Girl Next Door(SPG)

12.5K 97 3
                                    


Wala na sigurong mas sasakit pa nung sabihin niyang may mahal na siyang iba. Na hindi na ikaw ang gusto niya. Na sa ibang tao na niya ibibigay ang pagmamahal na dapat ay para sayo. Halos maisisi mo ang lahat sa sarili mo kung ano nga ba ang kulang bakit nagkaganito, pero ika nga nila kung may umaalis siguradong may dadating. Siguro naging parte lang siya ng buhay mo para mas maging matatag ka, masakit man pero di pa dun natatapos ang lahat dapat life must go on kahit mahirap man dapat ituloy ang laban, kung nadapa ka man ngayon siguradong makakabangon karin pagdating ng panahon

WARNING SPG!!!!

Joana's POV

Nasa kwarto kami ni Michael boyfriend ko, halos araw araw nalang kaming nag-aaway, nakakasawa na minsan gusto ko nang bumitaw nakakapagod na.

''May iba kana ba?" Natigilan siya sa tanong kong iyun.

"Sabihin mo lang ang totoo" yun lang ang kailangan kong marinig

"Oo Joana may iba na akong mahal" parang nanghina ang tuhod ko, at biglang bumilis ang tibok ng puso at siya namang pag agos ng mga luha ko, ito naman diba ang gusto kong marinig.

Hindi ako nakasagot. "I'm sorry" yun lang ang sinabi niya at umalis na. Sa halos apat na taon naming pagsasama eh ganun nalang kadali yun..

Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang di ako makahinga na nanghihina ang buong katawan ko. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo, hahabolin ko sana si Michael at pakiusapang baka maayos pa ang relasyon namin, hindi ko kaya parang mamatay ako sa sakit. Habang tumatakbo eh nagfaflashback lahat ng masasayang araw naming dalawa, simula nung nagkakilala kami hanggang sa panliligaw niya, mas lalo akong naiyak sa mga alaalang yun,

Hindi ko makita masyado ang daan dahil sa luha ko, nang biglang bumagsak ako at nakita kong bumagsak din ang isang babaeng nakabanggaan ko, wala akong lakas para tumayo, humagolgol nalang ako sa iyak.

"Miss okay kalang, sorry ah" parang nag slowmotion siya, ang paghangin ng mahaba niyang buhok, ang ganda naman ng babaeng to, tsaka bago ang mukha niya ngayon ko lang nakita dito,

"Miss sobrang sakit ba? Sorry ha, nasugatan kaba? Dadalhin kita sa ospital, mukhang sobrang nasaktan ka dahil sa pag iyak mo" pagtatayo niya sa'kin.

"Ang sakit talaga, ang sakit talagang maiwan ng boyfriend at sabihing hindi na ikaw ang mahal niya" nakaawang ang bibig niyang nakaharap sa akin.

"Sorry, kaya kaba umiiyak?" Tumango ako,

"Gusto mong dalhin muna kita sa apartment ko, jan lang sa may unahan..para naman magamot yang konting sugat sa siko mo" may sugat pala ako? Di ko namalayan.. dahil siguro mas masakit ang puso ko kesa sa sugat na natamo ko.

Sumunod nalang din ako sa kanya pero nagtaka ako eh papunta din to sa apartment ko.

"Wait, san ba apartment mo?" nagtataka na kasi ako, kaya tinanong ko na.

"Dito oh" turo niya katabi ng apartment ko.

"Eh dito lang din ako eh, bago ka ba dito?" Tumango siya tsaka ngumiti. Para namang model ng toothpaste tong kaharap, kung maka smile perfect eh.

"Ahy..Mara nga pala" nagshakehands naman kaming dalawa.

"Joana" pagpapakilala ko

"Ano ba kasing nangyari sayo" ayun kwenento ko sa kanya ang nangyari sa ex bf ko, na iniwan ako dahil may mahal ng iba.

"Okay lang yan may dadating din para sayo, yung hindi kana iiwan" siguro nga, madaling sabihing okay, para sa totoo lang ang sakit sakit ehh.

Ilang araw ang nagdaan eh lagi kaming nagsasama ni Mara, siya yung taong papatawanin ako, lalo na pagnakikita niyang malungkot ako. Yung tipong isang tawag mo lang nasa tabi na agad, yung nagcocomfort sa akin kung umiiyak ako, hanggang sa sobrang close na nga kami. Siya yung naging sandalan ko sa lahat ng sakit na nadaram ko. Si Mara ang naging daan kaya ako naka move on sa Ex ko

One shot stories (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon