Chapter 9: Mind Your Own Business

1.2K 52 18
                                    

Chapter 9: Mind Your Own Business




[Kyllie's POV]


"Ms. Martinez napag-usapan na natin to diba?"


"Pero sir, si Kevin na po mismo ang nagsabi na kaya na niya mag-isa at hindi na niya kelangan ng guidance ko." tama yan Kyllie mag po ka at matuto kang gumalang. Daanin mo si Sir sa hypnotizing "po" powers mo! XD Bwahaha >:D


"Ms. Martinez!" binigyan ako ni Sir ng warning tone.


"Sir naman eh. Pag hindi ako nakagraduate, hindi ako makakapag-aral; pag hindi ako nakapag-aral, hindi ako makakatapos; pag hindi ako nakatapos, hindi ako makakapagtrabaho; pag hindi ako nakapagtrabaho, hindi ako makakabili ng pagkain ni Pishie; pag hindi ako nakabili ng pagkain ni Pishie, magugutom siya; pag nagutom siya, mamatay siya; pag namatay siya, hala ka sir mumultuhin ka niya dahil ikaw daw ang puno't dulo ng lahat." pagbabanta ko with matching index finger pa na parang nagsasabing "lagot ka".


"Haay nako Ms. Martinez, ang laki-laki mo na naniniwala ka pa sa multo? And worst is sa multong isda pa?"


"Sir naman ee! Aso si Pishie, hindi isda! Bakit ba lahat kayo sinasabing isda siya?! Pishie ang name niya at hindi Fishy!" oops! Mukhang napalakas boses ko. Si Sir naman kasi ee, ayaw magpa-hypnotize. Pakipot pa!


"Ms. Martinez, kung tapos ka na, you may now go. Madami pa akong aasikasuhin."


"Sir, sige na naman po oh. Baka may iba pang choice?" *insert puppy eyes here*


"Hmmm." nilagay niya ang hinututuro niya at hinlalaki sa baba na wari ba'y nag-gegentleman este nag-iisip.


"Meron pa naman." biglang lumiwanag ang mukha ko at nagsparkle ang mga mata na para bang nakakita ng mga bituin. Ngunit bigla iyong nagdilim at nanlumo sa sunod niyang sinabi. "Kung hindi mo gagawin ang inuutos ko, it's either hindi ka gagraduate or kung gusto mo magdrop-out ka nalang para wala ka ng hirap."


"Sir," I closed my eyes and took a deep breath to calm myself, "Alam niyo po kasi, hindi niyo maaring pilitin ang isang tao sa bagay na hindi niya naman gustong gawin. Kaya nga po ang bawat tao ay binigyan ng sariling kamay at paa; mata, tenga at bibig; at higit sa lahat, puso at utak upang gamitin sa paraang gusto nila at hindi sa gusto ng iba. Kaya nga po may kasabihang 'Mind your own business' kaya po please sir. Pagbigyan niyo na po ako."


"Alam mo Ms. Martinez, hindi porket nasaktan ka noon ay susuko ka na at hindi na susubok pang muli. Alam kong may pinagdaanan ka kung kaya't ayaw mo sa mundo at ang gusto mo ay lagi ka lang nag-iisa. Tandaan mo Kyllie, no man is an island. Hindi pwedeng habang buhay mong haharapin ang mga pagsubok ng mag-isa. Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaibigan Kyllie... Eh ano naman kung iwan ka nila? Hindi porket ginawa nila yun ay ibig sabihin hindi ka na nila mahal at lahat na ng mga makikilala mo ay ganun din ang gagawin sayo. Walang permanenteng bagay sa mundo Kyllie, dadating ang panahon na kekelanganin niyo ng maghiwalay upang mabigyan kayo ng pagkakataon na makatagpo ng mga bagong kaibigan at magkaroon ng mga bagong karanasan. Tandaan mo, lahat ng bagay na nangyayari ay may magandang rason. Mabuti man o masama ang pangyayaring iyon, may rason ang lahat ng iyon Kyllie kaya wag kang matakot na sumubok muli." seryosong-seryoso ang mga mata ni Sir pero ang pinagtataka ko lang...


Paano niya nalaman ang tungkol sakin?


-------


Break time na namin kaya't naisipan kong maglakad-lakad. Habang naglalakad ako, napapasisip ako sa mga sinabi ni Sir. " Tandaan mo, lahat ng bagay na nangyayari ay may magandang rason. Mabuti man o masama ang pangyayaring iyon, may rason ang lahat ng iyon" May rason? O sige nga, anong rason at iniwan ako ng mommy ko?! Anong magandang rason niya dun?! "Eh ano naman kung iwan ka nila? Hindi porket ginawa nila yun ay ibig sabihin hindi ka na nila mahal at lahat na ng mga makikilala mo ay ganun din ang gagawin sayo." Iniwan nila ako dahil wala na silang pakealam sakin. Dahil kung mahal talaga nila ako, hindi nila ako hahayaan sa ere... ng mag-isa. "Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaibigan Kyllie." Alam ko Sir dahil minsan ko na rin yang naranasan. Pero alam mo din ba na sobrang sakit sa pakiramdam na sa isang iglap, bigla na lang silang mawawala na parang bula, ni hindi man lang sila nagbigay ng warning para sana napahalagahan mo na ang mga natitirang segundo na magkasama kayo diba?


My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon