---------------------------
Chapter 04
Minsan mabait, kadalasan may saltek. Yan si Dandelle Young.
Natapos na ang klase namin sa umaga. Lunch break na kaya nandito kami nila Marj at Ayen ngayon sa eatery ni Mama. Namimili na kami ng kakainin.
Iniisip ko lang, nakauwi kaya ng maayos yung Lamok na yun? Baka maligaw sa daan eh di naman nya kabisado tong lugar namin! Ay tama!
Matawagan nga.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at idi-nial ang number kanina na ginamit ni Dandelle pantawag sa akin. Lumayo ako sa dalawa. Baka malaman nila na nasa amin si Dandelle, naku po! Malaking gulo yun pag nagkataon.
*Dialing: Lamok...
*Ring ring ring
[WHERE'S MY LUNCH?]
Inilayo ko ang tenga ko sa speaker ng phone ko.
"Wag ka nga sumigaw!" Putek, nasapian na naman ng masamang espirito si Lamok. Makautos ah!
[I'm starving! You didn't left any lunch in the fridge!]
"Tungek! Ang dami daming mailuluto dyan!" Laking pasalamat ko narin at nakakaintindi si Dandelle ng tagalog. Mas mahahalata ako nila Marj at Ayen pag nag-english ako.
[Are you kidding me?! I don't know how to cook! Get back home and bring me some lunch or I will go out to buy my lunch and you'll be dead?]
"Tinatakot mo ba ko?"
[No, I'm giving you options. Fine, I'll just buy my lunch outs--]
"TAHIMIK!" Napalakas ng konti ang pagkakasabi ko. Pinapainit na naman ni Dandelle ang ulo ko! Pag lumabas sya, patay kami ni Mama. Sabagay patay din sya pero mas lugi kami ni Mama. Ibinilin sya samin ni Dennis! Argh! Hindi ako magpapatalo sa Lamok na to! He want war? I'll give him war! No surrender!!! Fighting!!!!
[What?]
"Papunta na ko dyan! Manahimik ka sa bahay! Wag kang aalis dyan o papatayin kita?! Kuha mo?"
Hindi ko na sya hinintay na sumagot. Agad kong hinanap si Mama. Ayun sya sa counter!
"Mama, dadalhan ko lang ng lunch yung--" naputol ang paalam ko kay Mama.
"Sino? Saan ka pupunta bebe girl?" Tanong ni Ayen na nasa likod ko na pala.
"Ha? Ano, y-yung... ahm, ano tawag dun?! Ah, y-yung pet ko! Oo, yung pet ko! Diba Mama?" Palusot ko.
"Pet?" Naguguluhang tanong ni Mama. Pinandilatan ko ng mata si Mama at nagwink ako ng dalawang beses.
"Ay! Oo! Yung bago mong pet! Oh sige, bilhan mo ng food tapos dalhin mo narin tong ibinalot ko kay LOLO mo." Hay salamat! Na-gets din ni Mama. Kumuha sya ng paper bag at sinimulan na ilagay ang lunch ni Dandelle dun.
"Anong pet? Bakit kagabi wala pa naman yun ah." Tanong ni Ayen.
"Ano, kakahuli ko lang kagabi eh. Nung makaalis kayo... PANIKI." Sagot ko. Potek! Anong paniki? Sino bang baliw ang mag-aalaga ng paniki? Yun ang lumabas sa bibig ko eh. Naman!
"YUCK! I did not know na mahilig ka sa Nocturnal creatures? Itago mo yung paniki na yan pag nagpunta kami nila Marj at honey ko dun ah? Kadiri eh." Nakangiwing sinabi ni Ayen. Mukha syang natatae.
"Oo eh. Hehe. Ngayon ko lang din nalaman na gusto ko pala sila. Teka, sinong Honey?" Tanong ko kay Ayen. Sino naman yun?
"E di si Dandelle!" Pabulong nyang sagot.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Fangirl [INC]
RomanceFandom, Shippers, Bias, KPOP... Lahat ng mga lukaret na Fangirls dyan, pinapangarap na makayakap or kahit mahawakan man lang ang mga bias nila. Diba? Nangyari na ba sayo yung napilitan kang maging fan ng isang tao dahil papatayin ka ng mga kaibigan...