Chapter 27

50 1 0
                                    

CHAPTER 27

Dana, may naghahanap sayo. Tumingin si Russell sakin.

Lumapit ako sa pinto para tignan kung sino ang nagahahanap sakin.

Nagulat ako sa nakita ko.

Ang manager ni Ken, ang naghahanap sakin.

Can we talk. Seryosong sabi nya sakin.

Ah… tumingin ako kay Russell.

Sige na ako na munang bahala dito. Tumingin sya sakin.

Lumabas ako ng pinto at sumama sa manager ni Ken.

Alam ko na paguusapan namin ang tungkol sa issue.

Huminga ako ng malalim… dahil sobra akong kinakabahan..

Sumakay kami ng elevator paakyat sa 12th floor.

Pagdating naming sa 12th floor ay dumeretso kami sa office nya.

Binuksan nya ang pinto at chineck nya kung may nakakita ba samin..

Have a seat. Sabi nya.

 umupo ako sa upuan sa harap ng desk nya..

umupo naman sya sa upuan sa desk nya.

Wag kang magalala, walang makakaalam nito. Sabi nya sakin.

Gusto ko magusap tayo. Hindi lang tungkol sa issue, pero tungkol nadin kay Ken. I know you’re bestfriends dati pa. dagdag nya pa.

Tahimik ka lang pala no… mabuti yan dahil magkakasundo tayo. Tumingin sya sakin.

What’s your name? tanong nya sakin.

Danna po.  Sagot ko sa kanya.

Danna, alam ko na totoo na nagkita at nagkasama kayo. hanggang ngayon ay hindi namin alam kung sino ang ngapkalat ng mga pictures nayun. Probably, mga haters ni Ken ang nagsimula nito.

At dahil sa issue na to, naaapektuhan ang career nya, pati ang mga fans ni Ken at Karen nagagalit sa issue na lumalabas na ikaw ang babae ni Ken.

May s asana syang endorsement kaso nagbackout ang company. Hindi daw maganda ang pinapakitang attitude ni Ken. Alam ko kung ano yung gusto nyang ipoint out sakin.

Ano po ba yung gusto nyong gawin ko?? Mahinahong sabi ko sa kanya.

Ahh… hindi naman sa ayokong pagpatuloy nyo ang pagkakaibigan nyo, pero yung closeness nyo kasi ni Ken ay nakakasira sa career nya.  Sabi nya.

Parang sinaksak ang puso ko sa narinig ko.

Alam ko na wala ka namang ginagawang masama, pero eto kasing utak ni Ken ay naguguluhan ng dahil sayo.. pati tuloy yung career nya nadadamay.. ilang beses ko na syang sinabihan na---

Layuan ako, at wag na kaming magkita. Yun po ba?? Sumabat ako sa sinasabi nya.

oo. at kung matalik talaga kayong magkaibigan eh gagawin mo ito.. ang layuan sya..

kung concern ka sa kanya pati na sa career nya, gagawin mo to. Iha, alam ko naman na iba ang nararamdaman mo sa kanya. Sa salita at kilos mo palang nahalata ko na. kaya kung talagang mahalaga sya sayo gagawin mo ang layuan sya alang alang sa career nya. Napaka ganda ng career nya tapos masisira lang ng isang… ng isang walang kwentang issue. Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko.

Tumulo ang luha ko sa mga sinabi sakin ng Manager ni Ken.

Ang sakit, sobrang sakit.. yung sabihin nyang layuan ko si Ken..

At sabihin nya sakin yung mga salitang ako ang sisira sa career ni Ken..

Hindi man nya diretsang sinabi sakin yun pero alm ko nay un ang gusto nyang iparating sakin.

Tumayo ako.. at tumingin sa kanya..

Wag po kayong mag-alala mdali naman po akong kausap. Labag sa loob ko ang mga salitang ito, pero alam kong ito lang naman ang choice ko.

pinunasan ko ang luha ko.

Good, Salamat. Ngumiti sya sakin.

Nainsulto ako sa pagkakangiti nya sakin, pati yung tingin nya sakin.

 Wag po kayong magpasalamat sakin.. dahil hindi ko naman to ginagawa para sa inyo.  Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.

Pagkabukas ko ng pinto nakita kong nasa labas si Ken..

Nagulat ako… at naluha..

Sumunod sa pinto ang manager nya.

Ano to?!  Naiinis na sabi ni Ken sa manager nya.

Tumingin sya sakin, pero hindi ko sya matingnan..

Iniwasan ko sya at naglakad palayo sa kanila……….

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon