11 The Ultimate Fangirl Chapter 11

47 2 0
                                    

---------------------- 

CHAPTER 11

Napapaisip lang ako hanggang matapos ang klase. Sino ba yung Kit Salcedo na yun? Saka bakit ganun? Kilala nya ko? At yung sinabi nya... 'Sana maalala mo ako.'

"Huy!!" Pinitik ni Ayen ang noo ko.

Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Himala! Di nila kasabay ngayon ang mga boyfriend nila.

Hinimas ko ang noo ko.

"Ha?" Sabi ko.

"Tignan mo, hindi naman pala nakikinig satin to, Marj." Tinulak ako ni Ayen ng mahina.

"Naka shabu ka?" Joke ni Marj.

"Hindi... Eh ano ba? Bakit?"

"Tsk, kasi may transfer student. Taga-section 1 sya. Nabanggit samin ni Lee at Chael na pinagtatanong nya kung kilala nila si Mara Sarmiento." Explain ni Marj.

"Ahh... Sino ba yung transfer?" Tanong ko.

"King ba?" Di rin sure si Ayen.

"Ken yata?" Sabi naman ni Marj.

"Wala akong kilalang King at Ken. Tss. Baka ibang Mara Sarmiento yun?"

"Eh basta, Salcedo ang apelyido nya." Sabi ni Ayen.

"SALCEDO?" Napalakas pa ang boses ko.

"Oo, bakit? Know mo na?" Sabi naman ni Marj.

Naalala ko, yung lalaki kanina sa hagdan. Si Kit Salcedo!

"Kit Salcedo ba ang full name nya?" Tanong ko.

"RIGHT!" Sabay nilang sinabi.

"Hala..." Tanging nasabi ko.

"Bakit bebe gurl? Anong meron? Nagkita na ba kayo?"

"Kilala mo sya truteez?"

"Hindi eh. Ewan ko ba. Kanina kasi nagkita kami sa hagdan eh."

"Oh? Ano, gwapo ba?" Tanong ni Marj.

"Ay grabe, gwapo talaga agad ang tanong?" Sabi naman ni Ayen sabay tingin kay Marj.

"O sorry.. Kunyare ka pa eh yun din naman ang gusto mong itanong." Sagot ni Marj kay Ayen.

"May point ka. So ano? Gwapo?" Si Ayen naman.

Tinaasan ko lang sila pareho ng kilay.

Tumaas din ang mga kilay nila. Hinihintay ang sagot ko.

"MARA!" May tumawag sakin mula sa likod nila Marj ay Ayen.

Sinilip ko. Takte! Tumingkayad pa ko kasi matangkad sakin si Marj at Ayen.

"Ayun sya oh." Mahina kong sinabi sa dalawa.

Lumingon sila. Sakto naman na papalapit si Kit sa kinatatayuan namin.

"So, nabasa mo na ba?" Naka-smile na tanong ni Kit.

"Ha?... Ay, hindi pa." Sagot ko.

Tinutukoy nya yung stationery na binigay nya kanina.

"I see... Basahin mo sa bahay nyo ah? Please?" Nag-puppy eyes pa si Kit.

Awww, ang cute nya! Chinito!! Nickhun na Nickhun! Nakakatunaw ng puso yung pagpa-puppy eyes nya. Hampasin ko to!

"Hehe. Sige, sa bahay nalang." Sagot ko. Mahirap mag-NO sa kacute-an ni Kit.

"Yehey!"

Ay wagas matuwa! Para syang bata.

"Ehem!" Si Marj yun.

The Ultimate Fangirl [INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon