Chapter 15 ~ The Opposer

998 18 12
                                    

A/n: 

GUYS, MINSAN MINSAN NALANG PO AKO MAKAKAPAG UPDATE . SORRY KUNG NABIBITIN KAYO =)))) PAG MADAMI AKONG TIME DADAMIHAN KO ANG UPDATES ^__^

_______________________________________________________________________________

[[ JASMIN'S P O V ]]

1 HOUR LATE na si Xander sa meeting place namin.

Hindi naman sya dating ganito eh. Never nya akong pinaghintay. Siguro importante talaga ang ginawa nya kaya sya na late ng ganito?

Excited pa naman ako kasi nga sasagutin ko na sya.

Wrong timing ata ako. Baka may importante syang ginagawa ngayon at naistorbo ko pa.

Next time nalang kaya? Pede naman bukas ko nalang sya sagutin eh.

Msg: Xander, next time nalang pala, baka may importante ka pang ginagawa eh. Sige ingat! :))

Pagka txt ko sa kanya, umalis na ako.

Kaso, biglang umulan ng malakas . Ayun stranded ako -___- wala pa naman akong dalang payong. Hayyy, hihintayin ko nalang tumila ang ulan.

[[ XANDER'S P O V ]]

Msg: Xander, next time nalang pala, baka may importante ka pang ginagawa eh. Sige ingat! :))

Nag txt si Jasmin. Patay! Oo nga pala. Magkikita kami ngayon. 

Na guilty tuloy ako. Nakalimutan ko yung usapan namin. 

At oo nga pala, Si Mamu! Lagoooooooooot!!

Sabi ko kasi saglit lang ako eh. Andito ako ngayon sa isang coffee shop kasama si Breeana. Sya pala yung babae na nakabanggaan ko kanina at natapon sa damit nya yung coffee nya kaya ayun binili ko sya ng damit at nag request din ito na mag coffee muna kami saglit.

Since an tagal ni Mamu, nagpaalam muna ako saglit. Kung hindi pa nagtxt si Jasmin, di ko namalayan na halos isang oras na din pala ang nakakalipas. 

"Ah sige Bree, mauna na ako. Naghihintay na kanina pa sa akin si Mamu eh." - Me

"Hahaha! Hanggang ngayon ba naman Xander, Lola's boy ka pa din?" - nang aasar na sagot nito.

"Hindi ah! >.< " - sagot ko. 

"HAHAHAHA!!! UYYY! Defensive ;) " - Bree

"Bahala ka nga dyan. Sige mauna ako. " - me. Hayy nako. Hanggang ngayon lakas pa din talaga nyang mang asar. Alam naman nya na ayokong tinatawag akong lola's boy eh!!

Online LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon