Chapter 34 Karen's POV

52 0 0
                                    

CHAPTER 34

Karen’s POV

Thank you Karen. Thank you so much.

Ngumiti ako sa kanya..

Tumayo na si Ken at agad na umalis sa office ni sir Tom.

Habang ako naiwan na mag-isa sa loob..

Actually, pareho lang naman kami ng sitwasyon, I love him.. but he loves someone else..

It kills me.. sobrang sakit..

Kahit na masakit sakin na marinig ang lahat ng mga sinabi nya, tiniis at kinaya ko dahil mahal ko sya.. ginawa ko lang din naman ang dapat kong gawin, dahil kaibigan nya ko.. at alam kong hanggang doon lang yun dahil may mahal syang iba, at mahal na mahal nya ito..

Saksi din ako sa mga hirap na pinagdaanan nya..

At alam ko kung gaano sya nahihirapan sa sitwasyon nya..

Pero minsan naiisip ko, n asana totoo nalang yung issue samin na kami, kasi ang sarap isipin eh.. pero ang hirap tanggapin dahil alam kong imposible..

Magka love team lang kami.. at hanggang doon lang yon..

If you only knew ken…  naluha ako sa sobrang lungkot..

Hindi parin ako umaalis sa loob ng office, dahil gusto ko munag mapag-isa..

Nagisip isip ako sa kung ano pa bang tulong ang pwede kong magawa para sa kanya..

Dahil willing akong tulungan sya kahit gaano pa ito kasakit sakin..

Di ba ganon naman pag nagmamahal ???

Kahit gaano kasakit sayo..

Kahit gaano ito kahirap sa puso mo..

Gagawin mo parin para sa kaligayahan nya..

Kahit na yung kapalit sayo luha..

At handa mo syang iparaya dahil sobrang mahal mo sya..

Handa akong isakripisyo ang sariling kaligayahan ko, para sa taong mahal ko..

Ganito ako magmahal..

Pinunasan ko ang mga luha ko at nag-ayos..

Tumayo ako at lumabas..

Siguro kailangan kong kausapin si Dana.. para matapos na….

CHAPTER 35 will be Dana’s POV : ) thanks !v

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon