Pag nagmahal ka kasi ng totoo di mo na iisipin ang sarili mo,dahil ang mahalaga nalang sayo ay ang kaligayahan ng taong mahal mo kahit na hindi kana kasama sa mga nagpapasaya sa kanya. Yung tipong handa kang tanggapin ang lahat ng sakit para lang maging masaya siya. Yung kahit wala nang natira sa sarili mo basta ang importante ay mapasaya mo ang taong minahal mo ng husto pero hindi naman kayang ipaglaban kung ano ang meron sa inyo.
Sa pag-ibig minsan kailangan maging tanga para maging masaya na kahit alam mong di na ikaw ang mahal niya sa kanya ka parin nagiging masaya, na kahit nasasaktan kana pinagpapatuloy mo pa kasi nga mahal mo siya. At sa salitang pagmamahal ay walang pinipiling tao mahal kaman nito o hindi,
"Hey,hon how's work?" tanong ko kay Milka pagdating niya ng bahay..
"busy, daming paperworks" tipid nyang sagot.
"kumain kana ba?" tanong ko ulit.
"yeah" sabay pasok ng banyo..
Ilang araw ko na ding napapansin yung treatment niya. Alam kong may mali..pero natatakot akong komprontahin siya.
Nakahiga na ako sa kama habang hinihintay siya.. Gusto ko siyang tanongin kung may problema ba,pero natatakot akong malaman na meron nga.
"ahmm hon?" habang nakatalikod sa kanya,ramdam kong nakaupo na sya sa kama
"hmmmm?" sagot niya
"okay lang ba tayo?" kinakabahan kong tanong.
"yes, why?" hinarap ko siya..
"wala lang.."
Hinalikan niya ako sa pisngi tsaka humiga na at tumalikod sa'kin
"sleep kana" di na ako sumagot pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan na ako..
i know there is something wrong, ayoko naman pilitin na magsabi siya kasi alam kong sa away lang hahantong ang lahat ayokong mas lumayo siya sa'kin. i will just give her time maybe baka siya na mismo mag open up. Tanga ba ko? oo, mahal ko eh..
after work bumili ako ng bouquet of flowers balak ko sana kasing sorpresahin siya, susunduin ko siya sa work with matching flowers it's our monthsary kasi, expected ko nang nakalimutan niya eh..
Nasa labas na ako ng pinagtatrabahuan niya maya maya ay lalabas na siguro yun. Ilang minuto na paghihintay ay nakita ko na siyang palabas nakangiti at dumeretsong sakay sa kotse, nakangiti din yung lalaking nagbukas ng kotse para sa kanya. Alam niyo yung pakiramdam na parang natutunaw ka sa kinatatayuan mo. Ayokong mag-isip ng masama pero ano nga bang iisipin ko? I'ts 6pm at unti unting pumatak ang ulan na dahilan na pagkabasa ko. Tumakbo ako hanggang sa makasakay ako ng Taxi, yung bulaklak? tinapon ko na, basa na rin naman. Di bale may Cake pa naman sa bahay na hinanda ko talaga for today.
i texted her kung nasaan na siya, "meeting pa" reply niya. Siguro nga ka meeting nya lang yung lalaking sumundo sa kanya, kung ano ano agad ang naiisip ko naguguilty tuloy ako.
Alas 10 ng gabi wala pa rin siya, kanina pa ako naghihintay with candle lighting dinner, nkaatulog na nga lang ako sa kahihintay. Narinig kong bumukas ang pinto at alam kong siya na yun, sino pa nga ba..
"Hon" nagulat sya sa nakita niya sa table..
tumayo ako at lumapit sa kanya, yumakap, yung yakap na parang antagal niyong hindi nagkita sabay bulong "Happy monthsary,i love you"
nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.. "okay lang kung nakalimutan mo, alam ko naman na busy ka sa trabaho" ngumiti siya, ngiting malungkot.. tsaka hinalikan sa noo.
"kumain kana ba?" tumango siya..
"sige pahinga kana, liligpit ko lang to".. hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.
"kakain pa din ako" tsaka ngumiti
Tahimik kaming kumakain, hanggang sa natapos wala siyang imik. Ayokong magsimula ng usapan dahil baka kung ano lang masabi ko, ayokong magalit sya at mag-away kami.
ilang araw at linggo ang dumaan, alam ko naman na may mali but i'm waiting for her to tell me what's going on, bakit nagkaganito.. maghihintay ako kung kailan siya handang mag sabi, kasi kahit ano naman mangyari tatanggapin ko ang lahat basta masaya lang siya, kahit hindi na ako ang rason nito. Masakit diba? napaka martyr ba? di niyo naman ako masisisi kasi mahal ko siya,
Pagdating ko ng bahay nasa sala siya nakaupo na parang di mapakali.
"hey are you okay?" hinalikan ko siya sa noo. Kita ko ang luha sa mga mata niya."i want to tell you something".. Hindi ako sumagot bagkus ay tumabi ako sa kanya.
"i'm Sorry Ja, hindi ko naman sinasadya bigla ko nalang naramdaman na mahal ko siya" ngumiti ako ng may luha sa aking mata.
"masaya kaba?" hindi siya sumagot, niyakap ko sya.. Ang sakit pala, biglang naglaho ng parang bula ang future ko.
"i dont know, hindi ko alam ayokong masktan at iwan ka pero di ko maintindihan ang sarili ko."
"it's okay hon, as long as you're happy, i will be happy too" at kwenento niya lahat ng nangyari, tama nga yung nakita ko sila hindi pala talaga meeting yun
Hindi ko mawari ang aking pakiramdam, sobrang sakit..pero syempre di ko pinapakita sa kanya,ayokong maawa lang siya sa akin.
After 2days she decided na lumipat na ng matitirhan, ang hirap pala kasi bawat sulok ng bahay naalala ko ang lahat ng masasayang alaala..
5 taon versus sa bago lang pero ika nga di naman yan sa tagal eh, sana lang talaga masaya sya at di sya saktan ng bago niya.
Isang buwan ang nagdaan masakit parin pero nasa process na ako ng pag momove on and i know magiging ok din ako, ayokong mag hold on at ipaglaban siya kung alam ko naman na talo na ako..
Bumalik ako sa aking katinuan nang biglang may kumatok pagbukas ko ay nakita ko si Milka, umiiyak.. Agad ko siyang niyakap..
"hey, anong nangyari ba't ka umiiyak?"
"i missed you" parang tinusok ng puso ko..
"you know i'm always here for you" pero umiiyak pa din sya. Inalalayan ko siyang umupo..
"anong problema?" tanong ko ulit
"Ja, are you willing to accept me again after everything that i've done?" hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi, kasa nasa process na ako eh. Pero mahal ko pa rin siya.
"bakit Mil?"
"i realized that i love you ikaw talaga ang mahal ko, hindi ko na kasi kaya na sya ang kasama ko pero ikaw pa pala ang laman nito" napangiti ako,kahit papano
"hindi ko alam Ja,pero yan ang totoo, siguro nadala ako ng tukso..i'm so sorry i still love you"
"alam mo Milka na mahal kita na kahit nakakapagod ka mang mahalin mamahalin pa rin kita kasi mahal kita" tsaka ko siya niyakap at hinalikan sa noo.
---
To tell you honestly guys,matagal natong nasa draft ko, at hindi ko inaasahan na ito pala ang mangyayari ngayon sakin, except for the last part.. Sakit,binasa ko ulit, napapaluha ako😢😢Thanks for reading..
![](https://img.wattpad.com/cover/115143845-288-k415460.jpg)
BINABASA MO ANG
One shot stories (gxg)
RomanceIto ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip na pangyayari.. Puro kathang isip ?