Chapter 17 ~ Arranged Marriage? What?? O.O

1.3K 26 20
                                    

A/N:

GUSTO KO NANG SIMULAN YUNG MASASAKLAP NA HAPPENINGS. HEHE, KAYA NAG UPDATE NA AGAD AKO. ^___6 DI KASI ALL THE TIME DAPAT HAPPY, MAS MAGANDA KUNG MAY TRAGEDY DIN DIBA? :)))) BTW. SUPEERRR THANKS SA MGA PATULOY NA SUMUSUBAY BAY SA ONLINE LOVE.

SIGURO SA ENDING NITO, BAKA MAISIPAN KONG ILAGAY KUNG SINO SI XANDER TALAGA. HAHAHA!!! YUNG NAGING DAHILAN KUNG BAKIT KO NASULAT TONG ONLINE LOVE ^___^ NAGING SUPER CRUSH KO KASI SYA NUNG UNA KO SYANG MAKITA SA FB. HEHE! 

____________________________________________________________________________

[[ JASMIN'S P O V ]]

2 WEEKS AFTER naging kami ni Xander.

Wala na siguro akong mahihiling pa. 

Ang saya pala ng feeling pag inlove ka♥

 Lolo Will is also doing fine with Mamu. Ang torpe pala ng Lolo ko. Kasi hanggang ngayon, di pa din sya makapag propose kay Mamu. Para maging officially yours na din ang drama nila katulad namin ng Babe ko ^___^

Pero napansin ko lang, ilang araw na medyo malalim ang iniisip ni Lolo eh. Tinanong ko naman si Mamu kung nag away ba sila or something, pero hindi naman daw. At okay na okay sila.

Feeling ko lang ha, may alam yung dalawa na yun na ayaw nilang sabihin samin ni Xander. Kung meron man, Ano kaya yun?

Haaayyy! Ayoko na isipin!! @_@ 

Oo nga pala! Mamaya na ang dating dito nila mom and dad sa mansyon. :O

Kinabahan ako. Pero hindi naman dapat. Ewan ko ba, basta kinakabahan ako. 

Siguro kasi, di pa nila alam na may boyfriend na ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hello mom! Hello dad!" - bati ko sa parents ko sabay halik sa pisngi nila.

Ayan na. Dumating na sila, at sinalubong namin sila ni Lolo.

Si Lolo, walang imik. Seryoso lang yung mukha nya. Di naman sya ganun eh. Masayahing tao si Lolo. Hindi din ba sya masaya sa pagdating nila mon and dad? 

"Baby girl, I missed you :* " - si mommy yun.

"Mom! stop calling me baby!" - naka ingos kong sabi. Palibhasa kasi, madalas kang wala kaya di mo napapansin na nagmamature na ako. (ு८ு)

Online LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon