Sweet Revenge (mild spg)

67.1K 1.6K 47
                                    


Chapter 13:

Catriona's POV:

Hindi niya alam kung bakit pero parang down na down ang pakiramdam niya.

Bumuntong hininga siya at nagpalit ng pambahay, maninipis ang mga iyon at komportableng isuot, saka siya humiga sa kama niya, muli na naman na pumunta ang isip niya sa lalaking pinuntahan niya kanina, hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa sabihin ng mga sinabi nito kanina.

..this isn't a good bye..

Ano kaya iyon?

Akmang kukuha siya ng libro ng makarinig ng parang may kumakatok sa pinto.

Sino naman kaya iyon? Nagmamadaling tumakbo siya at hindi na niya naisuot ang salamin at dumiretso siya para tingnan ang taong kumakatok sa pinto na parang wala nang bukas na dadating.

Nang sumilip siya ay patda siya sa nakita, binuksan niya iyon at bago pa siya nakapagsalita ay pumasok na ito at madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Kahit na mukha itong galit ay ang gwapo talaga nito.

Galit?

"Anong kailangan mo?" Kunwari galit niya ding sabi.

"Let's talk" pinal na sabi nito.

Anong problema nito?

"No" masungit niyang sabi.

"Ang bilis naman ng 'this isn't a good bye mo' ", patuloy niya at ginaya pa niya kunwari ang ekspresyon at boses nito nung sinabi nito iyon kanina.

Lalong nagtagis ang mga bagang nito at wala kung ano ano'y hinila siya nito bigla sa bewang.

Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakalapit ng katawan nila.

"Don't used that smart mouth on me, let's go" sabi nito at bago siya nakapiyok ay bigla siyang kinarga nito na parang isang bagong kasal, dahil sa pagkabigla niya ay hindi siya nakapagprotesta agad agad, at mabilis siyang naibaba nito sa kotse nito at saka ito umibis at saglit pa ay napaandar na nito ang kotse at saka sila umalis doon.

"Navarro anong problema mo!" Sigaw niya dito pero nanatiling nasa daan ang mga mata nito.

"Ibaba mo nga ako!" Sigaw niya pero lalong bumilis ang takbo ng sasakyan nito.

"Ano ba! Nakikinig ka ba!" Sabi pa rin niya, naguguluhan siya kasi kanina ay ayaw siyang pansinin nito ngayon naman at parang ayaw siyang maalis sa mga mata nito, ano bang nangyayari?

"Ipara mo!"

"WILL YOU SHUT YOUR MOUTH, AT BAKA KUNG HINDI AKO MAKAKAPAGPIGIL, I WILL KISS YOU!" Sigaw nito sa kanya sa pinaka nakakatakot nitong boses.

Natameme naman siya.

Mukha itong inis na inis, ano bang nangyayari dito?

Hanggang sa nakarating sila bahay nito at gaya ng kung gaano siya unang binuhat nito.

Naguguluntang siya, ano bang nangyayari?

Ibinaba siya nito sa sala at akmang tatakbo siya paalis doon ay nahuli na nito ang braso niya.

Tapos ay napasinghap siya dahil hinihila na siya nito papunta sa kwarto nito

Mahigpit ang hawak nito sa braso niya, at medyo masakit na iyon.

"Navarro! Ano bang ginagawa mo! Bitiwan mo nga ako! Nandidiri ako sa hawak mo!" Sigaw niya habang inaalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya.

Beautifully Damaged: Navarro (Obsessive Compulsive)completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon