My Ex-boyfriend's Bestfriend

9.1K 76 5
                                    

Claire's POV

"Hoy claire ayan na yung boypren mo hahaha!" Tawanan ng mga kaibigan kong si Lyn at Zy.. Btw i'm a bisexual..
Hindi ko naman talaga gusto si Joey napagtripan lang kasi ako nitong mga kaibigan ko..dahil sa pagiging babaero niya nagpustahan kami..Siyempre pag mapaibig ko tong si Joey may 4k ako haha at nanalo nga ako.. Ang problema ngayon ay paano ko ito hihiwalayan..

"Tara!" Sabi ni Joey..
"Saan?" Never akong naging sweet sa kanya..
"Papakilala kita sa Bestfriend ko" ngiti niya.. Mukhang seryoso ang gago..
"Sino?" Tanong ko dahil wala naman akong pakialam kung sino yung mga kaibigan niya..
"Si Mimi..dba kwenento ko na sayo yun" haha oo nga pala..hindi kasi ako nakikinig pag nagkwekwento siya sareh naman..
"Oh okay!" Nagpaalam na ako sa mga kaibigan kong abot tenga ang ngiti imbes na tulungan ako kung paano hiwalayan ang gago..

Pumunta kami sa isang Mall dun daw kami makikipagkita kay Mimi..nakaka eww lang kasi may pahawah hawak pa sa bewang ko..

"Ayun siya?" Tinuro niya ang babaeng nakaupo sa mcdo.. Ehh bat ang pangit ng bestfriend niya..akala ko ba hilig sa magaganda ito..
Lumapit kami at nilagpasan ang babaeng akala ko'y bestfriend niya..natabunan niya pala ito haha..sareh na!

Natulala ako ang ganda niya..maputi abot balikat ang buhok at simple lang ito.. Ngumiti ito kung saan nakita ang dimple niya..

Pinana ata ni kupido ang puso ko..
"Mi..si Claire yung sinasabi ko sayo.. Girlfriend ko" pakilala ni Joey.. Nagbeso beso naman kami at ang bango niya..
"Hi claire.. Ang ganda mo naman kaya pala nainlove sayo tong mokong nato" sabi ni Mimi na hinampas pa si Joey sa braso
"Salamat..ikaw din naman sobrang ganda" ngiti ko..ngiting ewan haha! Kinikilig ata haha
"Ahm wait lang bhe order lang ako" umalis si Joey at kami lang naiwan ni Mimi..parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.. Ang ganda niya talaga..
"Ilang taon kana mimi" pagsisimula ko..
"22 eh ikaw?" Ngiti niya
"16" sagot kong nakangiti
"Haha di nga" hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya at sa dimple niya..
"Hehe 23 talaga.." Sagot ko..
"Akala ko kasi 24" biro niya..
Nagtawanan kami..
"Labas tayo minsan Mi" sabi ko haha da moves mga ateng..
"Sure..text moko" binigay niya din naman ang number niya..

"Okay tnx.. By the way may boyfriend ka?" Deretsahang tanong ko..
"Haha wala eh" tumingin siya kay Joey na paparating..

"Parang close na agad kayo ah" sabi ni joey na binigay ang Chicken sandwich at spaghetti ko..
"Thanks Jo" sabi ko..

Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyonan narin naming umuwi..gusto pa sana akong dalhin ni joey sa bahay nila pero hindi na ako sumang-ayon tsaka ayokong makasama siya..
"Gusto ko na kasing magpahinga Jo" palusot ko naman
"Ah okay Bhe.. Nextym nalang" sagot niya
"Hatid na kita.." Di parin ako tinatantanan..
"Okay lang Jo..kaya ko na..tsaka samahan mo nalang si Mimi pauwi" dahil kung hindi ako sasama jan..haha
"Hindi wag na.. Sabay na ako sayo Claire" sabi niya..aba'y sineswerte ka nga naman..
"Ay oo nga pala Bhe..malapit lang ang bahay ni Mimi sa inyo" paliwanag ni Joey..
"Ah ok..tara" nagpaalam kami kay Joey bahala na siya sa buhay niya haha

"Ahm pagod kana ba?" Tanong ko kay mimi
"Hindi pa naman bakit?" Sagot niya..
"Gusto ko pa kasi tumambay eh" sabi ko
"Akala ko ba'y pagod kana?" Tanong niya
"Haha wala lang mas gusto kong makalanghap ng sariwang hangin" pero ang totoo gusto ko lang siyang makasama
Hinawakan ko siya sa mga kamay at hinila..
"Saan?" Tanong niya
"Sa tabing dagat.. Malapit lang naman sa atin kaya wag kang mag alala" kindat ko sa kanya..ngumiti din naman siya..

Nakarating kami sa tabing dagat.. Umupo kami sa isang tabi kung saan di kami maaabot ng tubig..

"Claire.." Tumingin ako sa kanya..
"Hmm?" Sagot ko..
"Mahal mo ba si Joey?" Tanong niya..
"Ba't mo natanong?" Sagot ko..
"Kasi nakikita ko sa mga mata mo na parang hindi" sabi niya..habang nagdadrawing ako sa buhangin ng kung ano ano..
"Ganun ba kahalata mi?" Tanong ko sa kanya..
"Claire mabait si Joey kung makikilala mo lang siya..kahit babaero yan..mapagmahal din yan.." Alam kong nasaktan siya para sa bestfriend niya
"Mi sorry.. Gusto ko naman din hiwalayan si Joey hindi ko lang alam kung paano.. Napag pustahan lang kasi namin siya dahil nga sa pagkababaero niya" paliwanag ko naman..alam kong mabait na tao si Mimi at alam kong may gusto rin siya kay Joey..
"Sabihin mo ang totoo sa kanya Claire..yun lang...seryoso sayo si Joey..tsaka habang bago pa sabihin mo na ang totoo..wag mong paasahin ang tao" sagot niya..
"Katulad ng pagpapaasa niya sayo?" Tanong ko..hindi siya sumagot..
"Gusto mo si Joey Mi?" Tanong ko ulit..
"Oo claire..pero hanggang doon lang yun..mas gugustuhin kong maging bestfriend niya lang dahil alam kong doon lang ang kaya niyang ibigay" malungkot niyang sabi..
"Ganito nalang..sasabihin ko ang totoo kay Joey pero.." Tumingin siya sakin..
"Pero ano?"
"Pero hayaan mo akong ligawan kita" nagulat siya sa sinabi ko..
"Yes Mi i like you the first time i saw you..knina sa mcdo.." Sabi ko..nag blush siya..haha
"Pero" sambit niya
"Oo mi.. I'm a bisexual.."
"Ahm.. Ano.. Hindi ko alam kasi hindi pa naman ako naka try ng ganito" pagpapaliwanag niya..
"Haha.. Relax ok lang.. I'll do my best to win your heart.."
"Pero kailangan mo muna sabihin kay Joey lahat" sabi niya..
"Yes i will.. And after that.. I'll court you"..hiniwakan ko ang mukha niya..
"Let's try" sabi niya..
"Thank you" niyakap ko siya..
"Tsaka maganda ka rin naman.." Dugtong niya..

Plano kung sabihin kay Joey bukas na bukas para naman matapos na din ang lahat..ayoko ring nangloloko ng tao..
Hinatid ko si Mimi sa kanila bago ako umuwi ng bahay..

Tinawagan ko si Joey na magkita kami sa starbucks ng 11 ng umaga..sasabihin ko ang lahat sa kanya..

"Bhe" bati niya ng pagdating ko..hindi ako sumagot..
"Jo may sasabihin ako" seryoso kong sabi..
"Ano yun..dapat ba akong kabahan?" Tanong niya..
"I'm sorry Jo.. Ganito kasi yun Jo.. Ahm ano kasi" di lumalabas sa bibig ko kinakabahan ako..
"Ano Claire?" Parang naiirita niyang sabi..
"Hindi talaga kita gusto..pinagpustahan kalang namin ng mga kaibigan ko" nagulat siya sa mga sinabi ko at may namumuong galit sa mga mata niya..
"Sorry Jo..tapos na tayo.. Ayokong lokohin ka.." Sabi kong sobrang kabado..
"Ayaw mong lokohin ako? Haha nagpapatawa kaba claire? Ginawa mo na! Kung kailan seryoso na ako sayo.. Eto pa ang mapapala ko.. Well salamat kasi ito na ang kapalit lahat ng mga panggagago ko" tumayo siya akmang aalis na..
"Congrats Claire..nice game" tuluyan siyang umalis naisubsub ko nalang sa mga palad ko ang mukha ko.. Mali ko rin naman kahit ganoon siyang tao may puso din naman yun.. Bakit pa kasi ako sumang-ayon kina Lyn at Zy..

Tinawagan ko si Mimi pero hindi siya sumasagot..

"Mi..nasabi ko na kay Joey ang lahat naaawa ako sa kanya..puntahan mo siya mi please" text ko sa kanya

"Tinawagan niya ako Claire magkasama kami ngayon..i'll talk to you later kita tayo sa tabi ng dagat" reply niya..

Sana naman maging okay na si Joey..hindi ko inaasahang mapatawad niya ako sa ginawa ko pero sana makahanap siya ng babaeng mamahalin siya at mamahalin niya rin..

Alas 6 ng hapon nagkita kami ni Mimi
"Mi kumusta si Joey" tanong ko..kahit paano nag alala ako sa kanya
"Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa isang babae Claire" lungkot na sabi ni Mimi..
"I'm sorry" wala akong ibang masabi nagsisisi ako sa mga nangyari..
"Tapos na ang lahat claire wala na tayong magagawa" malungkot niya ring sabi..
"Masakit makitang ganoon si Joey..Claire..mahal ko yung bestfriend ko na yun.." Sabi niya
"I'm sorry Mimi nagsisisi ako sa ginawa ko.." Hindi na siya sumagot..ngumiti siya sakin..
"Atleast nakilala mo ako" alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko
Hinawakan ko siya sa kamay.
"Nagbiro kapa talaga" sagot ko..
"Totoo naman!" Sabi niya
"So gusto mo rin ako?" Tanong ko at hinarap ko siya..
"Haha let's see.." Tumawa siya
"Ang ganda mo talaga..sarap mo halikan" sabi ko..
"Ano? Di kapa nga nakakapang ligaw hahalik kana agad" kinurot niya ako sa pisngi..
"Bakit di pwede?" Tanong ko..
"Hahaha hindi" sagot niya

"Court me!"sabi niya
"I will court you forever!" Haha ang corny pero sweet nag blush si Mimi pagkasabi ko nun..



Thank you for reading..
Please comment if you want part 2 nagdadalawang isip pa kasi ako haha!
Please vote pleassse.. Thankies😘
Please read My ongoing story HATE THAT I LOVE YOU!
And my firs ever completed story LOVE HAS NO GENDER..

One shot stories (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon