------------------------------
Chapter 15 - Ultimate Hug
"Nandito ba sya sa suite? Ha? Uy!" Patuloy ako sa pangungulit ko kay Dandelle.
"Aniyo, nasa Studio sya." Sagot nya.
Nandito kami sa elevator. Ewan ko kung saan naman kami pupunta kasi ang alam ko, sa 26th floor yung suite eh. Bakit sa 29th floor kami ngayon?
"Saang studio naman?" Kinalabit ko pa ng mahina yung balikat ni Dandelle.
"Tsk, ang kulit!" Sabay pagpag nya sa balikat nya. Psh, arte!
Ay teka! Hindi nga pala kami bati ah! War kami diba?! Diba?!
Bigla akong nag-step ng malaki sa kanan para maka-distansya kay Dandelle.
Napalingon sya sakin. Nagbuntong hininga sya. After nun, wala nang nagsalita samin hanggang sa makarating kami sa 29th floor.
Sinundan ko lang si Dandelle sa paglakad. Pumasok sya sa isang room, oh syempre pumasok din ako.
"Annyeong haseyo!" Isang gwapong gwapong super angelic guy ang sumalubong sa amin ni Dandelle...
Oh my... Sya na toh! Ang one and only super duper bias ko... Si Leeteuk!!! Kyaaaa!
Ang ganda ng smile nya. OMG! Nasaan yung pupil ng eyes nya? Ha? Wow! Super chinito!!! Pero... Bakit ganon?
"He said, Good afternoon." Sabi nung lalaki na nasa tabi nya. Interpreter sya.
"Hi there buddy! So, this is Mara, my girlfriend." Umakbay bigla si Dandelle sakin.
Nanlaki ang mata ko bigla. Tinignan ko lang si Dandelle.
"Anong-- anong girlfriend?! Utot mo!" Siniko ko si Dandelle ng mahina.
"O sige, mukhang kailangan ko na i-logout toh." Bulong sakin ni Dandelle.
Oo, nandito si Leeteuk, pero hindi personal. Naka-Skype kami. May interpreter sa tabi ng laptop. Akala ko nandito talaga sya sa Pilipinas! Anyare? Pero okay lang. Ang cute nya oh. Napangiti ako sakanya. Nag-smile back sya na medyo confuse ang expression. Kahit thru online ko lang sya makita at makausap, sobrang saya ko na!!!
"Wag!... ... Grr! Kasi naman eh! Baka akalain nya, totoo yang sinasabi mo!" Pabulong pero gigil kong sinabi kay Dandelle.
"Better." Nag evil smile si Dandelle.
Nag-Korean na yung interpreter. Nagna-nod lang si Leeteuk. Ayan! Yung dimples nya oh! Ay! Ang gwapo talaga!
"Oh! Congratulations!" Bati ni Leeteuk at naka-smile sya kay Dandelle.
Hala! Ano ba yan! Akala nya totoo! Eew! Kaderks! Yaki!
Hala, nag korean na rin si Dandelle. Oh wala na kong na-gets! Peste! Siniko ko nalang ng mahina si Dandelle habang naka-smile.
"Ene beng peneg-eesepen nye? Heh?!" Naka-smile ako habang sinasabi yun kay Dandelle para di mahalata ni Leeteuk.
Nag smile lang sakin si Dandelle. Medyo plastik pero gwapo parin. Hay! Pisti ka! Wag mo kong ngitian ng ganyan! Nakaka-akit!
"Akala ko ba, sya ang magpa-piano?" Bulong ko muli kay Dandelle.
"Nope, sya ang nag-arrange pero ako ang magpapiano."
Ahh... Kuha ko na. Feeling ko, inuto lang ako ni Dandelle. At ako naman, uto-uto to the highest level! Tss.
"Kainis, gusto ko pa naman mag-selfie kasama sya." Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Fangirl [INC]
RomansFandom, Shippers, Bias, KPOP... Lahat ng mga lukaret na Fangirls dyan, pinapangarap na makayakap or kahit mahawakan man lang ang mga bias nila. Diba? Nangyari na ba sayo yung napilitan kang maging fan ng isang tao dahil papatayin ka ng mga kaibigan...