CHAPTER 14

74 0 0
                                    

CHAPTER 14

Good morning po, I’m Dana. Bati ko at nakipag handshake ako kay Mr. Warren Tan, ang magiging boss ko.

Good morning, have a seat. Nakangiting sabi nya sakin at pinaupo ako sa mini sala set na nasa office nya.

Naupo ako dun at tahimik. Tinitignan ko si Mr. Warren.

Where’s your letter? Tanong nya sakin..

Inabot ko sa kanya ang letter at umupo ulit.

Ahh.. ikaw pala yung nirefer sakin ni Raffy, your Prof. he said that you’re one of the best students he handled. Ngumiti sya sakin.

Hindi naman po. Nahihiya kong sabi at ngumiti ako sa kanya..

Mayamaya lang ay may kumatok nanaman sa pinto.

Come in. sabi ni Mr. Warren

Pumasok ang isang lalaki, kasing age ko lang din sya. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at nakangiti.

Good morning sir. Nakipaghandshake sya.

Pinaupo sya sa tabi ko ni Mr. Warren.

Hi. Nakangiting bati nya sakin.

Hello. Ngumiti din ako.

Russell. What’s your name?

Dana. At naghandshake kaming dalawa.

Gwapo sya at lagging nakangiti, pero syempre mas gwapo padin si Ken ko..

Alright, guys Bago ang lahat I would like to introduce myself to you. Good morning, I am Warren Tan, the Official photographer of AMC network. Ako ang kumukuha ng lahat ng photos nila sa shoot, shows, and photoshoots for the network. Both of you are very lucky, because bihira lang ang napapasok dito, at bihira lang ang nasasama sakin. Obviously you are here to be my assistants, sa loob ng tatlong buwan. Sakin kayo magoojt at ako ang magbibigay ng grades sa inyong dalawa. I am very strict when it comes to call time. Lumapits sya samin.

Napalunok lang ako sa mga sinabi nya dahil medyo kabado talaga ako..

Sa dresscode naman, kahit ano ok lang, basta yung mukha kayong tao. Ayoko sa lahat eh yung nagiinarte dahil nambabagsak ako. You will be working with the employees of this network, at syempre sa mga artista, kaya dapat maging professional kayo. Dagdag pa ni Mr. Warren

Ganito lang ang orientation ko. So if you don’t have any problems we’ll be starting our work now. Bumalik sya sa desk nya.

Ang strict nya no? sabi ni Russell sakin.

Oo nga eh. Sagot ko.

Dapat maging komportable tayo sa isa’t isa para maging maganda ang working relationship natin. Ngumiti sya sakin at iniabot ang kamay nya para makipaghandshake.

Nakipag handshake din ako sa kanya. Naisip ko na hindi magiging mahirap ang OJT ko dito for 3 months kasi mabait naman ang kasama ko.

Pagkatapos ng orientation ay nilibot kami ni Mr. Warren sa loob ng network. Pinakita nya samin ang iba’t ibang studios, at pinakilala kami sa mga employees.

Pagkatapos noon ay sinama nya kami sa loob ng isang studio.

Tinawag kami ni Mr. Warren at lumapit kami sa kanya.

Habang nagiistart ang photoshoot, be attentive dahil may mga ipapaabot at ipapagawa ako sa inyo ok?  Sabi samin ni Mr. Warren.

Pareho naman kaming tumango ni Russell at nagpunta sa may bandang gilid ng studio.

Okay, nasan na sila? Tanong ni Mr. Warren sa iba pang assistants at crew.

Palabas na po sila. Sagot sa kanya ng isa sa mga crew.

Kinuha ko ang SLR ko sa bag dahil parang gusto kong kuhanan ang first day ko sa OJT.

Habang inaayos ko ang SLR ko, narinig ko ang isan pamilyar na boses. Sir, eto na po ako si…… yan ang sabi nya at tinignan ko ang nagsasalita, parang wala na kong ibang narinig sa sinabi nya nung nakita ko kung sino ang nagsasalita….

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon