Chapter 10: Nerd to Princess

669 26 1
                                    

Uwaaaaaaaa ! May readers pa po ba ako ?  XD Haha , tagal ko ng di nakapagupdate -_-

Ngayon nalang po ulit, dami kasing school works ee :( BTW, namiss ko to pati kayo. Pramis!

haha .  mag 30-30 k na tayo! push naten to! XD ^o^

Chapter 10: Nerd to Princess

[Reign's POV]

(a/n: Sa mga hindi po nakakaalala kung sino si Reign, siya po si Tangirl.)

"Umm. Excuse me po." tawag ko sa babaeng nakasalubong ko.

"Ano ba?!" galit na tanong nito. Mukhang bagong gising. Di bale na nga lang.

"Ah wala wala po."

"Istorbo!" rinig kong bulong nito bago siya tuluyang umalis.

9 am na at kanina pa akong 8:30 paikot-ikot dito sa subdivision nila Kyllie. Ang hirap naman hanapin ng bahay nila. Dahil na rin sa pagod, umupo muna ako sa tabi ng gate ng isang bahay. Hingal na hingal akong umupo at wala pang isang minuto nang may marinig akong tahol ng isang aso kaya napatayo agad ako sa gulat. Nang makita ko ang aso, aww ang cute niya, pero feeling ko, anytime na lumapit ako sa gate ay susunggaban niya ako kahit na may harang. Ang sama ng mga tingin niya sa akin eh.

"Pishie Pishie!" rinig kong boses ng isang babae mula doon sa bahay.

Nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng nakashorts na maong na maiksi at checkered na blouse at naka sunglass ito.

"Pishie! Come here! Watcha doin' there?" umupo ang babae upang lumevel ito sa kanyang aso. Agad namang tumakbo palapit sa kanya ang aso niya at naglambing dito. Tumalikod na ako dahil itutuloy ko na ang paghahanap ng bahay ni Kyllie ng bigla akong tinawag ng babae. I don't really know kung ako nga ba iyon dahil ang sinabi niya lang ay "Wait!" pero lumingon na rin ako para sigurado. Lumapit sakin ng nakapameywang ang babae.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang late ka ng 4 minutes and.." tumingin ito sa relo niya "...19 seconds?" masungit na tanong nito.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang late ka ng 4 minutes and 19 seconds?"

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang late ka ng 4 minutes and 19 seconds?

"K-Kyllie?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay tinignan lang ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay umiling-iling siya, "Tsk. Tsk. Tsk. Mukhang mahihirapan ako neto."

Mahihirapaan? Saan? Feeling ko hindi magiging maganda ang araw na to. >_<"

-------

"Turn around." utos niya sakin. Kinaladkad niya ako papuntang mall at pinasok sa isang botique tapos ang dami niyang mga damit na kinuha. May balak ata siyang patayin ako sa pagod eh. Bundok-bundok ang mga damit. -_-

"Err. Ok naman siya. But sa tingin ko may mas maganda pa dun sa loob. Go change." naghand-gesture pa siya na nagsasabing pumasok na ako sa loob ng fitting room. Pang pitong pares na ng damit ito at hindi pa kami nangangalahati.

"I don't like that. Change"

"It's fine. Change"

"Change."

"Masyadong fitted. Change."

"Ayan naman medyo maluwag. Change."

"Parang ang panget ng combination ng colors. Change."

"Ok naman siya but I guess you still have to change."

"Hmmm..... Change."

Ilan lang naman yan sa mga sinabi niya sa akin.

My Childhood BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon