Chapter 12

64 0 0
                                    

CHAPTER 12

Ui te. Nu nangyari sa mukha mo. Tanong sakin ng kapatid ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Napagod ako malamang. Naasar na sagot ko sa kanya.

Napagod??? Pano ka mapapagod eh wala ka naming pasok ngayon. Tanong nya sakin.

Pwede ba dave, wag ngayon. Wala ako sa mood. Tumingin ako sa kanya at umirap.

Sus! Ang sungit mo naman te. Dumabog sya sakin.

Hindi ko nalang pinansin si Dave. Dumeretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ref at uminom ng tubig.

Ahh.. kaya naman pala nagsusungit. Lumapit sakin si Dave at nilapag sa table ang dyaryo.

O?? ano yan?? Ano kinalaman nyan? Naiinis kong sabi sa kanya.

Kunyari ka pa, e affected ka naman dyan sa balita kay kuya Ken. Pangaasar nya.

Babatukan ko n asana sya akso bigla syang tumakbo palayo sakin.

O ano nanaman yan?? Tigilan mo na ang ate mo. Saway nya kay Dave.

Lumapit sakin si mama, at tinignan ang dyaryo.

Totoo, ba to?? Umamin talaga si Ken?? Binasa nya ang dyaryo at tska tumingin sakin.

Tumingin lang din ako kay mama. Wala kasi akong maisip sabihin.

Ma, akyat na po ako ah. Kumain nadin pala ako. Malungkot na sabi ko sa kanya.

Lumapit sakin si mama at hinawakan ang mukha ko.

Anak, alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi ka makakapagtago sakin. Alam mo anak, mahirap talaga yang nararamdaman mo. Alam ko naman na mahal mo si Ken. Niyakap ako ni mama at niyakap ko din sya.

Hindi kita pipilitin magsabi sakin, pero kung kailangan mo ng maiiyakan, anak, andito lagi ang mama ha. Hinaplos ni mama ang likod para icomfort ako.

Tumango lang ako, at umakyat agad sa kwarto ko.

Naglinis kagad ako. At dahil sa sobrang bad vibes ng araw ko. Natulog ako kagad kahit 7:30 palang ng gabi.

KINABUKASAN..

Bumangod ako ng maaga, at umalis kagad ng bahay.

Nagpunta kagad ako ng school. At dumating ako ng maaga.

Hi Tins. Bati ko kay Tina.

Oh. Ang aga mo ah. At bakit pang holy week nanaman yung mukha mo?? Araw araw nalang! Bineso ako ni Tina.

Tanong ka pa ng tanong alam mo naman kung ano at sino ang dahilan. Naiirita kong sagot sa kanya.

Sunget! Sorry na.. to naman. Sabi nya sakin.

Kamusta pala yung lakad mo kahapon? Tumawag ako sa inyo kasi may ibabalita ako sayo kaso wala ka pa daw. San ka ba nagpunta? Umupo sya sa tabi ko.

Ayun. Nagpunta ako sa the Fort para magpawala ng stress, pero nakita ko nanaman sila na MAGKASAMA. Malungkot kong sabi sa kanya at inemphasize ko talaga yung salitang magkasama.

What?? Talaga?? O my god! Nakakainis naman! Parang nananadya naman! Naiinis na sabi nya.

Hay nako mars, wag ka na nga umiyak. Sinasayang mo yang ganda mo kay Ken. Marami naman dyang iba. Wag kang magmahal ng celebrity mahirap yan! Payo nya sakin.

Kala mo naman ang daling gawin non. Palibasa hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko kaya ang dali mong masani yan. Seryosong sabi ko sa kanya.

Oo na! teka maiba tayo.. alam mo ba na isasabak na tayo field.. magi intern na tayo next week!! Naeexcite na sabi nya sakin.

Internship ??! Ha? Bat parang wala naman akong alam na ganon?? Alam ko mag gaganun tayo pero hindi pa ngayon. Nagtataka kong sabi sa kanya.

Palibasa kasi lutang ka lagi. Last week pa kaya sinasabi yon. At tsaka nakapost na sa bulletin board! At alam mo ba ha, sila ang magaasikaso ng lahat lahat. Wala tayong iisipin kung san tayo nagtetraining. Natutuwang sinabi sakin ni Tina.

Weh?? Talaga?? Wow. Eh teka kelan natin malalaman kung san tayo iaassign ??  tanong ko sa kanya.

3 days from now daw. Magpapadala sila ng letter. Tapos yun lang yung ipapakita mo kung san ka man maassign. Sagot nya.

Wow ha.. ang bilis naman! Sabagay, photography school lang naman to eh tska 2 years course lang siguro ganun. Bilib kong sagot sa kanya..

Siguro, alam mo mars, sana maassign ako sa tv station para malupit! Okay lang kahit di camera ang hawak ko dun, kahit taga edit o tagabuhat lang ako, okay na!. ngiting ngiti si Tina habang sinasabi sakin yon.

Ako kahit san okay ako. Sure ako makakapasok ka dun, maganda naman ang grades at performance mo eh. Inencourage ko sya.

Sana pareho tayo! Para magkasama padin tayo!! 3 months din yun no!! mamimiss kita nun. Niyakap ako ni Tina at niyakap ko din sya.

Habang nagkaklase kami, napaisip tuloy ako kung san ko gusto mag OJT.

Bahala na nga kahit saan nalang.. nangamot ako ng ulo at tska nakinig na sa klase.

AFTER THE CLASS:

Una na ko mars ah, kita sa Monday. Enjoy you’re weekend! Wag ka na umiyak dyan. Nagbeso sya sakin at tsaka umalis.

Umalis din naman ako kagad ng school at dumeretso sa bahay.

Habang kumakain kami ng dinner  eh nabanggit ko kela mama ang tungkol sa OJT ko.

Ma, next week na po pala start ng ojt namin. At yung school po yung magdedeicde kung samin kami iaassgin. Sabi k okay mama habang kumakain kami.

 Ah that’s good, alam ko kaya mo yan. Tumngin sakin si mama at ngumiti.

Ate sana dun ka mapunta sa show ni kuya Ken. Pangaasar sakin ng kapatid ko.

Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi nya, dahil alam ko naman na imposibleng mangyari yun. Hindi naman kasi ako masscom student, o broadcast  com student.

Pagkatapos na pagkatapos ng dinner naming eh umakyat na ko agad sa kwarto para magpahinga..

Walang oras na hindi ko naisip si Ken.. mula umaga hanggang gabi, sya lang ang nasa isip ko..

Pero wala eh, hindi na sya nagtetext o nangangamusta man lang sakin….

AFTER 3 DAYS:

Te, may letter ka oh, kakadala lang. ako na kumuha kasi naliligo ka naman. Inabot sakin ni Dave ang sulat.

Sa sobrang excitement ko eh nagpunta ako kagad sa sala at umupo.

Binasa ko kung san galling ang letter at galling ito sa school namin.

Endorsement and internship letter yan ang nakasulat sa envelope.

Agad kong binuksan ang envelope at binasa ang nakalagay at kung saan ako mag oojt….

Te? San ka magtetraining??? Curious na tanong sakin ni Dave……

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon