Chapter 24

56 0 0
                                    

CHAPTER 24

Ilang araw nadin ang lumipas simula nung huli kaming magkausap ni Ken..

At hanggang ngayon eh malungkot padin ako.. gabi gabi padin umiiyak.. at nagmumukmok..

Pagkagising na pagkagising ko.. naligo kagad ako..

Tapos bumaba na ko..

Nakatingin sa kin ang kapatid ko pagbaba ko..

Oh.. anong mukha yan?? Bakit nanaman. Naiiritang tanong ko sa kanya.

Inabot nya sakin ang dyaryo.

Ate ikaw ba to?? Tinuro nya yung picture sa dyaryo.

Tinignan ko ang front page ng dyaryo pati na ang picture na nandon.

Shit. Ano to! Bakit ako nandito.. last week pa to ah.. bakit may nakaalam nito! Nabigla ako sa nakita ko.

Tinupi ko ang dyaryo.

Si mama?? Tanong k okay Dave.

Umalis eh. naggrocery. Sagot sakin ni dave.

Wag mo papakita kay mama yan ah! Wag mo din sasabihin! Banta ko sa kanya.

Sus! Kahit di ko sabihin.. malalaman din nya yan. Sige na nga di ko sasabihin basta pengeng 100. Inabot nya sakin ang kamay nya para humingi.

Mukha ka talagang pera no! oh ayan! Papasok na ko. Inabot ko sa kanya ang 100 at umalis na sa bahay..

Nagaalala ako sa nakita ko.. baka kasi may makakilala sakin kahit pa medyo natalikod ako sa picture.

At lalong nagaalala ako dahil baka makaapekto yun sa career ni Ken.. nasa front page pa kasi..

Habang naglalakad ako sa may kanto naming para mag-abang ng taxi.. nakakita ako ng nagtitinda ng mga dyaryo..

What the fuck! Bakit lahat ng dyaryo eto yung front page. nabigla ako.

KEN SANTIAGO, NAKITANG MAY KASAMANG BABAE.  Yan ang bungad ng mga dyaryong nakikita ko…

Dumerederetso nalang ako ng lakad, at nagtawag kagad ng taxi..

Dali dali akong sumakay..

Pagdating ko sa AMC naririnig ko na yung mga empleyado dun ay pinaguusapan ang issue tungkol ka Ken..

Sumakay ako sa elevator kasabay ang 4 na babae.

Alam mo naba yung issue kay Ken??

Oo alam ko na, ang landi landi nung babae nayun no!

oo nga eh.. di na nahiya alam namang may gf na si Ken!

Eto namang si Ken di pa makuntento sa isa..

Ay alam mo parang namumukaan ko nga yung babae sa picture kahit medyo hindi maita yung mukha.

Yumuko ako.. baka kasi mamukaan nila ako..

Pagkababa ko ng elevator, pumunta ako agad sa office ni Sir Warren.

Hindi nakaloock ang pinto.

Good morning. Lumapit ako kay Russell.

Nasan si sir?? Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot, sa halip ay may kinuha sya sa bag nya.

Ikaw to di ba?? Halata eh. kahit na konti lang ang kita sa mukha mo. Alam ko ikaw to. Pinakita nya sakin ang dyaryo.

Nagulat ako.. kasi hindi expected na pati si Russell eh mapapansin iyon.

Akin na nga yan. Kinuha ko sa kanya ang dyaryo.

Ayaw mo pang umamin sakin, ikaw naman talaga yan.. wala namang ibang taong maiinvolve sa kanya bukod sayo at kay Karen!. Seryosong ssabi nya.

Shit! Oo na ako nayan!.. ako na yang babaeng sinsabihan ng malandi at kalaguyo ni Ken!! Ako na yang babaeng yang sinasabing inaagawan si Karen!!! Masaya ka na ?? napasigaw ako sa sobrang inis..

Hindi ko na nga lang binabasa ulit eh, pero yung naririnig ko sa mga tao.. sobrang sakit eh.. alam mo yun! Wala namang katotohanan dun sa nakasulat. Naiyak ako sa harap nya.

Tumingin si Russell sakin at lumapit.

I’m sorry Dana, sorry.. naiinis lang din kasi ako sa mga naririnig kong sinasabi nila tungkol sayo.. eh wala naman silang alam na kahit ano… putang ina nung mga taong naninira sayo! Putang ina talaga!  Seryosong sabi nya.

Pinunasan ko ang luha ko..

Tama na, wag nalang nating intindihin.. hindi pa naman nila alam talaga kung sino yung nandun sa picture, bukod sakin, sayo, sa kapatid ko, at kay Ken.. alam ko wala pa namang ibang nakakaalam. Sabi ko sa kanya..

Tumango sya.. at inayos ang camera nya…

Nang dumating si Sir Warren, agad nya kaming inutusan na pumunta sa studio 14 para hanapin ang isa sa production team.

Pumunta kaming dalawa ni Russell doon.

Excuse me po, nandito po ba si Ms. Sam? Pinapahanap ko kasi sya samin ni Sir Warren. Tanong ko sa isang employee doon.

Tinitigan nya kong mabuti..

Teka, parang namumukaan kita.. di ba ikaw yung nasa ano--- tinuro nya ko..

Ah nasan po ba sya ?? punta daw po sya sa office ni sir Warren. Thank you. Sumabat si Russell tapos hinala ako palayo.

Pano yan.. may nakakilala na sayo..  tinignan nya ko.

Ang totoo, hindi ko alam ang gagawin ko..

Kinabahan ako.. nanlambot ang mga tuhod ko..

Papano kung ipagkalat nya yun sa ibang tao, at makilala nila ako???

Anong gagawin ko???? Pano ako iiwas sa issue na nasangkot ako..

Issue na wala namang katotohanan……

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon