Chapter 3: Is This The End?

2.8K 55 5
                                    

Chapter 3: Is This The End?




[Kyllie's POV]


Pagkadating niya sa table namin, umupo lang siya dun habang may yelo parin sa bibig. Inantay niya lang ako matapos kumain. Haha. Body guard ko lang ang peg niya? O baka naman may pinaplano rin siyang revenge?


Nung nagbell, sabay na kaming pumasok sa room. Actually, hindi sabay kasi asa likod niya ko then nauuna siya. What a gentle dog!


"Sumabay ka mamaya sakin sa condo ko." seryoso niyang sabi then umupo na sa seat ko na pagmamay-ari na niya ngayon.


"Sumabay ka mamaya sakin sa condo ko."


"Sumabay ka mamaya sakin sa condo ko."


"Sumabay ka mamaya sakin sa condo ko."


"Sumabay ka mamaya sakin sa condo ko."


My jaw dropped ng maabsorb na ng utak ko yung sinabi niya. Ohmy! What the? Ako sasabay sakanya sa condo niya? Ano gagawin namin dun? Oh no! Bata pa ko at hindi pa ko ready.


Umupo ako sa bago kong seat at nakatingin lang sa likod niya. I can't believe it! Gagawin na ba namin yung toot-toot thingy na yun? How come? Eh hindi nga kami magkakilala. O baka naman ipapatay niya ko tas ipapatapon nalang sa ilog dahil sa mga kalokohan ko? Edi tapos na ang storya pag namatay ako?


Ayoko pa! Pero ano gagawin ko mamaya?


Aha! Alam ko na. Pagkatapos na pagkatapos ng klase tatakbo na agad ako at tatakasan ko siya.


Dumating na kami sa last subject at kabadong-kabado ako. Dati gustong-gusto ko na matapos ang klase pero ngayon parang aya--


*Riiiiiiiiiiiiing*


Patay!


Class dismissed na. Gusto kong tumakbo but I'm rooted to the ground. Hindi ako makagalaw. Pano nalang ang pinakaiingatan ko?


"Oh ano pang tinutunganga mo diyan? Tara na." masungit niyang sabi at hinila na niya ako sa wrist ko.


"Te-teka lang. A-ano ba gagawin natin dun?"


"Basta. Saglit lang to. May importante lang tayong gagawin. At saka, hindi naman yun masakit noh."


"Huwaaaaaaaat!?"


"Bulag ka? Katabi mo lang ako kelangan mo pa talaga sumigaw?!."


"Bahala ka diyan, gawin mo mag-isa yan."


"Pano ko yun magagawa mag-isa? Kelangan dalawa tayo dun. Yun yung sabi ni ma'am." aba't nagtanong pa siya kay ma'am tungkol dun? Nakakahiya siya.!!

"Ayoko. Bata pa ko."


"Ako din naman ha? Age doesn't matter naman ha?" naguguluhan niyang tanong.


"Suotin mo na to. Dali." hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa parking lot at inaabot niya sakin yung helmet.


Tinitigan ko lang 'to. Hindi ko alam gagawin ko. Kukunin ko ba? Pag kinuha ko 'to, siguradong wala na kong takas. Ready-to-run na ko ng biglang...


"Naku. Wag mo susubukang tumakas. Kailangan na to bukas." bah! At may deadline pa talaga siya?


Kinuha niya yung bag ko na ikinagulat ko.


My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon