Chapter 4: First Kiss

2.7K 70 12
                                    

Chapter 4: First Kiss

[Kyllie's POV]

Dinilat ko ang mga mata ko at may nakita akong puting ilaw.

Err.. Asan ako?

Nasa langit na ba ako? Edi ibig sabihin napatawad na ko sa dami ng mga kasalanan ko?

Huhu. Naiiyak na ako sa tears of joy.

Ang bait talaga ni Lord. Pinapasok niya parin ako dito sa dami ng kasalanang nagawa ko since the day I was born.

So I guess, mahirap man para samin ni Miss Author na sabihin na dito na nagtatapos ang storya, kailangan namin itong gaw--

"Sa wakas, after 1000 years, nagising ka rin!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses in a sarcastic way and at the same time parang naiinis.

Eh? 1000 years, edi dapat gunaw na yung mundo nun diba? Tsaka nagising? Ibig sabihin wala pa ko sa langit? Sayang naman!

So asan ako? Hospital?

O.O

Ibig sabihin naaksidente kami?!

Ang tanga naman kasi ng driver ko! Bibilisan yung takbo ng motor, hindi naman pala marunong mag-ingat!

Inikot ko yung paningin ko sa kisame. Bakit yung kisame hindi naman parang pang-hospital?

"Natulala ka sa kisame?" sabi ulit ng pamilyar na boses.

Tiningnan ko ito at nagsisi ako na lumingon pa ako.

Nakita ko si.. err.

Hanggang ngayon pala, hindi ko pa din alam pangalan niya. Sige, bigyan nalang natin siya ng code name: Palaka.

Palaka na, hindi na doppelganger kasi narealize ko na patay na si Lance at hindi na siya magkakaron ng doppelganger kaya palaka nalang.

Why palaka? Kasi inggiterong palaka siya. Gaya-gaya ng mukha ni Lance.

Binalik ko na ang tingin ko sa kisame dahil baka mainis lang ako kasi siya may kasalanan at nadisgrasya ako.

"Swerte mo naman! (w/sarcasm) Ikaw may kasalanan kung bakit ako andito sa hospital pero ikaw, wala kang galos!" sinabi ko yan sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

Silence...

Silence...

Silence...

"Pfffft."

Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Baka naman natatawa siya kasi nga ako lang nadisgrasya samantalang siya ni kongting galos hindi mo makikitaan.

"Itawa mo na yan. Baka kung ano pang amoy ang umalingawngaw dito na ikakamata---"

At tumawa na siya ng tumawa with matching hawak pa sa tiyan niya. Kanina pa ko neto tinatawanan ha?! Pigilan niyo ko! Magugulpi ko to ng di-oras.

Tiningnan ko lang siya dun ng masama at sa wakas, after another 1000 years of waiting,

nagsalita na rin siya.

"Joker ka ba?" sabi niya yan habang hinahabol pa ang hininga niya at patawa-tawa pa.

Pick up line ba yun? Magsasalita palang ako ng 'bakit?' nang nagsalita ulit siya.

"Oy. Alam ko sasabihin mo. Tatanungin mo ko kung bakit. Ang lufet mo din pare, tinatanong kita tas sasagutin mo ko ng bakit. Tanga lang? Hahahahahahah" at tumawa na ulit siya habang tinatap or should I say hinahampas ako sa balikat?

My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon