[[ JASMIN'S P O V ]]
Totoo ba? Totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi? Hindi kaya nanaginip lang ako? Kung totoo nga yun, ibig sabihin, gusto din ako ni Xander. Waaaaa!!!! :""> di padin ako makapaniwala!! Kung panaginip lang lahat ng yun, ayoko na sanang magising.
(─‿‿─) <---- Haaay... anong oras na kaya? Tinatamad pa akong bumangon. Gusto ko pang alalahanin ang mga nangyari kagabi....
*FLASH BACK
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Xander. May gusto ba talaga sya sakin o nagbibiro lang ito? Sana totoo. Pero nung hinawakan nya yung kamay ko, nakaramdam ako ng assurance. Sinamahan pa ng ngiti nito na para bang sinsabing magtiwala ka sakin. So, yun nga ang ginawa ko. Magtitiwala ako kay Xander dahil mahal ko sya. Hindi ko alam kung pano at kung bakit ko sya minahal dahil sa chat lang naman kami madalas nakaka pag usap eh. Basta alam ko at sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kaya itataya ko na to.
"Sige po. Kung yan ang gusto nyo. Kayo po muna ang liligawan ko bago si Jasmin. At pag ok na po ako sa inyo at blessing nyo na. Saka ako magsisimulang manligaw." yan ang mga salitang binitawan ni Xander kay Lolo Willy. Protective si lolo sakin kaya ganun nalang sya kung makapag react kay Xander. Pero alam ko at nakikita kong may tiwala ito dito, kagaya ko. Gusto lang talaga nito subukan ang katatagan ni Xander.
Hihi! Na eexcite na tuloy ako sa mga ipapagawa ni Lolo kay Xander. ^__^
Pagkatapos ng DOUBLE DATE namin, ay nagpahuli ang dalawang oldies.
"Mauna na kayong dalawa sa pag uwi at kagabi na din." wika ni lolo will
"At hoy, lalaki! Iuwi mo ang apo ko ah! Wag na kayong gumala pa. Kung ayaw mong managot sakin." dagdag na wika pa nito.
Nakangiting sumang ayon si Xander. ^‿^ "wag po kayong mag alala Lolo Will. Ihahatid ko po agad si Jasmin pa uwi."
Habang sabay kaming naglalakad pa uwi. Pareho kaming tahimik.
◔_◔ <---- Xander
◑.◑ <----- Me
At nung nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. . .
"Uhm.. a-ano, cge Xander. Pasok na ako. Salamat!"
Aktong papasok na ako ng bahay at tatalikod na, bigla nyang hinawakan yung braso ko. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Jasmin, sandali."
"A-ano kasi eh. Uhm... "
◐.̃◐
Haay, ano ba kasing sasabihin nya? Sabihin mo Xander. Pinapakaba mo ko eh -____-"
"Gusto kong malaman mo na, totoo lahat yung narinig mo kanina. At gusto kong linawin sayo. Gusto kita Jasmin. Hindi ko alam kung pano, kailan at kung bakit. Basta ang alam ko lang. Lagi kitang naiisip. At kapag hindi kita nakakachat, namimiss kita lalo. Gusto kong malaman mo na seryoso ako na manligaw sayo. Wag ka sanang mabigla ---- "
![](https://img.wattpad.com/cover/1119276-288-k473026.jpg)
BINABASA MO ANG
Online Love
JugendliteraturMaari kaya yun? Ang ma-inlove sa taong nakilala mo lang ONLINE? Love nga bang maituturing ito? kung hindi mo pa naman nakikita at nakakasama sya sa personal?