05 The Ultimate Fangirl Chapter 05

50 3 0
                                    

---------------------------

Chapter 05

Akala ko sya yung nakasakay sa fettucini car? Bakit nandito sya?

"God! Can we go to the car first? We're damn wet!" Mataray na sinabi ni Dandelle at hinila ako ng mabilis papasok sa Gray Van na nakaparada sa may tapat ng waiting shed.

Ito yata yung gray van na lumiko sa kanto namin kanina. Oo nga! Ito yun! Kung nandito si Dandelle? Sino yung nag-drive nung astig na car?

"Ayssi! Climate change..." sinabi ni Dandelle pagkapasok nya sa Van at umupo sa driver seat. Basang basa sya.

"HUY! NA-CARNAPPED YUNG FETTUCINI!!!" Niyugyog ko pa si Dandelle sa kinauupuan nya.

"Hey! Calm down!!" Tinapik nya yung kamay ko na nasa balikat nya.

"CALM DOWN?! EH NATANGAY NA YUNG KOTSE MO! DALI! HABULIN NATIN!" Sabay turo ko sa way nung astig na car.

Pinagpag lang nya ang buhok nya gamit ang mga kamay nya.

Takte! Wala ba syang pake?! LUXURY CAR YUN AH?!

"Huy!" Sabay palo ko sa braso ni Dandelle.

"Aw! What??"

"Yung kotse mo! Di namin babayaran yun pag nawala! Bahala ka!"

"Fine then! Shut up, it's not missing! Ok? I told Dennis to bring this van here and pick my Lamborghini back to hotel so we-- tsk! Basta!" Hinawakan ni Dandelle ang batok nya.

"Ahhhh... gets ko na. Mabuti naman! Mamaya manakaw pa dun samin yang attention seeker mong kotse noh! Eh kanino naman tong van na to?"

"Mine."

"Sayo? Pft- parang babae ang may ari eh. Puro stuff toys pa. Wag ka nga!"

Tinitigan lang ako ni Dandelle ng masama pero mabilis din syang bumaling ng tingin sa labas.

"Tsk." Inistart nya yung van at nag-drive.

"Huy! S-sandali! Bakit ka bumabalik sa bahay?" Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot. Magkasalubong lang ulit ang kilay nya. Napakasungit nyang tignan pag magkasalubong ang kilay!

Nagdrive sya papasok sa kanto namin. Hindi pwede! Pupuntahan ko talaga ang mahal kong Lolo!!! Walang makakapigil sakin!

"Hinto!! Bababa ako! Pupunta ko sa Lolo ko! Ngayon na!" Seryoso kong sinabi.

"Shut up." Nagdrive parin sya.

"Sabing HINTO eh!"

Hindi sya sumagot at hindi din nya hininto ang Van.

"Ayaw mo ha," sinubukan kong buksan yung pinto pero bigla syang nag-brake. Takte! Muntik na kong mauntog!

"Ano ba?!" Inis kong tanong at tinitigan ko sya ng masama.

"Stop acting like a kid! We will go to your Lolo but change your clothes first, idiot!" At nag drive na ulit si Dandelle papunta sa bahay namin ng hindi tumitingin sakin.

Ay, oo nga nuh. Basa pala kami. Tinignan kong mabuti yung damit ko. Basang basa nga. Pati yung upuan ng Van, nabasa na.

Paghinto ng Van sa harap ng gate namin, binuksan ko kaagad yung pinto at tumakbo papasok sa gate. Sumunod naman si Dandelle. Ang lakas ng ulan! Sobrang basa na kami. Pagpasok ko sa bahay, dumeretso ako sa kwarto kong totoo. Kumuha ako ng bagong set ng damit. Blob short at sweater.

Pagharap ko sa pinto, papasok naman si Dandelle.

(0___0)

Topless sya. Tinanggal nya yung blue shirt nya na nabasa kanina sa ulan. Ang... sexy lang. May 6 pack abs sya. Walang bahid ng bilbil.

The Ultimate Fangirl [INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon