Chapter 28

46 1 0
                                    

CHAPTER 28

Dana teka lang. tumakbo sya palapit sakin.

Huminto ako sa paglakad..

Dana, listen to me.  Pumunta sya sa harap ko.

Hindi ako makatingin sa kanya, dahil iyak ako ng iyak at masama rin ang loob ko.

Dana, anong sinabi nya sayo?? Kung ano man yun please.. ako muna yung pakinggan mo. Hinawakan nya ang mga balikat ko.

Wala ka na dun.. kung ano man yun.. nakayuko kong sabi sa kanya.

Bakit ka ba ganito sakin??, pakinggan mo muna yung sasabihin ko sayo.please naman. Hinawakan nya ang mukha ko.

Tinatanong mo bakit ako nagkakaganito?? Ha??? Dahil sayo!! Imalis ko ang mga kamya nya sa mukha ko.

Alam mo… tama na… mas mabuti pa lumayo nalang ako sayo, para hindi masira ang career mo ng dahil lang sakin.. tumingin ako sa kanya.

Diba? Totoo naman!! Sigaw ko sa kanya.

Ano bang sinasabi mo?? Yung issue, kaya ko namang ayusin yun eh. sasabihin ko na wala namang katotohanan yun.. na magkaibigan lang tayo. Pinaliwanagan nya ko.

Wag mo naman akong layuan.. please. Pinakiusapan nya ko.

Wag layuan?? Sino ba satin ang unang lumayo.. ang unang nawalan ng oras.. pakiramdam ko hindi na ikaw yung nakilala kong Ken Santiago! Lumakad ulit ako palayo sa kanya, pero hinabol nya ulit ako.

Dana… please… wag namang ganito, best buddy tayo diba? Hinawakan nya ang braso ko.

oo.. best buddy.. kaibigan.. kaibigan lang naman ako sayo eh.. kaya nga mas lalo akong nahihirapan at nasasaktan.. hindi mo kasi maiintidihan eh! hindi mo maiintindihan kung ano yung nararadaman nito.  Tinuro ko ang puso ko.

Hindi mo alam kung anong sakit ang tinitiis ko… kung anong sakit ang nararadaman ko.  Umiyak ako sa harap nya.

Ano bang sinasabi mo??? Bat ka ba nagsasalita ng ganyan?? Bakit ka ba nagkakaganyan?? Lumakas ang boses nya.

Gusto mo talagang malaman ha??! Ken MAHAL KITA!! MAHAL KITA kaya ako nagkakaganito, at nasasaktan ako dahil sayo.!! Nasasaktan ako dahil si Karen ang mahal mo.. nasasaktan ako kasi kaibigan lang ako sayo…. Alam mo ba kung gano kasakit sa puso ko tong mga nangyayari… ha??? Hindi mo alam diba ! inalis ko ang kamay nya sa braso ko.

Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat, hindi sya nakapagsalita sa mga nasabi ko..

Kaya please tama na… pagod na ko eh.. ang sakit sakit na… alam mo tama naman yung manager mo.. dapat layuan kita, para hindi na ko mahirapan, at para hindi ka nadin mahirapan..  umiiyak kong sinabi sa kanya..

Kung masakit sayo na gawin to… sampung beses na mas masakit sakin na gawin to… tumingin ako sa kanya..

Lumakad ako palayo sa kanya..

Inawanan ko sya mag-isa…

Hindi ko akalain na mabibitawan ko sa kanya ang mga salitang iyon..

At lalong hindi ko sinadyang umamin sa kanya..

Wala eh, di na kaya ng puso ko.. at alam ko mas lalo lang akong mahihirapan kapag hindi ko sinabi sa kanya yung totoo..

Habang pabalik ako sa office ni sir Warren, tuloy tuloy padin ang pag-iyak ko..

Sa lahat ng sakit na naramdaman ko… eto ang pinaka masakit..

Eto ang pinaka mahirap..

Parang unti unting nadudurog ang puso ko sa mga nangyari..

At lalong hindi ko makayanan ang sakit dahil simula nang pag-amin ko….

Doon na magtatapos ang pagkakaibigan namin..

Ang pagkakaibigang ang tagal naming pinundar at pinagsamahan….

Nawala at natapos ng ganun nalang…

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon