Chapter 5 ~ Why so cold? :(

1.4K 19 11
                                    

[[ XANDER'S P O V ]]

Bakit parang feeling ko, ang cold na ng trato nya sakin? 

Hindi naman ako manhid. Kaya kahit sa chat lang kami nakakapag usap madalas ni Jasmin, napi-feel ko din na may iba. May nagbago. Minsan nalang kami makapag kulitan sa chat, at parang wala syang gana pag nakakausap ko. Nag aalala na ako sa kanya. May problema kaya si Jasmin ngayon? Gustuhin ko man na puntahan sya, para ma comfort sya, pero... ang layo nya kasi eh. Sana malapit ka nalang sakin Jasmin . . . 

[[ JASMIN'S P O V ]]

I'm sorry Xander. . .

Siguro, napapansin nya din ang cold treatment ko sa kanya simula nung umeksena si Dexter sa storyang to. Naguguluhan kasi ako. Alam ko, at nararamdaman ko na noon na may pag tingin na ako kay Xander. Kahit na sa chat ko lang sya nakilala. At lalo na nung time na accidentally, nagkita kami. Feeling ko, destined na kami para sa isa't isa. Pero nagulo lahat yon nung dumating si Dexter. At lalo na nung nagtapat sya sakin ng feelings. Lalo akong naguluhan kung sino ba talagang gusto ko? o(╥﹏╥)o 

Kung kayo po ang nasa kalagayan ko, sino ang mas pipiliin nyo, ang taong sa chat mo lang kilala at isang beses mo pa lang nakakasama pero iba na ang naging impact sayo. At oo nga pala, hindi pa nya sinsabi kung may gusto din ba sya sakin -___-    ...... or, ang taong matagal mo nang kilala at ngayong muli syang bumalik ay nagtapat sayo na matagal kana pala nyang gusto at hanggang ngayon na kayo ay nagkita ulit ay hindi padin nababawasan ang pagmamahal nya para sayo?

Sabi nga nila, piliin ko daw yung gusto ko. Eh pano kung pareho silang gusto? :((( Ang hiraaaap!!!

Ah! alam ko na. Magf-fb nalang ako para mawala kahit sandali sa isip ko silang dalawa! :D Tama! eto naman ang madalas ko gingwa eh, through my posts and status, nailalabas ko ang mga gusto kong ilabas na emotion na hindi ko mailabas dito sa real world. Ayoko namang mag open kay mom, ang dami dami pa nung itatanong at ayoko ng madaming paliwanag. Kay dad naman, busy yon sa trabaho. At wala naman akong kapatid na pwede kong pagsabihan ng secrets. Nag-iisa anak lang ako eh. So, big big THANK YOU talaga kay fb, kay twiiter at kay tumblr! :D

Status update: Confused! :(

*post *click!

Sabay log-out. Tinatamad ako mag internet. -___-

Online LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon