-------------------------
Chapter 10
"Sorry talaga napasarap kasi ang kwentuhan kagabi nila Tito at Mama eh. Di na ko nakapunta. Sorry~"
[Haay! Ikaw talaga Truteez! Puro kanta pa naman ni Dandelle ang pinapatugtog kagabi sa Dance Ball! Ano na nga pala balita sa movie?]
Ang sabi ni Dennis oppa, okay lang naman daw malaman nila Marj at Ayen ang tungkol sa shooting. Ok daw yun para di ako maging loner.
"Sa summer vacation, sakto magsisimula na yung shooting. Di ko lang alam kung saan yung lugar."
[Sana available ako nun!]
"Ha? Bakit? Busy ka sa summer?"
[Magbubukas na kasi kami ng clinic sa Japan. Ayun, pupuntahan namin.]
"Wow. Sige, goodluck sa business nyo."
[Ewan ko ba kina Mommy! Gusto ko sanang sumama sa taping mo eh. Pati si Ayen, aasikasuhin yung derma clinic nila sa America.]
"Eh? Iiwan nyo ko pareho? Wag ganun."
[Ayoko din naman eh. Tss. Yaan mo, pipilitin kong umuwi ng maaga tapos kahit may jetlag ako, dederetso ako sayo!]
"Talaga? Pramis?"
[Promise! Kahit saan pa yan Truteez!]
"Sige. Hehe. Sabi mo yan ah."
Ang daya naman. Baka mabaliw ako dun. Mga alien tiyak ang salita. O.P. to the highest level ako sa shooting nito! Potek.
[Yep! Oh teka, maalala ko lang. Sino ba yung kausap mong magcommercial noon?]
"Commercial?"
[Yeah! Nung hinahanap natin si Ultimate Fanboy? Yung kausap mo na magcocommercial?]
Ay! Si Dandelle yun! Palusot please?!
"Ay, taga parlor yun! Sa may kanto lang. Sosorpresahin ko nga dapat kayo ni Ayen eh tapos ayun. Nagkasabit sabit na. Haha."
Biglang sumilip si Dandelle sa front door. Nasa terrace kasi ako. Nag hand sign lang sya ng 'come on'.
Tinakpan ko ang mic sa phone ko para hindi ako marinig ni Marj.
"May kausap ako! Mamaya na!" Pabulong kong sinabi.
"Tignan mo! Bilisan mo!" At pumasok na ulit si Dandelle sa bahay.
Inilagay ko sa tenga ko ang phone ko.
"Hello, sorry truteez, ang kulit kasi nung alaga kong paniki! Ikinulong ko lang. Hehe."
[Eew! Kadiri talaga yang alaga mo! Pakawalan mo na yan! Bilhan kita ng Cat, diba love mo yun?]
Yaman! Bibilhan talaga? Tss.
"Hindi na. Hehe. Tipid kasi alagaan ang mga paniki. Kahit bulok na fruit, kinakain." Pakainin ko nga kaya si Dandelle ng bulok na prutas?
[See? Mas lalong nakakadiri! Yuck! Bye na nga! Mamaya nalang tayo ulit usap. Pakainin mo na yang alaga mo.]
"Bye."
Kadiri daw si Dandelle. Pft--Hahaha. Nakakatawa! Sasabihin ko naman sa kanila na nakitira si Dandelle dito eh. Pag natapos nalang yung movie kasi baka madagdagan ang paniki sa bahay. Malalantod na paniki hahaha. Love you Marj and Ayen!
"Oo nga pala." May naalala lang ako bigla. Ano kayang kailangan ni Dandan?
Pumasok ako sa loob ng bahay... Nakita ko sya na nakaupo sa harap ng PC. Tutok ang mata nya sa screen.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Fangirl [INC]
RomanceFandom, Shippers, Bias, KPOP... Lahat ng mga lukaret na Fangirls dyan, pinapangarap na makayakap or kahit mahawakan man lang ang mga bias nila. Diba? Nangyari na ba sayo yung napilitan kang maging fan ng isang tao dahil papatayin ka ng mga kaibigan...