Chapter 6: Tangirl

2.3K 49 11
                                    

Chapter 6: Tangirl

[Kyllie's POV]

"Mali nga kasi! Umiiba yung tono mo sa part na to!" tinuro ni Kevin sa screen ng laptop niya ang part kung saan "daw" nagiiba ang tono ko.

Ayoko na siya tawaging palaka. Nakakadiri kasi. Saka yung palaka, code name ko lang naman yun sakanya dahil hindi ko alam ang totoo niyang pangalan. Pero don't worry, pag tatawagin ko siya, "Hoy!" ang sasabihin ko at hindi Kevin. :P

"Ugh. Tama na nga yun eh. Ba't ba ang kulit mo?!" andito kami ngayon sa field. Pinapasok niya talaga ako ng maaga para daw makapagpractice pa kami. Hindi kasi kami nakapagpractice kagabi dahil nakatulog ako sa kanta. Paggising ko, nasa bahay na ako at may nakita nalang akong note sa mini table ko na nagsasabing agahan ko daw ang pasok ko. Syempre hindi ko na lang yun pinansin pero tinulak ako ni kuya Micco papuntang banyo, tatanungin ko pa nga dapat siya kung anong ginagawa niya sa bahay ko. Pero ang sabi niya lang bilisan ko daw dahil nga susunduin na daw ako ni Kevin within 10 minutes. Oyy, wag niyo bigyan ng meaning yun. Susunduin daw niya ako dahil nga dito sa lechugas na practice na to! Buti naman hindi na motor gamit niya, kotse na. Mga mayayaman talaga oh!

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" natauhan ako ng biglang nagsalita si Kevin.

"Hindi malamang. Narinig mo ba akong nagrerespond?!" hindi po yan sarcastic. I'm just telling the truth. Hindi talaga ako nakikinig sakanya. Busy ako sa pagkukuwento sainyo kung ano ang nangyari kagabi.

"Ulitin nga natin from the top!"

"Ulit na naman?! Nakakailang ulit na tayo ha?!" kanina pa kami nandito at hanggang ngayon wala pa kaming natatapos na isang buong kanta dahil puro ulit.

"Ayusin mo kasi kung ayaw mong umulit!"

"Bwiset! Inaayos ko naman ha?!"

"Lagyan mo nga kasi sabi ng emotion! Ok?!"

"Anong gusto mo umiyak ako dito?! Eh hindi naman nakakaiyak yang kantang yan ha?!"

"Hindi ka pa siguro nagkakaroon ng besfriend! Sabagay, sino ba namang tatagal sayo?"

"As if naman ikaw meron. FYI (For Your Information) lang po, wala ding tatagal sayo! Napaka-impatient mo!"

"Sino ba naman kasing magkakaroon ng pasensya sayo?! Hindi ka naman nakikinig eh!"

"Ewan! Bahala ka sa buhay mo! Good-bye!" kinuha ko ang bag ko at umalis na. 7:55 palang. Ibig sabihin may 5 minutes pa bago magring ang bell.

Makapaggala nga muna. Maghahanap ako ng mapagtitripan.

"Hoy panget na pandak na maraming pimples na negra na tagabundok na nerd!" tawag ko sa nakasalubong kong nerd na nilampasan lang ako.

Wala sa sinabi ko ang totoong nagdedescribe sakanya maliban sa nerd. XD!

Lumingon siya sa akin.

"Anong kelangan mo?"

"I just wanna play with you dear." nilagay ko ang ilang strands ng buhok niya na nakatakip sa kanyang mukha sa likod ng tenga niya.

"Please, ayoko ng away."

"Pwes ako meron at ako gusto ko ng away." ngumiti ako ng mapang-asar.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Oops. Looks like you're saved by the bell. Well then, goodbye! See ya later!" sinagi ko siya ng malakas na dahilan ng pagkalaglag ng mga libro na hawak niya. Buti lang yun sakanya.

-------

"Ok class. I want you to form two lines and then go to the--" hindi na natapos ni Ma'am Mendrez ang sasabihin niya dahil bigla nalang may umepal na late student. MAPEH time na namin kaya si Ma'am Mendrez na ang aming teacher.

My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon