---------------------------
Chapter 03
5am palang, nagising na ako. Maaga kasi namalengke si Mama tapos yung tindahan namin, binuksan ko saglit. Sayang ang kikitain. Monday pa naman. Hindi na ko nakapag-jogging kasi wala si Lolo eh. Gustong gusto ko na syang dalawin sa Ospital pero baka raw mamayang gabi, makauwi na sya. Hintayin ko nalang. 8am pa naman ang pasok ko sa school kaya naglinis muna ko dito.
Nagpatugtog pa ko ng KPOP songs para ganahan akong kumilos.
"Wow! Fantastic baby, dance!" Oh yeah! Di man ako magaling sumayaw, magaling naman ako kumanta. Hahaha. Bigbang to dude!
Habang nagwawalis sa bakuran, ginagawa kong mic yung walis. Feeling concert lang. Hahaha. Lagpas tao naman yung bakod namin kaya di ako makikita sa kabaliwan ko.
"Boomshakalaka!"
Natapos ang oras. 6:30 na. Isinara ko na ulit yung tindahan namin. Naligo na ko at ready na pumasok.
Pagdating ko sa school...
"A-ano to?" Mahina kong nasabi nang makita ko ang isang poster sa may bulletin board.
'ULTIMATE FANGIRL FAN CLUB
SIGN UP NOW!'
"Anak ng--" naputol ako sa pagsasalita ng biglang dumating si Matilde.
"Psh, di ka pwede mag-sign up sa minamanage kong fanclub! Pag nakilala ko si Miss UFG, ipapabugbog kita!" Umirap sya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ah talaga? Sige lang! Saksak mo sa baga mo yang Ultimate Fangirl mo!" Nag-smile lang ako sa kanya at tumalikod na.
"Fan ko pala. Tss, hihi." Mahina kong ibinulong.
"What did you say?" Tanong ni Matilde.
Tinitigan ko lang sya ng masama. Inirapan nya ko at umalis ng nakadarag.
"Hahahaha." Natawa lang ako kasi... duh?! Fan ko si Matilde?! Yuck! Haha. Pero nakakatawa lang. Di nya alam na ako si Miss UFG tapos hahanapin pa daw nya ko para ipabugbog sa sarili ko?! Hahaha. Laughtreeeep!
*kring kring kring
Start na ang klase.
"Good Morning class." Bati nung first subject teacher namin.
"Good morning Miss." Sagot namin in chorus.
"Have you heard the news about Ultimate Fangirl?" Eh? Pati ba naman si Teacher? Nakikiride?
Nagkaroon ng maraming comments at commotion sa classroom. Even si Teacher, fan ko. Lahat ng comments nila, magaganda. Kahit pano, natutuwa naman ako marinig yun. Ganito pala kalaki ang epekto ng issue na yun.
Bigla kaming nagkatinginan nila Marj at Ayen. Sabay sabay kaming tumawa sa ingay ng klase about kay UFG.
"Maam, I heard na she's matangkad po!" Sabi ni Jane, classmate ko na chismosa. Hahaha, ako? Matangkad?! Putek lang!
"Really? Sabi naman nung isang news, she's very pretty daw and super angelic ang face!" Sabi naman ni Carlo. Uh-oh. Cute lang ako, okay?
"Sa interview kay Dandelle, sinabi nya na he's very attracted to UFG! Ay! Kainggit!!!!" Sabi naman ni Jocelyn. Attracted? Sakin? San nya sinabi yan? Kailan? Papanuorin ko sa youtube! Imposible kaya! Napaka-plastic naman nya! Ni-ha at ho, wala nga syang sinabi sakin eh. And sorry, I don't like him.
Natapos yung klase namin na puro si UFG ang pinag-uusapan. Pambihira.
Nung breaktime, nagpunta kami nila Marj at Ayen sa eatery ni Mama.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Fangirl [INC]
RomanceFandom, Shippers, Bias, KPOP... Lahat ng mga lukaret na Fangirls dyan, pinapangarap na makayakap or kahit mahawakan man lang ang mga bias nila. Diba? Nangyari na ba sayo yung napilitan kang maging fan ng isang tao dahil papatayin ka ng mga kaibigan...