Search

56.4K 1.4K 31
                                    

Chapter 9:

Catriona's POV:

Dahang dahang niyang binabasa ang sulat galing sa korte na magkakaroon na sila ng hearing dahil sa petisyon niyang buksan ulit ang kaso ng Papa niya.

Kaya naman ngayon, ay kailangan niya ng abogado, pero sino?

Hmm..si Christian?

Pero ang huling naalala niya dito ay intimidated ito kay Navarro, sigurado siyang matatakot ito.

Pati nga siya eh, pero hindi naman niya maiwasang hindi kiligin sa mga sinabi nito, kung nagkaiba lang siguro ng sitwasyon niya ngayon at sitwasyon nito ay siguro halos magtatalon siya.

Pero hindi eh.

Wala na, may kamay na ang pagkatao ng Papa niya sa lipunan, na mundo ng mapanghusgang mga tao.

Bumuntong hininga siya.

Wala na ba siyang magagawa?

Inilabas niya ang wallet at inilabas niya ang business card na binigay ni Christian.

Wala na siyang choice at-

Teka?

Law student siya, kung may magagawa siya, iyon ay ang tulungan si Christian at matutulungan silang dalawa sa pagpapalaya sa Papa niya.

Napangiti siya.

Tama!

Mabilis niyang tinawagan si Christian at magpapaliwanag siya dito ang tungkol sa nangyari nung huli.

"Hello, Ahm..Chris? Si Catriona 'to pwede ba tayong mag usap?" Atubiling sabi niya.

"Sure! I mean s-sure, saan mo ba gustong mag usap?" Narinig niyang sabi nito sa kabilang linya.

"Sa coffee shop na lang nung last?" Sabi niya.

"Sige, why not! Uhm, what time?" Tanong nito, nakagat niya ang ibabang labi, mukha nga yatang may crush ito sa kanya, excited kasi ito masyadong nakita siya, at bakit naman sino ang marunong bibigyan siya nito ng libre at walang bayad dito kung hindi naman ito public attorney.

Pero kailangan niyang kumapit sa patalim at gamitin ito, bigla tuloy siyang tinamaan ng guilt, nag isip siya, lagi na lng niya sigurong sasabihin dito na kaibigan lang ang tingin niya dito, at may gusto siyang iba.

Iba?

Si Navarro na 'yan! Tudyo ng isip niya.

Umiling siya, crush lang niya ito.

"Catriona?" Untag sa kanya ng nasa kabilang linya, namula siya, oo nga pala nasa linya pa si Chris.

"Sorry! Nag iisip lang kasi ako ng sasabihin mamaya sa'yo" Hingi niya ng paumanhin, sana paniwalaan siya nito sa palusot niya.

Bakit ba naman kasi lagi na lang sumisingit sa isip niya si Navarro eh.

Tumawa ito ng saglit.

"It's okay Cath"

"Sige, ahm, mga four pm na lang?" Sabi niya dito.

"I'm there four pm, sharp"

Nagpaalam na din siya at binasa ang isang journal para sa kasong konektado sa kaso ng Papa niya.

Nang sumapit na ang alas tres pasado ay naghanda na siya para pumunta sa usapan nilang lugar at oras.

Nang dumating siya doon ay nakita niyang nakaupo na sa isang mesa si Chris, namangha siya, wala pang alas kwatro pero nandito na ito.

Beautifully Damaged: Navarro (Obsessive Compulsive)completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon