawa na yun kung paano niyo panghahawakan ang salitang "MAHAL KITA" sa isa't isa..
Authors note:
This may be a short story pero ito ang totoo..walang perpektong relasyon pero kung mahal niyo isa't isa.. Fight for it.. Dahil walang mali ang ipaglaban ang pagmamahal sa isang tao..
Anyways thank you for reading and please vote and comment 😘😘
BINABASA MO ANG
One shot stories (gxg)
RomanceIto ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip na pangyayari.. Puro kathang isip ?