Chapter 31

45 0 0
                                    

CHAPTER 31

Ready ka ba sa kung anong maririnig mo???? Seryosong tanong sakin ni Russell……

Sa totoo lang, hindi ako handa sa mga maririnig ko.. pero sinabi ko sa sarili ko na dapat kayanin ko kung ano man ang mga bagay na maririnig ko.

Tumango ako sa tanong ni Russell.

Kagaya nga po ng sabi ko, nandito ako para sabihin at sagutin yung issue na yun. Yung issue na kumakalat tungkol sa pakikipagkita ko po sa isang babae, ay totoo. Pero gusto ko pong linawin sa inyong lahat na wala po kaming kahit anong relasyon. Seryosong sabi nya.

Hindi ko po girlfriend ang babaeng yun.. ang totoo po nyan, nagkita lang po kami ng biglaan doon.. at nagkamustahan, isa lamang po syang fan na masugid na sumosporta sakin.. at yun po ang totoo.. sana po tigilan nyo na po ang issueng to dahil kawawa naman po yung babaeng nadamay dito. Sana po irespeto natin sya gaya ng pagrespeto nyo sakin..

SINUNGALING… sabi ko habang nagsusulat ako.. nabasa ng luha ang notebook na sinusulatan ko dahil sa mga narinig kong sinabi ni Ken..

Hindi ko inaasahang yun ang sasabihin nya.. na isa lang akong fan.. at biglaan lang ang naging pagkikita naming doon…

Sobrang sama ng loob ko, kaya hindi ko pingapatuloy ang pagsulat..

Ganito ba talaga pag nagaartista ang isang tao?? Kakalimutan nalang bigla ang pagkakaibigan tapos gagawa ng kasinungalingan….

Dana.. tumingin sakin si Russell at kinuha ang notebook at papel na hawak ko.

Tang ina nitong lalaking to napaka sinungaling!  Galit na galit na sabi ni Russell.

Buti nalang at maingay sa loob ng studio at medyo nagkakagulo kaya hindi kami naririnig ng mga tao.

Maraming salamat po sa pagpunta nyo dito at sana matapos na po ang issue na to. Sabi ni Ken.

Tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko..

Lahat ng media, reporter ay lumapit sa kanya pwera lang samin ni Russell.

Nakatayo lang kami sa pwesto namin..

Galit nag alit ako.. at napaka sama ng loob ko sa mga narinig ko sa kanya..

Halos hindi na nga kami nakapagpicture ni Russell dahil sa nangyari..

Nang medyo pinalayo na ang mga reporter kay Ken, ay tumingin ako sa kanya..

Napansin ko na sobrang lungkot ng mukha nya at binubulungan sya ng manager nya..

Habang binubulungan sya ay.. bigla syang napatingin sa pwesto namin..

Nakita nya ko..

Nagulat sya..

Lalo kong naramdaman ang sakit nung tumingin sya sakin..

Hinila na sya ng manager nya para umalis pero, tinapik nya ang kamay nito at nakatingin padin sya sakin..

Rus halika na.. aya ko kay Russell at lumabas na kami ng studio..

Sobrang nagmadali ako sa paglalakad papunta sa elevator.

Hindi ako kinibo ni Russell dahil alam nyang sobrang sama ng loob ko..

Nang makarating kami sa office ni sir Warren ay agad akong pumunta sa desk naming at doon ako umiyak.

Sinungaling.. sinungaling. Umiiyak na sinabi ko habang tinatakpan ko ang mukha ko.

Lumapit sakin si Russell..

Subukan nyang lumapit sayo, masasapak ko talaga pagmumukha nya. Niyakap nya ko at pinatahan.

Niyakap ko din si Russell dahil wala anamn akong ibang kakapitan kundi sya lang..

Kahit papano kasi ay napapagaan nya ang loob ko.

Tapusin na natin yan para makauwi na tayo. Inalis ko ang pagkayakap nya sakin at pinunasan ko ang luha ko.

Agad naming inayos ang write ups para sa article na gagawin namin..

Pagkatapos ng apat na oras, ay natapos nadin naming ang article.

Iniwan naming ito sa lamesa ni sir Warren para madali nya itong Makita..

Lumabas na kami ng office ni sir..

Nagoffer sakin si Russell na ihatid ako..

Hindi ako tumanggi at pumunta na kami sa parking lot.

Sasakay na sana kami ng kotse kaso biglang may tumawag sakin..

Dana! Tumakbo si Ken palapit samin.

Ano nanaman? Tumingin ako sa kanya ng may galit sa mukha ko.

I did’nt mean to say that. I’m sorry…. Hinawakan nya ko sa braso.

Pre pwede ba, tumigil ka na magbaitbaitan.. nakakagago ka na eh! inalis ni Russell ang kamay ni Ken sa braso ko.

Pare hindi ka kasali dito. Galit na sabi ni Ken.

Maniwala ka sakin dana, pakinggan mo lang ako. Sabi nya sakin.

Maniwala?? Pakinggan?? Putang inang maniwala yan.. nakakapagod na.. nakakasawa na. tara na Russell hatid mo na ko. Sumakay ako sa loob ng kotse ni Russell.

Pumasok nadin si Russell sa loob at pinaandar ang kotse nya..

Iniwan naming mag-isa si Ken….

CHAPTER 32 will be KEN SANTIAGO’s POV salamaT !! J abangan …

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon