09 The Ultimate Fangirl Chapter 09

46 2 0
                                    

--------------------------- 

Chapter 09

Pumasok si Ayen at Marj sa bahay. Nakatago pa nga sa likod ko kasi takot sa paniki.

"N-nasan yung bat mo?" Tanong ni Marj.

"Hinuli ko na." Nag fake smile ako.

"Okie! Pabihis naman sa kwarto mo!" Paalam ni Marj at palakad na sya papuntang kwarto ko.

Ha? Hindi pwede! Tumakbo ako sa pinto ng kwarto ko at hinarang ang katawan ko sa pinto.

"K-kwarto?! Ay naku! Dyan ko nilagay yung paniki ko. Prefer nya kasi Aircon kaya yun. Sa CR ka nalang. Hehe."

"Aigoo! Sosyal ng paniki na yan ah. Sige, sa CR nalang ako." Nagpunta ng CR si Marj.

"Kanino to bebe girl? New phone mo?" Hawak ni Ayen ang iPhone ni Dandelle.

NI DANDELLE?! Ano ba yan?! Nakakalat kasi sa sala eh! Paksyet!

"Ohohoho. Akin yan! Akin nga. Padala ni Papa. Kahapon lang." Kinuha ko kay Ayen yung phone.

"Naks! Sweet ni Papa mo ah! Naka wallpaper ka pa. Ang cute mo talaga matulog! Hmm.." Kinurot ni Ayen ang pisngi ko.

Wallpaper?

Tinignan ko yung phone ni Dandelle. Nanlaki ang mga mata ko. Kelan nya kinunan to?

"WAAH!" Biglang sumigaw si Marj mula sa banyo.

Nagkatinginan kami saglit ni Ayen at agad na tumakbo sa CR.

"BAKIT?" Sabay naming tanong ni Ayen.

"Kaninong brief yan?" Tanong ni Marj.

Sabay sabay kaming nag-blush. Paksyet! Naiwan ni Dandelle yung pinagdamitan nya sa banyo sa pagmamadali. Ok, ano naman ang ipapalusot ko dito?

"Kanino yan bebe girl?" Tanong ni Ayen.

Alam ko na!

"Tsk, kay Lolo yan. Pasensya na kayo. Kakaalis lang kasi nya, nagpunta kina Tito Rico. Nagmamadali kaya naiwan dyan. Excuse me." Pumasok ako sa banyo at kinuha yung pinagbihisan ni Dandelle.

Inilagay ko sa kwarto ni Lolo yun. Dun muna.

"Hay, sorry! Napatili pa ko, di kasi ako sanay." Sabi ni Marj.

"Ok lang." Sabi ko. Nag smile nalang ako.

"Anyway, sino ba yung partner mo sa ball?" Tanong ni Ayen sakin.

"Huh? Eh si Marj ba?" Binalik ko yung tanong kay Marj.

"Si Lee ng 4-1. Yung Mr. Holy Angel 2014." Sagot ni Marj.

"Ako si Michael ng 4-1. VP ng Sports club." Sagot ni Ayen. Uy, ang galing kong cupid!

"Ako? Hehe. Wala..." Sagot ko.

"HA?! BAKIT?" Sabay nilang sinabi.

"Hindi ka papapasukin pag wala kang partner." Sabi ni Marj.

"Hindi ako makakapunta. Sorry." Yumuko ako.

Isip! Isip!

"K-kasi, pupunta ko kina Tito Rico, b-birthday nya."

"Ayun lang pala eh, humabol ka nalang bebe girl!" Inakbayan ako ni Ayen.

"Oo nga! Ihahanap ka namin ng partner paghabol mo!" Si Marj.

"Di mo pwedeng mamiss ang huli nating ACQUAINTANCE party together! Habol ka ha!" Kinurot ni Ayen ang pisngi ko.

The Ultimate Fangirl [INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon